"Shut up."

"Tama ka... lahat mawawala sa 'yo, 'yong hospital na gusto mong mapasakamay ni Keith?" 


"Dapat lang naman kay Keith mapunta---"


"Ibinenta niya ang share ng pamilya niyo sa akin. Wala na kayong hinahawakan pa sa hospital ng pamilya ko." Dahil sa sinabi ko ay napatayo si Tito Yohan.


"Liar!" 



"L-lahat iniwan ni Keith," mahinang sabi ko at pinipigilan kong pumatak ang mga luha sa mga mata ko. "Lahat ng businesses mo... wala ni isang pinamunuan si Keith."


"Hindi 'yan gagawin ng anak ko," mahinang sabi ni Tito Yohan.

"Ginawa niya... wala ni isa siyang kinuha," mahinang sabi ko at inalala si Keith na ilang buwan nang nawawala.


Ang sabi lang ni Gillion umalis upang bigyan ng magandang ala-ala si Angelo. 


"'Yong kinamumuhian mo... my father. Keith gave him one of the condominium branches in Makati. Kabayaran sa ginawa mo sa Papa ko," mahinang sabi ko kaya naman dahan-dahan siyang napaupo.


"'Yong hospital... nasa pamilya ko pa rin."

"Manahimik ka na," malamig na sabi niya sa akin. 

"Ngayon... nasaan ang narating mo sa mga kasinungaling ginawa mo? Nakabalik ako sa pamilya ko, nagkabalikan ang mga magulang ko, at ang businesses na gusto mong makahawak? Nasa amin pa rin," mahinang sabi ko sa kan'ya habang nakatitig sa mga mata niya.


I was angry because of what he did to my family but I couldn't help feeling sorry because even Keith is the one suffering because of his Father's sins.


Parang sinalo ni Keith ang lahat, ipinatong niya lahat sa balikat niya ang kasalanang hindi naman siya ang gumawa. 


"'Yong anak na gusto mong paglaanan ng lahat ng kasakiman mo? Siya 'yong naghihirap sa lahat ng ginawa mo," malamig na sabi ko at muling tinitigan si Tito Yohan. "Siya 'yong walang mukhang maiharap sa lahat ng taong nagawan mo ng kasalanan dahil pakiramdam niya kasalanan niya rin ang kasalanan mo!"


Tears started to fall in my eyes.


"Nasa habang nabubulok ka rito ay ma-realize mo ang pagkakamali mo at makuha mong magpakumbaba sa lahat ng taong nasaktan mo, lalong-lalo kay Keith, anak mo siya," mahinang sabi ko at tumayo sa pagkakaupo.


Kahit na may mga luha sa mga mata ko ay lumabas ako silid at iniwan ko ang Ama ni Keith.


"Are you okay? Sigurado ka bang kaya mo pang puntahan si Vien?" tanong sa akin ni Cy matapos akong abutan ng panyo.

"Gusto ko nang matapos ang lahat nang 'to, Cy," mahinang sabi ko habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng bilangguan. 


"Ano'ng plano mo pagkatapos nito?" tanong niya sa akin kaya naman natigilan ako at napangiti.


Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDWhere stories live. Discover now