Chapter 9. Sorry?

5.3K 177 8
                                    

JOAQUIN'S POV

Nagising ako at nakaramdam ng sobrang sakit ng ulo.

Ay oo nga pala! Naglasing ako kagabi.

Pagkadilat ko ay may nakita akong tubig at gamot sa lamesa. May note din dun.

Alam kong masakit ang ulo mo, inumin mo to sir. -Sharlene-

Napangiti ako pero di ko alam kung bakit.

Ininom ko na yun. Bumaba na ako at nakita ko sya sa may tabi ng lamesa na nakatayo.

"Kumain ka na sir."-Sharlene-

Parang may kakaiba sa kanya. Hindi sya yung kagaya nung mga nakaraang araw na masigla, makulit. Parang namumutla sya at hindi pa sya tumitingin sakin.

"Sumabay kana."-ako-

"Tapos na po."-Sharlene-

Okay?

Habang kumakain ay nandun lang sya. Hindi nagsasalita.

Ganun pa rin hanggang makarating kami sa school.

Hindi sya umupo sa tabi ko. Umupo sya sa likod ko.

"Okay na kayo ni Sharlene?"-Nash-

"Anong okay na?"-ako-

"Yung kagabi?"-Brace-

"Anong meron kagabi?"-ako-

Ano bang sinasabi nila? May nangyari ba kagabi na di ko maalala?

"Hindi mo naaalala na sinigawan mo sya kagabi at sinabihan mo ng masasakit na salita?"-Nash-

Ha? May ganung nangyari kagabi?

Nag- isip ako!

Wala akong naalala na....

Naalala ko na! Nasigawan ko nga si Sharlene! Lasing ako kaya kung ano- ano ang nasabi ko! Kaya naman pala ganyan sya.

Nilingon ko sya. Nakayuko lang sya.

Nang natapos ang klase ay tumayo na kami.

Nakasunod lang si Sharlene sa likod namin.

"Naku! Patay ka! Galit yan sayo!"-Nash-

Parang natakot ako sa thought na galit sya sakin.

"Ano naman?"-ako-

Napailing si Nash.

Dahil medyo nakakaramdam ako ng guilt, binilhan ko sya ng pagkain at gatas.

"Kainin mo."-ako-

"Busog ako sir."-Sharlene-

Pinilit ko pa rin na ibigay yun sa kanya.

"Kainin mo sabi!"-ako-

Kinuha nya na yun at di na nagsalita.

Habang nakain ay lumapit samin si Brace at may kasama syang babae.

"Mga tol! Girlfriend ko! Si Bela Mijares."-Brace-

"Hello!"-Nash Grae John at Shar-

Nakangiti pa si Shar pero pagkatingin nya sakin ay sumimangot na naman sya.

"Upo ka dito Bela!"-Nash-

Maganda ang gf ni Brace. Sa pagkaka alala ko, matagal na silang magkaibigan ng babaeng yan. Masaya ako para kay Brace pero malungkot pa rin ako dahil kay Shar.

Habang pabalik kami sa room ay nagpahuli ako para makausap si Shar.

"May problema kaba?"-ako-

"Wala."-Shar-

"Bakit ang tahimik mo?"-ako-

"Wala."-Shar-

Nakakabugnot ang ganitong usapan!

Maghapon na di ako kinausap ni Sharlene. Ewan ko kung bakit ako apektado. Dati naman wala akong pakealam.

Bago umuwi ay may binulong sakin si Nash.

"Mag sorry ka."-Nash-

Sorry? Ako magso sorry?

Nang makauwi na kami ay bumaba na si Sharlene sa kotse.

"Sharlene!"-ako-

Napatigil naman sya.

Huminga ako ng malalim.

"Yung sa kahapon, gusto ko sanang mag sorry sa nasabi ko."-ako-

Hindi sya nag react.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya.

Naramdaman kong ang init nya.

Pagtingin ko sa mukha nya ay nakapikit sya at sobrang putla!

May sakit sya! Ang taas ng lagnat nya!

"Sharlene!"-ako-

---------------------

Dahil nagwawala na ang kapatid ko. Eto na! Hahaha
Tanong lang! Masyado bang maikli ang mga chapters? Gusto nyo bang habaan ko? Comment lang! :)

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon