Chapter 22. OA.

3.7K 121 8
                                    

SHARLENE'S POV

"Ito ang isoot mo Shar."-Joaquin-

Pumunta sya sa kwarto ko para ibigay sakin ang isang dress na floral ang palda.

"Bakit? Anong meron?"-ako-

"May pupuntahan tayo."-Joaquin-

"Saan naman?"-ako-

"Basta. Magbihis kana at medyo mag- ayos ka din."-Joaquin-

Ang dami kong pinagtataka kay Joaquin.

Una, sabi nya 1 linggo ang bakasyon namin pero 3 araw lang pala.

Tapos ngayon naman isasama nya ako, soot ang dress na to sa hindi ko alam na lugar.

Nagbihis na ako at naglagay ng light make up.

Nag rubber shoes lang ako kasi dun ako mas kumportable.

Paglabas ko ng kwarto ay nandun na si Joaquin. Ang gwapo nya! Naka polo lang sya. Simple lang.

"Bakit ganyan ang sapatos mo?"-Joaquin-

"Bawal ba?"-ako-

"Pwede naman. Tara na nga."-Joaquin-

Hinawakan nya ang kamay ko.

"San ba tayo pupunta?"-ako-

"Malalaman mo din."-Joaquin-

Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako.

Pumunta kami sa isang 5 star restaurant.

"Anong gagawin natin dito?"-ako-

"Imi meet natin si papa."-Joaquin-

"E bakit kasama pa ako?"-ako-

"Syempre! Bodyguard kita diba?"-Joaquin-

"E bakit........."-ako-

"Tama na nga ang tanong. Pumasok na lang tayo."-Joaquin-

Pagkapasok namin ay nakita ko agad si Mr. R.

"Good evening po Sir."-ako-

"Good evening Shar."-Mr. R-

Umupo si Joaquin sa tabi ni Mr. R at sa tabi nya ako.

"Palagay ko, wala dapat ako dito."-ako-

"Hindi!"-Joaquin-

Ang weird nya talaga!

"O sige. Punta lang ako sa cr."-ako-

Tumayo na ako at pumunta sa may cr ng may makabangga ako.

"Shar?"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yun.

"Kuya?"-ako-

Si Kuya Daniel! Anong ginagawa nya dito?

"Anong ginagawa mo dito?"-Kuya-

"E ikaw?"-ako-

"Nauna akong magtanong Sharlene."-Kuya-

"Wala lang. May sinamahan lang ako. Kasama mo sina mama?"-ako-

"Oo pero wala pa sila."-Kuya-

"E bakit? Anong meron?"-ako-

"Imimeet namin ang lalaking mapapangasawa mo."-kuya-

What?!

Wala akong masabi! Gulat na gulat ako.

"Aalis na ako kuya. Baka maabutan pa ako nina mama."-ako-

"Shar, hindi habang- buhay, makakatakas ka sa bagay na to."-kuya-

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon