CHAPTER Six 💜

11 6 0
                                    

JENNA POV;

Nakaka stress talaga ang traffic ngayon kahit gabi na. Muntik na akong hindi mahabol sa flight nina Tin. Pagkadating ko sa airport ay nakita ko silang naghihintay para sa kanilang boarding time kasama Ang kanilang mga pamilya. Nakita ko rin si Matthew na nakatingin sa akin habang papalapit ako sa kanila. Ilang araw na rin akong kinukulit niyong si Matthew pero hindi ko sinasagot lahat ng mga message niya. Bakit ba kasi ako naiinis sa kanya? Kaya nung okay na lahat. Ang alam ni Tin ngayon ay nag-uusap na ulit kami ni Matthew. Kailangan ko siyang batiin...

"Hi friend, sorry na-late ako. Traffic kasi, at least nakaabot ako, 'di ba?" sabay beso sa kanya.

"Buti na lang... akala ko Wala ka, eh. Dalawang buwan pa naman kaming mawawala."

"Oo nga kanina pa hindi mapakali 'tong si Tin eh,' sambit ni Stephen.

"Uy Matthew, sorry hindi ko nasagot ko Ang text mo, nawalan kasi ako ng load kaya dumiretso na rin ako dito," bati ko Kay Matthew.

Bago pa siya makasagot, binati ko na ang pamilya ni Tin at Stephen na nakaupo naman sa kabilang bench. Ang awkward talaga. Pwede ko na rin namang kausapin si Matthew pero bakit ba parang nahihiya na ako? Dahil ba sa nag-state siya ng fact noon? Hay, Ang hirap dahil parehas kaming ma-pride. Buti na lang at tumayo 'tong sina Stephen at Matthew at lumayo muna sa amin ni Tin.

"Jenna, naayos mo na ba ang upcoming trip mo?" Tanong niya sa akin.

"Yes friend. Medyo matagal-tagal din pala akong mawawala, siguro mga 3 to 4 weeks."

"Isang buwan? Wow, talagang pinaghandaan mo, ah? Akala ko naman mga Isang linggo lang."

"Syempre kasi 'di ba pagbalik ko eh magpe-prepare na ako para sa paglipad ko sa New Zealand. Nakatanggap na ako ng notice na na-approve na 'yung VISA ko!"

"Really?" laking gulat ni Tin. "I'm so happy for you friend, finally! Tama lang pala talaga 'yang bakasyon mo. Sulitin mo na at libutin ang buong pilipinas dahil matagal-tagal ka ring mawawala dito."

"That's what I'm going to do. Pero 'wag kang mag-alala friend, pagbalik niyo naman ni Stephen eh nandito pa ako. Siguro mga ilang week pa bago ako umalis."

This week lang din dumating 'yung passport ko pagkatapos ng matagal na panahon na naghihintay. Subrang saya dahil na approve at tuloy-tuloy na talaga 'yung pag-aaral ko doon. Thankful rin ako kay tita dahil siya na rin halos Ang naglalakad Ng papers ko doon at 'wag na raw akong mag-alala. Nagulat rin sina mama na magbakasyon Ako Ng ilang linggo dahil bigla ang plano. Ayos lang din naman sa kanila, sa totoo nga eh tuwang-tuwa sila nung nalaman nila na magta-travel ako. Wala naman kasi sa bones ko Ang pagiging adventurous pero 'di ba, for a change naman? Baka ito lang talaga 'yung kailangan ko para maka-move on sa mga nangyari noon.

Nakatingin Ako sa kinatatayuan Nina Matthew at Stephen. Mukhang seryoso Ang pinag-uusapan nila. Mayamaya lang ay lumingon si Matthew sa kinauupuan namin ni Tin at ngumiti siya ng makita akong nakatitig sa kanila. Okay na ba kami? Hindi ko kasi talaga alam kung paano ko siya kakausapin. Pero Wala naman dapat awkwardness dahil best friend ko siya. Mayamaya ay tinawag na rin ang flight number nina Tin at for boarding.

"Ayan na friend, we'll go inside na. Basta keep in touch ha kahit saan ka pa pumunta, ba litaan mo ako," Sabi ni Tin.

"I will. Ikaw din girl. Uwian mo na lang Ako ng mga Parisians," biro ko sa kanya.

" ' Yan ba gusto mo? Sige, malay mo may kaibigan si Stephen doon na single," sabay tawa.

"Ay girl, bet ko 'yan!" Pabiro kong sagot.

Nangmakapasok na sila sa loob ng gates, nagpaalam na rin ako sa mama at papa ni Tin at Stephen. Kailangan ko pang pumunta sa shop for my night shift. Nagpaalam na rin ako kay Matthew at bago pa siya magsalita ay lumakad na ako papalayo. Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko para sumabay sa kanya pero nagkunwari na lang akong hindi ko siya naririnig.

Sa coffee shop, Hindi na ganoon kadami Ang tao marahil dahil halos hating gabi na. May ilang estudyante na lang ang nandito at nakatambay para gumawa ng kanilang mga school papers at iba naman ay nagre-review. Pero laking gulat ko nang pagtingin ko sa may pintuan, nakita kong papasok si Marco habang nakatingin sa akin.

Ano na naman bang ginagawa niya dito? Bakit sa lahat ng pwedeng bilhan ng kape, dito pa sa branch namin?

Lumakad siya papalit sa counter kung saan ako ang cashier. "Good evening, Sir, what would you like to order?" Tanong ko sa kanya.

"Jenna, we need to talk," Sabi niya.

"Sir, kung nakikita niyo po, nasa trabaho ako. I'm just allowed to get your order and that's it."

Dalawang taon simula nang lokohin mo ako? Wala na tayong dapat pag-usapan. Ito 'yung gustong-gusto Kong sabihin sa kanya ngayon.

"Please Jenna," Sambit niya sabay hila sa kanang braso ko.

"Ano ba Marco, Sabi ng ayoko, 'di ba? Bitawan mo nga ako," inis kong sabi sa kanya nang biglang may tumulak sa kanya papalayo. Matthew?

" ' Di ba, sinabi na nga niyang ayaw niyang makipag usap, kaya umalis ka na, pare."

Napalakas ang pagkasabi ni Matthew nun kaya lumabas ang store manager ko at sinabing "Jenna, may problema ba dito? Baka pwede muna kayong lumabas."

"Pasensya na po, ma'am, palalabasin ko na po sila."

Nang makalabas kami, sinabi ko Kay Marco na wala na kaming dapat pag-usapan at kung ano man ang gusto niyang sabihin, wala na ring magbabago dahil tapos na ang lahat.

"Pero Jenna..." halos pabulong niyang sabi.

"Please Marco, tama na." Pagkasabi ko noon ay unti-unti na siyang lumakad palayo.

Ngayon, naiwan akong kasama si Matthew. Bakit ba siya sumunod dito? Buti na lang at nandito siya kung hindi, baka nag-break down na ako.












(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)

" Matuto kang sumuko kung

nasasaktan ka nang sobra. Isipin
mo ang sarili mo dahil lahat ng
mabigat, gumagaan 'yan
kapag nabitawan. "












BEAUTY_JOY67
love you all
(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)

Signed, Sealed, Delivered, I'm yours ( ON GOING )Where stories live. Discover now