Epilogue Part 3

772 29 3
                                    

•••PART THREE•••

Samantha's POV

I open my eyes as soon as the light of the sun hit my face. Tumambad kaagad sa 'king paningin ang puting kisame sa kwarto na ito.

Kaagad akong bumangon at nagbihis pagkatapos ay lumabas na ako ng silid. Sa paglabas ko ay nakasalubong ko si Sister Lily.

“Gising ka na pala iha. Tara, tulungan mo akong maghanda ng makakain para sa mga bata.” 

Ngumiti naman ako sa kaniya, “Ano pong handa natin ngayon?” ikinawit ko ang kamay ko sa kamay ni sister Lily.

“Ay akin na po yang isang bag at baka nabibigatan po kayo.” aniko pa.

Sa paglalakad ay nakita ko ang isang pamilyar na tao na nasa malaking puno sa di kalayuan dito sa bahay ampunan.

Is that him?

“Uhmm… Sister Lily. May kukunin nga lang pala ako saglit.” pagdadahilan ko sa kaniya. “Babalik lang po ako.”

“O sige. Basta ba tulungan mo ako ngayon ah! May bisita pa namang darating mamaya.” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Bisita? Sino?”

“Basta malalaman mo 'yan mamaya. Sige na.”

Nagmadali na lang akong umalis doon nang nakakunot ang noo.

“Sino naman kayang bisita mamaya at mukhang madami ang ihahanda niya? Espesyal ba? O kaya naman bagong sponsor sa bahay ampunan na ito?” iniling ko na lang ang ulo ko.

Nagmadali akong pumunta sa malaking kahoy at baka hindi ko na naman maabutan ang taong iyon. But weird that he still stood there as if he's waiting for me.

Nang makarating ako sa harapan niya ay hindi siya gumalaw. Its the old man na sa tingin ko'y siyang may dahilan kung bakit ako napaadpad sa pinanggagalingan ko.

Ang Enchanted kingdom.

He was the one who intentionally leave the book here in the very first place. He was the reason why my life turn upsidedown all at once.

“It was you, right?” hindi siya sumagot sa 'kin at nanatili lang nakasumbrero na natatabunan pa ang mukha niya kaya hindi ko siya matingnan sa mga mata niya.

“Ikaw ba si Mang Egnacio?” tanong ko uli.

“Nagagalak akong makita kang buhay, Bata.”

Sa pagdinig ko sa kaniyang boses ay doon ako nabigla. Mga ala-ala ni Anayah na nakuha ko ay nagsipasok sa 'king isipan nang marinig ko ang boses niya.

Could he be…

“Y-you…” may inilahad siya sa 'king pagkain na ikinataka ko.

“Regalo ko sa 'yo sa pagligtas mo sa mga minamahal ko. Tunay ngang matapang ka katulad niya.”

Niya? Siya nga! Siya nga ang iniibig ni Anayah noon. Matapos ang labanan na iyon ay hindi ko inakalang mabubuhay pa ako. Nagising na lang ako na nandito na sa mundo ng mga tao kasama ang mga ala-ala ni Anayah na nanatili sa aking memorya.

“Are you really him?”

“Kailangan ko nang umalis binibini. Wala na pala akong babalikan dito kung gano'n.” nahimigan ko pa ang lungkot sa kaniyang boses.

He's still waiting for her under this big tree. Sa mahabang panahon ay naghintay pa rin siya sa pangako ni Anayah na babalikan siya nito ngunit hindi nga nangyari kasi namatay siya sa kamay ng hari ng kadiliman.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now