Chapter 31. Weh??

Start from the beginning
                                    

"Shar, sorry wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ka!"-ako-

Hinawakan ko ang pisngi nya.

"Aw!"-Shar-

Napangiti ako ng dumilat si Shar.

"Shar! Buti naman nagising kana!"-ako-

Ngumiti sya!

"Hi Joaquin!"-Shar-

Hanga ako sa kanya kasi nangingitim talaga ang mga pasa nya sa mukha at namamaga pa ang sugat pero nakakangiti pa sya.

"Shar, okay ka lang?"-ako-

"Nabugbog ako tas okay? Ikaw kaya ang bugbugin ko sa palagay mo magiging okay ka lang?"-Shar-

Nagulat ako! Hindi ko naman akalain na......

Tapos bigla syang tumawa.

"Hahahahaha! Joke lang! Basta okay ka, okay na ako."-Shar-

Napangiti ako at hinawakan ang pisngi nya.

"Aw."-Shar-

"Ay sorry."-ako-

Dahil sa lalaking yun, hindi ko na mahawakan ang pisngi ni Shar!

"Papatayin ko talaga sya pag nakita ko sya ulit."-ako-

"Huy! Baka makulong kapa sa iniisip mo! Masama yan."-Shar-

"Shar, hindi ka ba galit sa ginawa nya sayo?"-ako

"Hindi naman. Nagpa pasalamat nga ako kasi ako ag binugbog nya at hindi ikaw."-Shar-

"Isipin mo nga ang sarili mo kahit saglit lang! Hindi ka ba nag aalala sa kalusugan mo?"-ako-

"Alam ko naman na ginagawa mo na yun kaya di na kailangan."-Shar-

"Bolera ka talaga."-ako-

Natawa naman sya.

"Masakit pa ba?"-ako-

"Medyo na lang."-Shar-

Lumapit ako sa mukha nya. Malapit na malapit na ang labi ko sa labi nya.

Namumula si Shar kaya napangiti ako.

Hinipan ko ang sugat ni Shar.

"A...nong....gi....na....ga...wa mo?"-Shar-

"Hinihipan ko lang naman e."-ako-

"Tigilan mo nga yan."-Shar-

Tinulak nya ako pero pinagpatuloy ko lang yun.

"Oo nga pala. Sino ang pinagkasundo sayo? Nakilala mo na ba sya?"-ako-

"Oo."-Shar-

Aw!

"Sino?"-ako-

"Si Paul."-Shar-

Si Paul? Ang sakit naman!

"Wag kang mag- alala Shar, hindi ako papayag."-ako-

Natawa naman sya.

Niyakap ko sya.

"Basta Shar! Mangako ka na hindi kana bibitaw ha?"-ako-

"Oo! Ikaw din ha?"-Shar-

"Mas desidido na ako ngayon!"-ako-

"Anong nangyayari dito?"

Bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses ni papa!

"Pa!"-ako-

"Bakit kayo magkayakap?"-papa-

Bago ako makapasok ay bumukas ulit ang pinto. Nagulat ako ng may pumasok na isang babae na medyo matanda at isang binata.

"Sharlene!"-babae-

Sino kaya yun?

"Mama! Kuya!"-Shar-

Ha? Mama at kuya ni Shar?

Nagyakapan sila.

"Anong nangyari sa baby girl ko?"-mama ni Shar-

"Shar, ano ba naman yan! Pano ka pa magiging beauty queen?"-Kuya ni Shar-

"Ano ba kuya!"-Shar-

Natawa sila.

Tumayo ako bigla at inayos ang sarili.

"Good morning po."-ako-

Nagulat ako ng lapitan ako ng kuya ni Shar.

Hinawakan nya ako sa balikat.

"Ikaw ba si Joaquin?"-kuya-

"Opo!"-ako-

Kinakabahan ako.

"Nice to meet you."-kuya-

Napangiti ako. Kilala nya na pala ako!

"Mama, anong ginagawa nyo dito?"-Shar-

"Pinuntahan ka namin."-mama ni Shar-

"Pano nyo po nalaman na nandito ako?"-Shar-

"Tinawagan ako ni Mr. Reyes."-mama ni Shar-

"Magkakilala po kayo?"-ako-

"Of course."-mama ni Shar-

Nagkatinginan kami ni Shar.

"Ha? Pano po nangyari yun?"-ako at Shar-

"We are business partners."-papa-

A kaya naman pala.

"At may mas malalim pa kaming relasyon!"-mama ni Shar-

Wag mo sabihing sila! May past sila? Dating sila? Sila ngayon?

Hindi pwede!

"Iw! Ang panget naman ng term mo mama!"-kuya ni Shar-

"Ano pong mas malalim na relasyon?"-ako at Shar-

"Mag ex po kayo?"-ako-

"Mag karelasyon po kayo ngayon?"-Shar-

"HINDI!"-mama ni Shar at papa-

"E ano nga po?"-ako-

Ngumiti sila sa isa' t isa.

"Mag balae kami!"-mama ni Shar at papa-

Mag balae?

May kapatid ba ako na asawa ng kapatid ni Shar?

Baka naman may anak sa labas si papa!

"Hindi ko po maintindihan. Pa may kapatid ba ako?"-ako-

"Wala!"-papa-

"E ano nga pong ibig sabihin nyo?"-ako-

Bumuntong-hininga sila.

"Magkabalae kami sa inyong dalawa ni Sharlene, pag kinasal na kayo, mag balae na kami!"-papa-

What?!

Nagkatinginan agad kami ni Shar!

Kami? Magpapakasal? At payag sila?

Weh?!

--------------------

Thanks thanks readers! :) Salamat talaga at napagtityagaan nyo ang story ko! Hahaha
Vote and comment po :)

She's My Bodyguard! (SharQuin)Where stories live. Discover now