47

61 2 0
                                    

Nagbihis na ako dahil kasal ng kaibigan ko at ng business partner namin. Lahat kami sa family ay imbitado, pati na rin ang pamilya ni Ace.

Ang kanilang theme ay kulay green kaya nagpagawa pa ako ng color green na gown. I'm one of the bridesmaids. Kasama ang mga ate ko at mga friends namin sa business. Groomsmen naman sina Ace. Flower girl si Ali.

Marami akong party at mga important na naka schedule, some of them ay kailangan for our business' sake.

I wore my gown at hinanap na sa bahay nila Ace si Ace at Jace. Kasamang natakbo ni Ali. Pumunta ako sa kwarto ni Ace, at tama ako naroon talaga sila.

"Gwapo, a."

"Gwapo mo naman!"

Sabay naming sabi ni Ali.

Nagpicture muna kami bago bumaba.

At sa pagbaba namin ay naroon na ang lahat sa living room nila Ace.

" Hi tita, tito! " Bati ko sa kanila. Bumeso muna ako.

Umalis na rin kami para hindi malate.

Nagsimula na ang ceremony. Bago kami maglakad ay inayos muna kami. Kapartner ko si Ace.

" Ganda mo palagi. " Bulong ni Ace.

" Hehe"

Naglakad na kami sa aisle.

Pagkatapos ng ceremony ay dumaretso na kami sa reception.

Nakita kong may nakatag na story sa akin. Nag story pala si Ace ng picture naming dalawa.

Kami ng mga kaibigan kong babae ay may ( tradisyon) not tradisyon naman pero lagi naming ginagawa every year. May dance kaming sabay-sabay na sinayaw noon, tapos nireremake namin.

Sumayaw kami, kagulo pa nga.

'Yung iba hindi pa saulo ang sayaw, ilang years na naming sinasayaw 'yon. Around 16 years na naming ginawa 'yon. Sa loob ng 16 years ay lagi naming sinasayaw 'yon kapag magkakasama.

Last year umabot ng ilang million din ang likes non e.

After that napansin namin na may batang nakatingin sa amin habang naka-ngiti. Nilapitan siya ng ilan sa amin, ngunit ang iba ay hindi na, tulad ko. 'Di naman niya ako siguro tiningnan, hindi ba?

Biglang itinuro ako ng bata, gamit ang maliit niyang hintuturo. Lumapit ako sa kanya, upang malaman kung bakit niya ako itinuro.

"You will be reunited with the man you recently loved. Time is just testing you. I know you were afraid because of what happened. But give him a chance. Let him explain. Find out why that happened." Sabi ng bata habang titig na titig sa mga mata ko. Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Pa'no niya nalaman 'yon?

" Forgive him. get together again restart your life together... Remember that opportunity will test you and because of that you will be stronger." Saglit na natulala ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko namalayang tumakbo na pala ang bata.

Nakita ko ang server na may dalang wine kaya kumuha muna ako at ininom iyon..

Umalis ako sandali. Habang naglalakad ay may nabangga akong bata.

Wait... Eto 'yung batang pinayuhan ako, a.

Tumayo ako at tinulungan kong tumayo ang bata at pinagpagan ang tuhod niya. Buti wala siyang sugat. Napansin kong may nilusot siyang tissue sa loob ng bag ko. Dali dali siyang tumakbo. Hahabulin ko sana para malaman kung ano ang pakay niya sa akin o kung may nag-utos sa kanya. Kaso sa dami ng tao ay hindi ko siya mahabol. At dahil sa maliit siya ay nakakalusot siya kung saan saan. Itatapon ko sana ang tissue na inilagay niya sa bag ko, ngunit may nakasulat dito.

" Every challenges you face today makes you stronger tomorrow. The challenges of life is intended to make you better, nit bitter." - Roy T. Bennett

Let challenges make you strong.

May plano na rin naman akong umuwi sa Pilipinas para ayusin ang mga kailangan kong ayusin, pero hindi kasama ang saamin ni Simon doon.

" Tita Lia, uwi na tayo. I'm sleepy na po, e." Sabi ni Ali.

"Sige baby. Magpapa-alam lang tayo sa kanila."

Agad akong pumunta sa mga kaibigan ko at nag-paalam.

Umuwi na kami. Pinabuhat ko na si Ali dahil nakatulog na sa kotse.

Simula nang malaman kong hindi ako buntis ay halo-halo ang emosyon ko. Masaya at malungkot. Masaya dahil walang responsibility na dapat gampanan. Malungkot dahil akala ko may maiiwang alaala si Simon.

Pero siguro lahat ng nangyare ay may rason.

Humarap ako sa laptop ay binisita ang website upang makapag-book ng flight papunta sa Pilipinas.

Kung itatanong niyo kung handa ba akong harapin si Simon. Ang sagot ko ay, hindi. Hindi ko pa siya kayang harapin. Kailangan ko lang dahil, kukunin ko ang mga gamit ko.

_____

Simon's POV

Nakita ko ang story ng kapatid ni Lia habang naghahagis ng flower ang bride at nakatalikod. Ang nakakuha ay si Lia, ngunit itinabot niya ito sa pamamagitan ng pag hagis muli. Ang nakasambot ng garter ay si Ace. Nagsabi si Lia na ayaw niya pa. At umiiling pa siya noong nasambit ang flower.

Akala ko noong una ay beach wedding ni Lia at Ace. Akala ko naghihiganti si Lia sa akin dahil sa mga nangyare. Pero kaibigan lang pala nila yung kinasal at parehas na abay sila ni Ace. Natanggalan ako ng malaking tinik lalamunan noong nalaman ko iyon. Syempre dating sila, ayon ang sagot nila mataggal na. Syempre matagal-tagal na rin 'yon at malay ko ba kung nag-iba na ang sitwasyon nila. Pero kung ano ang gusto niya at sino ang karapat-dapat sa kanya ay tatanggapin ko naman nang bukal sa puso kahit alam kong masasaktan ako.

____

Waiting is a sign of true love and patience. Anyone can say I love you, but not everyone can wait and prove its true.-  anonymous

Pasensya sa matagal na ud. Dami lang talagang ginawa noong mga nakaraan.

Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)Where stories live. Discover now