19

73 5 1
                                    

Tinuruan ko si Simon sumayaw para naman makapag tiktok kami.

"Ganto, 1, 2 bam bam bam , 3, 4, boom boom tak tak" saad ko habang tinuturuan siya.

"Then twerk. Chak chak chak boom boom tak tak"

Sinubukan ni Simon mag twerk. Jusko! Hahaha.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako matawa.

"Itawa mo na 'yan , Lia"

"Hahahahah"

"I wiggle mo" saad ko

"Ganito hindi ganyan"

" Taas tas baba. Paulit-ulit lang , Si.Matututo ka rin"

Sinubukan  pa rin ni Simon.

" Hay, Lia, hindi talaga to for me. Sumusuko na ako" saad ni Simon at umupo na lang.

" Turuan nalang kita mag guitar"

Umupo ako sa tabi niya.
" Hay nako, Si! Kung tuturuan mo ako huwag na. Pang-lima ka na"

" Sino sino ang nagturo sa'yo? "

" Daddy, Kuya Grey, Ace, At ang hayop kong ex"

Natawa siya ng bahagya sa ang hayop kong ex.

" Sinukuan ka nila? "

" Sabi nila ang hirap kong turuan, e"

" Ako. Hindi kita susukuan. Kahit isang kanta lang ang matugtog mo basta makatugtog ka"

" Nako! Sinabi na ni Andrew 'yan"

" Hindi nga ako katulad ni Andrew, Lia"

" Edi patunayan mo" paghahamon ko sa kanya.

Kinuha niya ang gitara niya at ipinasa sa'kin.

Kinuha niya ang daliri ko at ipinatong sa strings.

"Ayan. Ayan ang g"

Inayos niya muli ang daliri ko.

"Eto naman ang C"

Muli niyang inayos.

"At eto ang D"

Kinuha niya ang guitar niya at ipinatong ang kanyang daliri sa mga strings.

"Ano 'to?"

"D?"

"Tama"

"Eto"

"C!"

Eto? "

" G! "

Pinasa niya ulit ang guitar sa'kin.

Nagturo siya ng iba pang chords.

"Yan ang fret, 1st, 2nd, 3rd and so on "

" E, A,D, G, B, E"

" Sa strumming patterns naman tayo" saad niya.

Nagsimula na akong mag strum

" Ang tigas" saad ni Simon

" Paano ba?"

"Madali lang. Gawin mo lang ay palambutin ang wrist mo katulad ng ginagawa mo sa pagpipinta" sinubukan ko ang sinabi niya.

" Ayan ganyan"

" Subukan mo naman ang, down down up-up-down-down  down-up"

" Ang hirap naman"

" Kaya mo 'yan" pagchi-cheer niya.

'down down up-up-down-down down-up' bulong ko while strumming.

" Very good. Pag nagawa mo lahat may price ka mamaya" saad niya. Ginanahan naman ako roon sa sinabi niya.

Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)Where stories live. Discover now