CHAPTER Five 💜

11 6 0
                                    

  

MATTHEW POV;

Yes! I'm 10 minutes early. Friday date night. Inire-reserve ko talaga Ang Friday day night para sa isang babaeng napaka-emportante sa buhay ko. Buti na lang talaga maaga akong nakarating ngayon dahil baka magtampo na naman siya sa'kin.

Nasa Isang japanese restaurant ako ngayon dito sa Quezon city. Favorite niya Kasi ang kainan na'to dahil paborito rin naming dalawa ang japanese cuisine. Sabi namin noon, balang araw, lilipad kami ng Japan para magbakasyon at makatikim ng original japanese food katulad ng mga fresh sashimi o kaya naman ay ramen. Gusto rin daw niyang makita ang monument ni Hachiko sa harap ng train station ng Shibuya sa Tokyo. Isa 'yun sa mga kilalang tourist spots sa Japan dahil sa pilikulang "Hachi: A Dog's Tale."

Isa talaga sa mga bagay na pinahahandaan ko ngayon ay ang pagta-travel. Pagkatapos Kong gumraduate two years ago, nagtrabaho agad ako, nag-ipon at sinimulang puntahan ang mga matatagal ko nang gustong puntahan na mga lugar. Once kasi na na-experience mo na mag-travel, parang ayaw mo ng tigilan. 'yung pakiramdam na Ang daming mga memories at experience ang nabubuo sa bawat lugar na puntahan mo eh iba talaga. Parang gusto ko ngang mag-travel blog eh kaso wala sa hilig ko ang pagsusulat or pagvi-video  hindi katulad ng kaibigan Kong si Tin. Speaking of Tin, bigla akong nakatanggap ng text mula sa kanya.

Tin: ( Hi friend, nagkausap mo na si Jenna? )

Me: ( Hindi pa Tin. Bakit? )

Tin: ( Talk to her please? Ayaw ko naman na umalis ako ng hindi pa kayo okay. )

Me: ( Ok naman kami ah? )

Tin: ( Anong okay? Eh ano 'yung nangyari nung isang araw? )

Me: ( Simpleng misunderstanding lang naman 'yun, Tin, 'di ba? )

Tin: ( Matthew, please? )

Me: ( Fine. 'yang si Jenna kasi eh. Hindi ko lang nabili 'yung mug, biglang nagalit. Nag-sorry na nga ako, 'di ba? )

Tin: ( Let's just understand her. Alam mo naman ang nangyari sa kanya. )

Me: ( But that two years ago, Tin. Hindi pwedeng mag-hold on na lang siya forever sa isang bagay na hindi na babalik. )

Tin: ( Alam ko, pero nilang mga kaibigan niya, dapat tayo 'yung unang umintindi sa kanya, right? Besides, hindi naman talaga ganun kadaling mag-move on. )

Me: ( May ganun? Bakit, nag-move on ka na ba? Anong nangyari kay Stephen? )

Tin: ( Loko haha! Hindi naman sa lahat Ng oras eh sa love ka lang Magmo-move on, 'di ba? )

Me: ( And the writers strikes again... )

Tin: ( Ewan ko talaga sa'yo Matthew. Haha! But please, ikaw na ang maunang kumausap kay Jenna ha? Ikaw ang lalaki. )

Me: ( Fine, I will. Tama na ang lecture madam. Haha! )

Mahirap ang ang mag-move on. Hindi lang naman ang mga babae pati kaming mga lalaki rin. May kanya-kanyang paraan lang kong paano.

Signed, Sealed, Delivered, I'm yours ( ON GOING )Where stories live. Discover now