Panglabing-lima na Pahina

9 6 0
                                    

Page 15

*******

Dear diary,

Ako nga pala si Clark. Ako ang...pupuna sa pagsusulat sa huling pahina ng librong ito. Ang Diary ni Ilies.

Si Ilies, maganda sya. Napakaganda. Kaya ko lang naman sya nakilala dahil sa kasong nahawakan ko. Isa nga pala akong apprentice ng isang detective.

Masaya ako dahil may kaso akong nahawakan ngunit hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon magtatapos ang lahat.

Si Ilies, nang una ko syang makita, tila isa syang maamong tupa. Isang tuta. Napaka tahimik at seryoso sa buhay. Pero nang makita ko syang ngumiti pagbukas nya ng pintuan, nabihag ako.

Isa syang tuta na winawagay-way ang buntot sa sobrang saya.

Nilapitan ko sya. Napakapangit kasi ng una naming pagkikita. It seems I'm rude to her and I know that she hated it, she hated me. I really take it slow.

Kada araw, nakikita ko sya, sinusundan ko talaga sya. Inalis ko nadin ang mga nakasunod samin dahil alam kong alam iyon ni Ilies.

Simula 'non, mas lumapit ang pakiramdam ko sa dalaga. Kahit hindi sya nagsasalita, ramdam ko na nakikinig sya. Dahil kung hindi nya gusto, kusa lang syang aalis ng kunot ang noo. And that's what's makes her cute, tutang hindi napagbigyan.

Kaya ganoon nalang ang gulat ko nang malaman kong pumatay sya. Pinatay nya ang buo nyang kaibigan. Nakita ko sa sala nila kahit nakaawang lang ang pintuan.

Ang nangangamoy at masakit sa ilong na amoy. Pamilyar ito sakin dahil pinatay ang mga magulang ko, ang detective lang ang kumop-kop sakin.

Subalit nang makita ko ang ngiti nya, tila nakalimutan ko ang amoy at aking nasilayan. Mukha syang kakaibang Ilies tuwing ngumingiti.

So, I tried. I tried making her smile, everytime na makikita ko ang maliit nyang ngiti habang nagsasalita ako, kakaiba ang saya na nadarama ko.

Gaya nga ng ibang sitwasyon, matatapos ang masasayang araw. Tinawagan ako ni detective. Gusto nya makilala si Ilies, ang main suspect sa kaso na hinahawakan ko.

Nakaramdam ako ng pagtataka, akala ko ba gusto nya ako nalang?

Doon ako kinutuban ng masama, I glance at Ilies house. This house is important at her. I know na may sakit syang nararamdaman, dahil hindi ganoon ang isang tao makitungo sa mga bangkay.

Nagde-delusyon sya siguro pero isa parin syang normal na tao, normal na babaeng nagagawang ngumiti, kahit maliit nga lang.

Kaya gusto ko syang tulungan. Pumayag ako sa sinabi ni detective. Alam kong matutulungan nya si Ilies...na isang malaling desisyong nagawa ko. Kilala sya ni detective...kilala nya si Ilies.

Nang mahimatay si Ilies, bantay sarado ko sya. Hindi ko pinalapit si detective sa dalaga. Alam ko ang mga susunod na mangyayari dahil sa itsura ni detective kaya po-protektahan ko si Ilies dito.

Nagising si Ilies. Tumulo ang luha nya at mukhang hindi nya ito napansin. Bakit? Bakit iyon ang reaksyon nya? Sinabi ko lang na pupunan ko ang tabi nya, naging ganyan na sya. Ganoon ba talaga kabigat ang kalungkutan na nararanasan nya?

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now