Chapter 31

1K 37 117
                                    


Enjoy Reading, Sweeties:)









Isabella Cloud




Dahan-dahan kong tinanggal ang seatbelt ko at ngumiti kay Mama Kate.

Dahil sa mga pinagtapat niya sa akin noong isang araw ay wala akong balak sabihin 'yon kay Baste.

Hindi suportado ako sa ginawa ni Mama kundi nirerespeto ko siya. Wala akong karapatan na sabihin kay Baste na nagloko rin ang Mama niya noon lalo't wala siyang kaalam-alam.

Alam kong masasaktan si Baste pero si Mama ang may karapatan na sabihin 'yon kay Baste at hindi ako.

"Mama, thank you sa paghatid," I whispered. Isa pa hinatid niya ako sa hospital nila kung saan nagtra-trabaho si Baste.

"You're welcome. A-are you sure gusto mong sumama sa akin s-sa Baguio?" tanong niya kaya naman hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Mama it's for your Katerine. It's okay, Mama. Don't ruin Sir Silvian's last wish," I answered.

Well naging ka-textmate ko si Sir Silvian hehe.

I mean hindi pwedeng si Mama ang kausap niya lalo't ayaw ni Mama na magkaroon ng kahit na anong koneksyon kay Sie Silvian kaya ako ang nakakausap niya at nasasabi ko naman ang napag-uusapan namin ni Sir Silvian.

Naiintindihan niya rin kung bakit ako ang pinakausap ni Mama sa kan'ya.

"Sige na pumasok ka na sa loob, susunod ako kailangan ko lang bumili ng coffee, tsaka ibang daan din naman ako sa hospital. Hihintayin na lang kita rito," sabi ni Mama sa akin kaya tumango naman ako.

Napatingin ako sa orasan ko at napanguso nang makita kong alas-dose na agad-agad. Pero nandito naman ako para ibigay kay Baste ang niluto kong pananghalian niya.

"Sige na, ipagdasal mo na wala siya sa operating room," nakangiting sabi ni Mama kaya naman napanguso akong bumaba habang bitbit-bitbit ang lunch box kung nasaan ang sinigang na niluto ko.

Hindi ko pa namamaster ang kare-kare at hindi pa gano'n kalasa ang sinigang ko pero gusto ko nang ipatikim kay Baste.

Besides, when his duty is at five o'clock in the morning, he cooks me my breakfast and I just heat it up.

Nang tanungin ko sa isang nurse sa counter malapit sa main entrance ng hospital ay sinabi na nasa operating room si Baste at isang oras mahigit nang nando'n

Ibig lang sabihin ay hindi pa siya kumakain kaya naman napanguso ako. Naglakad ako lalo't may nag-aassist naman sa akin.

Kaso nang nasa floor na kami ng operating room ay nakita kong lumabas mula sa isang kwarto si Vien.

Nagsalubong ang mga tingin namin ay nginitian naman niya ako kaya gano'n din ang ginawa ko.

May hawak siyang tray at may mga lamang gamot 'yon.

"Magandang umaga, Architect," nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napangiti rin ako.

I feel something strange because her face resembles Bea but I just ignored it.

Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETEDWhere stories live. Discover now