CHAPTER One 💜

26 8 0
                                    

JENNA POV;

Two years and three days na simula nang naghiwalay kami Ng boyfriend ko. Hindi yata madaling mag-move on sa six years of relationship. Sa totoo lang, akala ko kami na.

Akala ko nahanap ko na ' Yung taong makakasama ko nang pang matagalan kasi kung ico-compare sa kasal, malapit na naming malampasan 'yung tinatawag nilang seven-years itch, ' yung parang sina Basha at Popoy lang.

Sa loob ng anim na taon na magkasama kami, Ang dami naming binuong plano after graduation. After Kong mag-college, suportado niya ako sa idea ng pagkuha ko ng master degree sa ibang bansa at sasamahan din daw niya ako roon para mag-aral. Eh, ano'ng nangyari? Nauwi na lang drawing ang lahat.

Everything na maalala ko 'yung moment na sinabi niyang maghiwalay na daw kami, naiiyak pa rin ako kahit na alam kong dalawang taon na Ang nakalipas.

Hindi ko sinabi kay Tin noong gabi Ng dance night na nag- break na kami ni Marko dahil ayaw ko namang sirain 'yung moment nila ni Stephen na ngayon boyfriend na niya.

Si khristine or tin ay Ang isa sa best friend ko nga eh may Mali sa kan'ya dahil lahat ng lalaking lumalapit sa kan'ya eh itinataboy niya Hanggang sa dumating si Stephen. Sa huli, na-fall na rin sila sa isa't-isa. Medyo complicated nga lang Ang story nilang dalawa pero going strong naman na sila ngayon.

"Huy, best! Okay ka lang?" Tanong ni Tin.

"Okay lang ako, ano ka ba Tin? Segi na nga, ituloy mo na 'yang pagsusulat mo sa journal mo," sagot ko sa kanya sabay higop sa papalamig ko ng kape. "Hanggang ngayon ba may journal ka pa rin? Kailan mo ba titigilan 'yan?" pabiro kong dagdag.

"Sabi ko naman sa'yo noon, di'ba, it's already a part of me. Masaya ako whenever I write and besides, nakakatulong siya minsan para gumaan Ang feeling ko. Why not try it?" sagot niya.

Naging isang malaking daan Ang journal ni Tin kung paano sila nagkalapit ni Stephen. Destiny ba tawag dun?

"Anyway Jenna, ayaw mo ba talagang sumama sa'min ni Stephen? May passport kanaman, for sure madali na 'yung VISA processing."

"Ayaw kong magkagulo sa inyo ni papa Stephen, okay? Paris is the city of love kaya i-enjoy niyo 'yan. Speaking of... ayan na Ang prince charming mo kasama si Matthew," may pang-aasar na Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Si Matthew Naman ang isa pa naming kaibigan ni Tin. since high school ay palagi na kaming magkakasama.

"Hi Baby," malambing na bati ni Stephen Kay Tin pagdating into.

"Baby ka dyan... Late kayong dalawa. kanina pa kami ni Jenna dito o," sagot ni Tin sabay hampas Kay Stephen.

Si Matthew naman ay dumiretso sa cashier upang um-order Ng kape.

"Stephen, pilitin mo nga 'tong si Jenna na sumama sa atin," sabay akbay sa nobyo.

"Tin, okay lang ako, promise. Nandito Naman si Matthew habang wala kayo. 'Di ba Sabi ko naman na kailangan nyong i-enjoy Ang bakasyon niyo? Kailan ba kayong huling nag-out of town na kayong dalawa lang?"

Nahuli kong nakangiti si Stephen sabay tingin sa akin.
Maamaya ay dumating si Matthew at umupo sa tabi ko. Naiinis parin ako sa kan'ya dahil hindi niya binili 'yung pinapabili ko nung pumunta siya sa Baguio.

Nararamdaman kong Hindi sya mapakali kaya humarap ako siya sa akin at sinabing, "Galit ka pa rin? C'mon Jenna, sorry na talaga. nawala lang sa isip ko."

"Ayun na nga lang Ang gagawin mo. Hindi mo pa nagawa. Mug na lang. Friend? Nakalimotan mo pang bilhin?" Tumalikod naman ako sa kan'ya.

"Para kayong batang dalawa kung mag-away," sambit ni Tin.

Walang pumansin sa kan'ya sa among dalawa, "Promise pagbali ko, I'll get one for you. Bati na tayo... Please?" nagmamakaawang Sabi ni Matthew.

Para bang tumahimik Ang lahat patio sina Stephen at Tin ay Hindi na kumibo.

"Ang hirap kasi sa'yo, kapag nasa ibang Lugar ka kasama 'yang mga nililigawan mo, pati kaunting favor ng mga kaibigan mo eh nakalimotan mo."

"Jenna, Tama na please," Sabi ni Tin.

"It's okay, Tin. Ang hirap kasi sa kaibigan natin ito, two years na Ang dumaan hindi pa rin maka-move on sa ex-boyfriend niyang niloko siya kaya ayan, collect pa rin nang collect ng mga mugs."

Nang narinig ko ang mga salitang iyon, Hindi ko na alam mapigilan ang sarili Kong umiyak. Mabilis akong tumayo sa inuupuan ko at lumabas Ng coffee shop kung saan kami nagtatambay.

"Jenna!" Sigaw ni Tin habang Ako ay papalayo.

Ang hirap kasing maka-move on. Ang hirap-hirap. Hindi ba pwedeng kapag nasaktan ka, paggising mo wala na 'yung sakit na nararamdaman mo? Ang pakiramdam ko kasi ay parang nawalan Ako Ng milyu-milyong halaga sa bangko at Wala ng natira ni-isang singko. Lalo na't alam ko namang ibinigay ko na Ang lahat pero Hindi pa rin pala sapat. Bakit may mga ganoong tao? Makakahanap at makakahanap pa rin ng dahilan para makagawa sila Ng kalokohan.

'Di ba, kapag mahal mo, dapat Hindi ka niya magagawang lokohin? Eh ano'ng nangyari sa akin? Ibig sabihin ba noon hindi niya talaga ako mahal? Na parang joke time lang 'yung six years namin together?

Naalala ko pa rin 'yung moment na sinabi niya Ang mga salitang "break na tayo"-- tatlong salita na nagpaguho sa buong Mundo ko.

😭😭😭

Signed, Sealed, Delivered, I'm yours ( ON GOING )Where stories live. Discover now