Chapter 5

1.1K 42 18
                                    

Enjoy Reading, Sweeties :)

"Truth or Dare!?" malakas na tanong ni Finn kay Gillion.

Magkakatabi kaming lahat sa harapan namin ay ang bonfire na malapit nang maubos.

Nag-ml lang kami ng isang beses lalo't mahina ang signal dito sa pwesto namin isama pa na mas magandang maglaro na lang kami habang lumalalim ang gabi.

"Truth," sabi naman ni Gillion lalo't natalo siya sa nilaro naming uno cards.

"Do you have a girlfriend?" tanong ni Finn.

Napatingin naman ako kay Frinn na kumakain ng hotdog at tahimik na kanina pa naman pero kanina kasi nakikipagsuntukan pa siya sa kakambal niya.

"Wala pa nga," sabi ni Gillion at kumain din ng dried pusit.

"Ibig sabihin balak na nitong kumag na 'to," tumatawang sabi ni Finn kaya napailing na lang ako.

"Matanda naman na ako tsaka nakapasa na rin. Pwede na magka-girlfriend," masayang sabi ni Gillion kaya nagtaka naman ako.

Kung gano'n wala lang 'yong nasaksihan ko kagabi?

Baka nga epekto lang ng alak na nainom nila at nagpanggap na lang silang walang nangyari.

"Nagkakaroon na ng bebe lahat, Frinn. Tayo na lang naiwan," sabi pa ni Finn kaya naman malakas na tumawa si Frinn.

"Tanga manliligaw na rin ako, Engineer na ako. May ma-fafall na sa akin," sabi ni Frinn kaya napailing na lang ako.

"Wala pa rin naman ako ah," nakataas na sabi ko kaya tumingin sa akin si Finn.

"E Gab?" nakangisi nitong asar sa akin.

"Bobo ka na naman, Finn," asar na sabi ko lalo't wala naman talaga kaming relasyon ni Gab.

I really can't fool myself.

"Baka kayo talaga," sabi ni Gillion habang nakangisi sa aming dalawa ni Finn kaya nagkatitigan naman kami ni Finn.

"Eww."

"Kadiri," sabay na sabi naming dalawa kaya tumawa naman sila Frinn.

Napatingin ako kay Baste pero abala siya sa cellphone niya na para bang may ka-text kaya naman umiwas na lang ako ng tingin at tumitig sa nauupos na kahoy sa harapan namin.

Tahimik lang kaming lima pero may ngiti sa mga labi ko.

Oras na matapos ang bakasyon namin ay siguradong mag-uumpisa kaming salubungin ang problema sa mga propesyong pinili namin.

Hanggang sa nagpasya kaming matulog na ay malayo ang isip ko. Iniisip ko si Frinn at Gillion, si Baste at Bea, at ang mga tungkulin na kailangan kong balikan matapos 'tong bakasyon na 'to.

Kailangan ko agad makahanap ng trabaho.

Hanggang sa maging mababaw lang ang tulog ko at agad na nagising nang maramdaman kong mag-uumaga na. Lumabas ako ng tent ko at naglakad papunta kung saan ang pwesto namin kagabi. Nando'n pa rin naman ang mga upuan at naging abo na ang mga kahoy.

Aayusin ko na lang ang mga gamit namin. Nagsimula akong magpulot ng mga kalat namin kagabi nang lumabas si Frinn sa tent niya.

"Good morning," bagong gising na sabi niya kaya tumango naman ako. Nakita kong naglakad siya at ginalaw-galaw lang ang katawan na para bang nag-eehersisyo bago siya lumapit at kinuha ang thermos na dala-dala namin.

"Coffee?" tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako. Niligpit ko ang mga gala naming mga Tupperware na pinaglagyan namin ng mga pagkaing inulo kagabi.

Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin