CHAPTER Four 💜

14 7 0
                                    




JENNA POV;

Aminin ko, hanggang ngayon umaasa parin ako na maayos ang lahat pero sino pa ba Ang niloloko ko, 'di ba? Sarili ko lang din naman. Sa love, Hindi na dapat ipilit ang mga bagay na hindi na pwede dahil tapos na. Madaling sabihin ang salitang "move on" pero sa totoo lang, Ang hirap gawin. Kailangan ko pa ng Oras para maka-recover sa nararamdaman ko. Mahirapan pero kailangan ko 'tong gawin para sa ikakatahimik at ikasasaya ko.

Binansagan akong "love guru" ng aking mga kaibigan dahil madalas na ako ang nagbibigay Ng love advice sa kanila. Pero ang hirap pala kapag Ikaw na mismo 'yung nasa posisyon. Itong pinagdaraanan ko ngayon? Alam ko naman ang mga sagot dito, eh. Kung bibigyan Ako ng advice Ang sarili ko, ito Ang sasabihin ko:

Una, kailangan mo na siyang pakawalan, Jenna.

Pangalawa, hindi masama Ang maging malungkot at mag-emote nang mag-emote. Pero aba! 'Wag naman 'yung tipong nakalimutan mo ng kumain o hindi matulog. 'Wag mong pabayaan Ang sarili mo at patuloy na sirain ang buhay dahil lang sa maling taong pinasok mo sa buhay mo.

Pangatlo, tigilan mo na 'yang kaka-stalk sa social media accounts niya dahil masasaktan ka lang kapag nakita mo Ang ipinalit sa'yo. Tigilan mo na rin ang kate-text sa kanya dahil iiyak kalang sa lahat ng mga "no," "Tama na," "Wala na tayo," replies niya. Isipin mo nalang na habang ikaw send ka ng send ng text, siya naman bura nang bura sa lahat ng mga message mo. Ang sakit, 'di ba?

Pang apat, dear self, 'wag na 'wag ka nang punta sa mga paborito niyong puntahan Marco at higit sa lahat, tigilan mo na pagbali ng mugs na lagi niyong ginagawa sa bawat Lugar na pinupuntahan niyo dahil hindi mo alam, baka iba na ang kasama niyang magbakasyon at bumibili ng mugs. Okay Jenna? Tama na.

Pang-lima, pilitin mong 'wagna siya isipin dahil lalo kalang aasa na sana kayo pa, kayo na lang ulit.kaya nga tinatawag na "ex" Kasi hindi na babalikan, 'di ba? Tanggalin mo na 'yung mga taong hindi na nakakatulong sa growth mo at pumipigil sayong maging masaya.

Pinakahuli, makakaya mo nang wala siya. Nakaya mo na ngang mabuhay nang wala siya, ngayon pa kaya? Hindi naman siya hangin na kailangan mo ng 24/7 para lang mabuhay kaya move on na, Jenna.

Actually, ginawa ko naman lahat Ng advice na 'yan para sa sarili ko kaso, ang hirap talaga, eh. Pinilit ko namang mag-move on. Sa loob ng dalawang taon, nakapag-date ako, may mga kakilala Naman ako, pero 'yung "ex" ko lagi 'yung fallback. Sa huli, siya pa rin 'yung hinahanap ko. Para siyang nag-set Ng standard sa mga lalaking nakilala ko.

Sa gitna Ng aking pag-iisip, Isang boses ang umagaw sa atensyon ko "Excuse me miss?" Dahil doon, para bigla akong nagising at nakalimutan kong nasa trabaho pala ako ngayon.

Nagulat ako nang makita ko si marco sa aking harap. "Marko, ano'ng ginagawa mo rito?"

"Jenna? Sorry, hindi kita halos na kilala. Parang pumayat ka?"

Ano'ng gusto niya isagot ko sa sinabi niyang 'yon? "Oo pumayat Ako dahil niloko mo ako, akala ko ako lang pero meron palang iba," ganun ba?

Nang hindi ako sumagot ay bigla siyang nagsalita ulit at sinabing, "Nakalimutan ko na dito ka pala nagtatrabaho."

Paanong nakalimutan? Halos araw-araw two years ago, sinusundo mo ako dito o ibang tao lang talaga Ang nasa isip mo ngayon?

"Ah, oo. Hindi ko pa naman iniiwan Ang coffee shop na 'to Kasi ganito ko siya kamahal kahit pa may tukso sa ibang coffee shop na did hamak na mas mataas pa Ang sweldo," sagot ko sa kanya.

"Ganun ba... Anyway, sige o-order na Ako."

Pagkatapos Kong ibigay ang order niya kanina, lumabas na siya Ng shop. Mukhang wala naman siyang Kasama pero baka Naman Kasi nasa sasakyan lang, 'di ba? Ito na naman ako, na kita ko lang siya, back to zero na ulit ang pagmo-move on ko.

Pagkalabas na pagkalabas ni Marco ay agad kong itinext si Tin.

Me: ( friend, nandito si Marco kanina. )

Tin: ( ha? Ano naman ang ginawa ng baliw na 'yan diyan? May sinabi ba siya sa'yo? )

Me: ( Um-order lang ng kape. Sabi pa niya, nakalimutan daw niya na dito ako nagwo-work. )

Tin: ( Ang kapal din ng lalaking 'yan, 'no? )

Me: ( Bes, 'yang puso mo, baka bigla kang atakihin. Hahaha jk! Parang mas inis ka pa sa'kin ah. )

Tin: ( Aba, oo naman! O, baka Mamaya nag-breakdown ka na dyan ha? Umayos ka girl. )

Me: ( okay lang naman ako bes kaso nung nakita ko siya, bumalik lahat ng sakit. Akala ko okay na ako eh, hindi pa pala. )

Tin: ( Hay nako 'yan na nga ba ang sinasabiko. Basta Ang advice ko lang sa'yo eh magbakasyon ka muna. Malay mo doon mo na makilala ang makakatulong sa pagmo-move on mo; )

Me: ( Hay bahala na. Anyway, massage nalang kita ulit Mamaya at baka nakakaistorbo ako sa inyo ni papa Stephen. )

Tin: ( Hala ka. Hahaha! Baliw ka, Jenna. Nasa charity event kami ngayon. Sige na nga. Later na lang; )

Siguro, Tama talaga si Tin na kailangan ko talagang magbakasyon. Never pa akong umalis ng city since nag-break kami ni Marco. 'yung huling punta ko sa ibang lugar is noong kami pa at ang mga mugs na ikino-collect ko eh pinapabili ko nalang sa mga kaibigan ko kapag alam kong punta sila sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Nakasanayan ko na kasi ang mag-collect ng mga ito kahit pa wala na kami ni Marco.

Mamaya pag-uwi ko, sisimulan ko na paggawa ng aking itinerary










~🌸~🌸~🌸~🌸~🌸~🌸~🌸~🌸~🌸 ~

"Not everyone you lose is a loss.
Smile ka lang lagi! I-let go mo
na 'yung mga taong laging
nagpapalungkot at nagpapa-down
ng feeling mo. Marami pang ibang tao
Dyan na mas papahalagahan ka pa,"












😊😊😊

Signed, Sealed, Delivered, I'm yours ( ON GOING )Where stories live. Discover now