23

74 6 2
                                    

Simon's POV

Maaga akong nagising. Nasa gitna namin ni Lia si Ali. 

Tumagilid ako ng higa para mapagmasdan ang dalawa.

Una kong tiningnan si Ali. Ganitong ganito ang mukha ni Lia noong bata pa siya. ( If you guys remember the scene na nakita ni Simon 'yung picture frame ni Lia noong bata pa siya. And pinakita rin ni Lia ang photo album niya kay Simon)

Mapapagkamalan mo talaga silang mag-nanay kung hindi mo alam na pamangkin 'to ni Lia.

Kung hindi ko nga narinig na tita-mommy ang tawag ni Ali kay Lia, aakalain ko talaga na mommy ni Ali si Lia.

Sana magbago ang isip ni Lia, pagdating sa pagbuo ng pamilya.

Sana ma-ayos ang mapapangasawa niya at hindi sasaktan katulad ng ginawa ni Andrew.

Nakita ko ang mga episodes ni Lia na minsan bigla-bigla na lang siyang na-iyak. Minsan ay nanginginig siya. Madalas na nangyayare 'yon kapagtahimik o may mga bagay na magpapa-alala kay Andrew. Kaya kahit tahimik ako, kinakausap ko siya para hindi niya ma-isip si Andrew.

Minsan naaabutan ko siya na umiiyak sa sulok at nanginginig.

Buti nga bumalik siya sa pagbe-bake kahit na isa 'yon na magpapa-alala kay Andrew.

Bumalik ako sa reyalidad noong nakita ko na ngumiti sa akin si Ali.

Gising na pala siya. Hindi ko napansin.

Kumaway siya sa'kin.

"Good morning, Tito Simon" mahinang sabi niya.

" Good morning" sagot ko.

Humarap siya kay Lia at tinuro ito.

" Ganda niya po, 'no? "Saad niya habang tinititigan si Lia.

Tumango ako.

"Mahal mo ba siya" tanong niya.

Wala ako sa sariling tumango at sumang-ayon sa sinabi niya.

"Yieee" mapanuksong saad ni Ali.

Dinikit ko ang hintuturo ko sa bibig ko.

"Quiet ka lang" bulong ko.

"Gisingin mo na tita mo" utos ko sa kanya. Agad siyang umiling.

"Ayaw po. Baka magalit siya"

"Hindi. Hindi siya magagalit. Ako ang bahala 'pag nagalit siya" saad ko.

Tumango siya at kinalikot ang mukha ni Lia.

"Mmmm"

"Ano ba"

Dahan-dahang minulat ni Lia ang mata niya.

Ngumiti siya nang makita si Ali.

"Morning, baby ko" bati niya kay ali.

Humarap siya sa'kin.

"Good morning din sa isa ko pang baby" saad niya.

" Gising na ikaw. Bake na tayo ng yummy cake" sabi ni Ali habang niyuyugyog si Lia.

"Kakain muna tayo ng breakfast" saad ni Ali

Excited na hinigit ni Ali si Lia papunta sa cr.

"Teka Ali!"

Hinawakan ako ni Lia sa palapulsuhan ko.

"Hindi pwede na ako lang. Kailangan ay kasama ka."

"Tara na tito simon. 'wag ka ng pabebe" saad ni Ali at hinawakan na rin ang palapulsuhan ko.

Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)Where stories live. Discover now