Pang-sampu na Pahina

8 6 0
                                    

Page 10

January 7, 20**

Dear diary,

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Dahil nga bigla nalang nandilim ang paningin ko nang sumakit ang ulo ko.

Nakataas parin hanggang ngayon ang mga balahibo ko nang maalala ko ang lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay.

Ang walang mukhang mga magulang at kaibigan ko. Tanging bibig lang nila ang aking nakikita. As in sa buong mukha nila, bibig lang ang nakikita ko.

Pero paano iyon nangyari? Alam kong...masaya, tumatawa, nagagalit sila sa itsura nila dati.

Hindi ko muna iyon inisip ng sandaling iyon dahil naramdaman ko sa paligid ko na hindi ito pamilyar sakin. Tumayo ako at naghanap ng kahit ano.

Diary, napakaswerte dahil nadala ka 'rin hanggang dito. Maliit na Notebook kalang kasi tapos lagi pa kitang sinusuksok.

Oo, nasa isang lugar tayo na hindi ko inaakalang mapupuntahan ko. Isang rest house sa gitna ng madilim na kagubatan. Hindi ko na makita ang mga magulang at kaibigan ko, na kinahinga ko ng maluwag.

I'm not ready to face them yet. Or rather, to face the reality. Hindi ko matatanggap ang mga bagay na malalaman at maririnig ko sa sitwasyon na iyon. Ngunit gaya ng tadhana, hindi talaga ito aayon sa gusto ko.

Nakita ko sya. Nakita ko ulit sya.

Ang taong laging lumalapit at may malapad na ngiti sa kanyang labi. Kausap nito ang isang taong nakatalikod sa aking paningin.

Iyong taong nakangiti ay tila hindi na iyon. Walang emosyon ang mga nasa mukha nito, walang makikitang ano mang bahid ng reaksyon dito.

Napansin siguro ako nito kaya nanlaki pa ang mata nito. Lumingon naman ang kausap nito at nakita ko. Nakita ko ang itsura nito, pamilyar ito sa akin. Sapagkat kahit bago lang sya sa aking paningin, kilalang-kilala ko ang mukha nya.

Ang mukha ng lalaking kumatok sa aming pintuan bago ako mawalan ng malay. Nakaramdam ulit ako ng kirot, diary. W-Wala akong...H-Hindi..!

Napaatras ako nang maramdaman iyon. Nang tumaas ang aking paningin, una kong nakita ang mukha ng matandang lalaki. This is not the first time, this is not the first time that we met...w-we already know each other...before.

Kilala ko na ang matandang iyon dati pa. Patuloy ang pagkirot ng ulo ko ngunit patuloy 'rin ang pagka-alala ko sa mga nangyari. Ang matanda, s-sya, ang dahilan kung...bakit h-hindi ko na kapiling ang mga magulang...k-ko

At nakangiti sya. Nakangiting nakatitig sa akin, diary...

Nagmamahal,
Ilies

Ilies DiaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora