18

76 5 0
                                    

Same night.

Lia's POV

Nagising ako around 2:25 am. Sumilip ako sa pintuan ko at nakita kong nakalapag ang pagkain doon. May tubig din. Lumuhod ako at kinuha 'yon at dinala sa kusina. Nakita ko si Simon na tulog sa living room.

I'm really sorry, Simon.

loving you was the best decision i've ever made but we need to separate our ways. Masakit man pero kailangan, e.

Naawa ako kay Simon.

Ansasakit kaya ng nasabi ko kahapon.

Nakokonsenya na tuloy ako.

Pumasok ako sa kwarto at kumuha ng kumot.

Bumalik ako sa living room at kinumutan si Simon.

Mahal na mahal kita.

Tinitigan ko ang mukha ni Simon.

I want to be with you till my last page. Kaso isa lang akong chapter sa storya mo at hindi ako ang endgame mo.

I'm a selenophile and he is my moon.

(Selenophile - a moon lover)

Bumalik na ako sa kwarto.

Mahal daw ako ni Simon. Pero sa wallpaper niya ay babae at siya.

Alam kong 7:30pm pa lang sa Uk kaya pwede pa akong tumawag dahil hindi pa sila tulog.

Should i ask kuya?

I started to call my kuya Grey.

Sumagot naman siya.

"Hello, bunsie bakit ka napatawag ng alas dos ng umaga d'yan? May problem ba? "

"Kuya, may tatanong lang"

Nakinig ko siyang tumikhim.

" Ano 'yon bunso"

"Kuya para sa'yo, kung ang isang lalake ay may wallpaper na babae, ano ang ibig sabihin no'n? "

" Teka, kayo pa ba ni Andrew? "

" Hindi na kuya"

" Mabuti naman. Ang opinion ko ay, baka girlfriend niya kasi hindi naman kasi magwa-wallpaper ang isang lalake na babae kung walang siyang feelings sa babae" sabi ni kuya at niluwagan ang necktie niya.

" Ngunit, subalit, datapwat, pero, bagamat, malay mo kapatid niya"

" Pero ba't kami nina ate Tay at ate Riya, hindi mo iwino-wallpaper?" Tanong ko.

Maybe 'yun ang ex ni Simon.

" Ang papanget niyo kasi. Pagnakita ko ang mga pagmumukha niyo imbis na matuwa ako, lalo akong nabubwisit"

" Maka 'panget' naman 'to, parang hindi kami kapatid. Palibhasa, ampon ka lang! " Bumelat ako sa kanya.

" Ampon daw"  " malay mo kapatid niya lang 'yon" pag-iiba niya.

" Teka! May boyfriend ka ba? " Tanong niya.

Todo iling ako.

" Wala . Wala kuya. Good girl ako, e" saad ko.

" Tatamaan ka sa'kin 'pag nalaman kong may boyfriend ka tas hindi mo pinakikilala sa'min " saad ni Kuya.

Don't worry kuya, malapit na.

Malapit na siguro ako magka-jowa.

" D'yan ka ba sa mansion o sa condo mo?"

" Condo"

Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon