Chapter 1

2.3K 50 10
                                    


Enjoy Reading, Sweeties:)


"Cloud wala ba talaga akong pwedeng gawin para magustuhan mo?"

Napairap na lang ako sa hangin habang nakatingin kay Gab. Hindi yata talaga nito alam ang salitang 'may mahal akong iba'.

Ang sarap naman niyang saksakin sa tagiliran.

"Gab, we're friends. T-tsaka 'di ba sinabi ko naman na meron na akong ibang gusto," mahinang sabi ko kaya naman nakita kong natigilan siya bago yumuko.

Nandito ako sa labas ng University lalo't may pasok pa ako. Malapit na, konting tiis na lang ay gra-graduate na ako.

"But you don't have a boyfriend. Besides, I can handle relationships. You may also turn your attention to me if you give a chance to prove myself," pangungumbinsi pa ni Gab sa akin kaya pasimple naman akong nagkamot ng pisngi ko.

Hindi talaga siya titigil.

"I'll think about it first, Gab. Pero hindi ako nangangako," mahinang sabi ko kaya nasilayan ko naman ang ngiti sa labi ni Gab.

"Thank you, Cloud."

"Papasok ka na ba? Sabay na tayo," makulit na sabi niya pa sa akin.

Magkaklase kami ni Gab. Parehas din na graduating na.

Maglalakad na sana kami nang makita si Finn kaya kumaway ako sa kanya pero mukhang hindi niya ako napansin.

"Finn!"

Nang malakas ko siyang tinawag ay lumingon siya sa akin.


"Cloud! Where are you going?" he asked me while he's smiling.

Nakasunod lang sa akin si Gab kaya mas nainis ako pero hindi ko na lang pinahalata.

"Klase namin. Ikaw saan punta mo?" tanong ko naman sa kanya.

Natawa naman siya.

"Sa site lang, hirap naman palang mag-OJT. Sarap sampalin mga kliyente buti na lang mabait pa ako," mahina niyang sabi kaya naman natawa ako.

"Aba! OJT ang gago. Kaya pala nagmumukha ka nang kinalawang na bakal," tumatawang sabi ko kaya naman nangunot ang noo ni Finn.

"Aba ang yabang ay... ikaw nga mukha nang blue hole. O kaya si sadness tanga nito," pambabara niya sa akin lalo't OJT na rin kami at talagang ang hirap naman lalo sa blue prints. Naintindihan ko kung bakit si sadness ang naisip niyang pagbibiro sa akin. Lalo't kulay blue si sadness.

"Lol!"

"Luh bawal magdala ng hayop dito ah," sabi ni Finn kaya naman nagtaka ako.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Ano'ng pangalan ng aso mo? Hi doggy? Sit!" sigaw ni Finn na may hand gesture pa kay Gab kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy gago ka Finn," gulat na gulat na sabi ko.

"What the fuck did you say?!" sigaw ni Gab at nakakuyom na ang mga kamao.

"Luh joke lang p're! Luh 'di naman na mabiro ay..." sabi ni Finn na nakataas na ang dalawang kamay at umatras pa na para sumusuko kay Gab.

Si Gab naman ay hindi maipinta ang mukha at halatang-halata na galit at gustong suntukin si Finn.

Hindi ko alam kung matatawa ako o susuwayin ko ba si Finn.

"Joke lang p're... kiss kita lika," sabi pa ni Finn kaya malakas akong tumawa. Lumingon naman sa akin si Finn bago tumawa pero agad ding tinigil at tinuro ako. "Luh tinatawanan ka p're oh."

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDWhere stories live. Discover now