Chapter 6

971 45 21
                                    


Enjoy Reading, Sweeties:)








Naging maayos naman ang mga sumunod na araw namin, last two days na lang ngayon papunta kami sa bayan upang magsimulang libutin ang lugar ng Baler.

Sakto na bibili rin kami ng pagkain lalo't naubos na.

Naging isyu rin ang lagi naming pagsasama ni Frinn pero may usaman naman kami ni Frinn kaya sinantabi na namin ang mga pangangasar ni Finn at pananahimik ni Baste at Gillion.

Nag-aaway pa rin naman as biruan nila Gillion pero madalas ay kami na lang ni Frinn dahil bobo siya e.

Nasa bayan kami at namimili ng uulamin para mamayang gabi. Nagulat na lang ako nang hilain ako ni Frinn.

Nasa unahan kasi namin si Finn at Baste since sila naman ang marunong sa mga bibilhin at sila namang dalawa ang nagluluto.

Nasa likod naman si Gillion na busy sa cellphone niya.

"Hiramin ko muna si Cloud," sabi ni Frinn at hinatak na ako papahiwalay kung saan pupunta sila Baste.

"Bakit ba?" inis na tanong ko. Nasa tabi na kami ng malawak na palengke sa malawak na bermuda grass. Maraming kumukuha ng letrato.

"E kasi naman picturan mo ako dali," sabi niya at binigay sa akin ang cellphone kaya naman napasimangot ako.

"'Yon lang gagawin natin hina---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Ililibre kita," sabi niya kaya naman napangiti ako at kinuhanan siya ng letrato ng ilang beses. Nang mapagod kami ay naupo lang kami sa pinakamalapit na upuan tapos umalis siya para bumili ng inihaw na mais.

"Para tayong nagde-date, Frinn. Kadiri ka naman," sabi ko kaya naman malakas siyang tumawa.

"Naiilang kasi ako kay Gillion. Yes I was joking around with him joining him on his trip but I remember that eyes everytime I see him!"

"Umamin ka nga. Are you still straight?" I asked Frinn.

Bigla siyang natigilan sa tanong ko.

"Of course! The french kiss is just an accident!"

"Weah? You kissed him first," inaakusahan siyang sabi ko.

Kahit naman naikwento niya na sa akin ay ayaw niyang aminin na may kasalanan din siya sa nangyari na labis kong kinaiinis.

"He kissed me back!" he shouted.

"Oh ba't naninigaw ka? Naghalikan pa rin kayo," sabi ko kaya naman napairap na lang si Frinn kaya tagumpay ako ngayon.

Naging tahimik na kami pero kumuha lang kami ng letrato at bumili rin ng iba't-ibang keychains at t-shirts.

Magastos din pala talaga si Frinn. Mayaman e wala naman akong magagawa.

"Boracay tayo soon," nakangiting sabi niya habang inaayos ang clip na binili niya sa akin. "Bigay mo 'to kay Chi-Chi, mamaya aangkinin mo pa 'to ah."

Umirap na lang ako at tinanggap ko ang mga souvenirs na binili niya para kila Tatay.

"Soon kapag marami na akong pera ako naman ang bibili para sa kanila. Thank you," sabi ko kay Frinn kaya tumango na lang siya.

"Syempre mamayan tayo soon! Claim na natin since magkakatotoo naman. Si Baste lang naman talaga sobrang yaman e. Ikaw ba naman tagapagmana," sabi ni Frinn kaya napairap na lang ako.

"Even though he is the heir to his parents' various businesses, he still works hard to achieve something. Baste has Latin honors, too," I whispered.

"Grabe naman makapagtanggol si bestue," tumatawang sabi ni Frinn kaya napailing na lang ako.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDWhere stories live. Discover now