17

85 5 0
                                    

Part 3.

Simon's POV

Makatapos nila akong ayusan. Nagpicture-an pa kami. Buti pumayag si Ali na tanggalin ang make-up na nilagay nila sa'kin. Pagkatapos ko maghilamos ay bumaba ako habang nasa taas pa sila Lia.

Nakasalubong ko si Manang

"Uhmm, manang may i ask a question?" Tanong ko.

Tumigil siya sa ginagawa niya.

"Ano po 'yun sir?"

"Si Lia po. Alam po ba niya ang tungkol sa akin o sa pamilya ko?" Tanong ko.

" Na anak po kayo ng presidente? " Tanong ni Manang. Tumango ako sa kanya.

"Sa tingin ko sir, hindi niya ho alam"

"Kasi ho noong campaign ng tatay niyo, nasa Canada o London ho siya"

" Hindi po siya nauwi? " Tanong ko.

" Nauwi naman po. Kaso busy ho siya noong time na 'yon. Kung manliligaw man po kayo kay Lia, sigurado akong boto ang pamilya niya dahil noong election nakuha ho ng tatay niyo ang puso ng pamilya ni Lia at ngayon naman kayo ang bumihag sa puso ng alaga ko" saad ni manang.

" Noong nauwi siya hindi po nanonood ng news si Lia? "

" Hindi ata sir. Pero feel ko hindi nga kayo kilala no'n " saad ni Manang.

" sir, hindi naman po kayo iiwan o magagalit sa inyo si Lia kapag sinabi niyo. Malamang matutuwa pa po 'yon. She wants to meet the president,  even during the campaign" Manang said.

" Mabait naman si Lia. Salamat sa pagtitiwala mo sa kanya, sir Simon. Ngayon ko na lang muling nakita ang alaga ko ng gan'yang kasaya makalipas ang isang taon." Saad niya

" Masaya rin naman po ako kapag kasama ko si Lia"

" Sana mas maging matatag ang pagiging magkaibigan niyo. Pakisabi na rin sa mahal na pangulo, mahal na mahal namin siya at salamat sa mga ginagawa niya" saad niya. I nod.

" Simon, manang" si Lia pala ang nagsalita.

" Lunch na po ma'am " saad ni Manang.

" Ali, kakain na tayo" sigaw ni Lia.

Bumaba si Lia at pumunta sa kusinakung saan na roon kami ni Manang.

Lumapit si Lia sa niluto ni manang at inamoy niya ito habang nakapikit.

" Napaka-bango nito manang. For sure masarap ito" saad ni Lia.

Kumuha na ng plato si Lia at si Manang naman ang kumuha ng cutlery. Ako namam ay  kumuha ng glass.

Umupo na kami.

Ali

Lia- Me

Ganyan ang upo namin.

"Manang kain ka na rin. Masamang magpalipas ng gutom" saad ni Lia. Pumunta naman si Manang sa table at umupo na rin.

Sinandukan na ni Lia si Ali ng pagkain at sumunod naman na sinandukan niya ay si Manang at sunod naman ang sa'kin at huli ang kanya.

"Tita-mommy, subo po" saad ni Ali habang binibigay ang cutlery kay Lia.

"Ali, you're big na. You have to eat by yourself" saad ni Lia.

"Lia, pagbigyan mo na si Ali minsan ka lang namang pumunta rito. Naglalambing lang ang bata" bulong ko kay Lia dahil napansin ko si Ali na parang pilit ang kain niya.

Tumabi naman si Lia kay Ali at sinubuan ang bata.

Kinuha ni Ali ang plate ni Lia at sinubuan rin ito ngunit pakalat-kalat pa ang kanin sa bibig ni Lia.

Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon