21

76 4 0
                                    

Papunta kami ngayon kay Ali.

Dumaan muna kami sa bilihan ng donuts.

Bumili kami ng double dozen.

Pagkakuha namin ng donut ay sumakay na kami sa car.

"Alam ko ba Si, i bake"

"Totoo? Cakes gan'on?"

"Yep. Pero tinigil ko na 'yon kasi si Andrew e"

"Bakit naman?"

Flashback

Nagbe-bake ako ng cake ngayon dahil anniversary namin ng babe ko. Si Andrew.

Heart shape ang napili kong i bake at mamaya dedecorations ko pa 'yan ng mga red na hearts.

Handa na rin pala ang regalo ko sa kanyang sports car. Blue na sports car. Matagal ko ring pinag-ipunan 'yon.

Buti na nga lang sinusweldohan ako sa pag de-design ko ng mga damit sa compant namin.

Excited na akong makita ang reaction niya!

Kahit na sinasaktan niya pa ako ok lang dahil mahal na mahal ko siya.

Dumating nga sa puntong gusto ko na siyang hiwalayan. Kaso eto mahal ko pa rin.

Pilit kong inaayos lahat para sa'min.

Minsan nga naiisip ko na maganda siguro kung maghiwalay na lang kami.

Lagi silang magkasama ng kaibigan ko na babae. Pero ang iniisip ko na lang ay baka close talaga sila sa isa't isa. O kaya magaan lang ang loob ni Andrew sa kaibigan ko.

Hindi naman siguro ako aahasin o aagawan ng kaibigan ko. Syempre, kaibigan ko 'yun e kaya pagkakatiwalaan ko.

At the same time, may tiwala rin ako kay Andrew.

Habang nagbe-bake ako dumating ang pamangkin ko na cute na cute. Dala dala ni Tita-Ninang niya (Riya) Naka sukbit ang bag ni Ali sa likod niya habang natakbo papalapit sa'kin.

Naghugas muna ako ng kamay ko at tumakbo para makarga si Ali.

"Kamusta ang bebe ko?" Tanong ko sa kanya.

"Jabee. Jabee."

"Nako! Parang may batang gusto mag Jollibee"

"Happy?"

Tumango siya.

"May binake si Tita-mommy na cake for you" bulong ko sa kanya.

Humagikgik siya.

Syempre dapat nutritious pa rin ang cake ng bebe ko.

" Love you" saad ko.

" Wav woo"humalik pa sa'kin si Ali.

Kinuha na siya ng tita-ninang niya para iakyat at patulugin. Siesta time na kasi ni Ali.

Saktong oras na para ma frosting-an ko ang cake. Blue ang pinang-frosting ko sa cake. At naglagay na rin ako ng iba pang decorations na blue.

Nilagay ko muna sa ref at naligo na ako, para makapag-handa na rin.

Nagsuot ako ng red na dress na regalo ni Andrew. Tinanggal ko na sa refrigerator ang cake at nilagay na sa box.

Ma-ingat kong inilagay 'yon.

Nag suot na ako ng heels ko at tumakbo pa-akyat para halikan si Ali at magpaalan kay Ate.

"Bye, bye, bebe ko. Landi muna ang tita mo"

Bumaba na ako at kinuha ang susi ng car ko.

Bumusina ako para ilabas na ng maids ang cake na ginawa ko.

Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)Where stories live. Discover now