Pang-siyam na Pahina

6 6 0
                                    

Page 9

January 6, 20**

Dear diary,

Wala na sya. Wala na sya.

Ang taong laging lumalapit sakin. Ang taong laging nakangiti sakin. Ang taong laging madaldal sakin.

Hindi ko na sya nakita. Hindi na.

Lumipas ang ilang araw, hindi ko na sya nasilayan. Bumalik sa dati ang pamumuhay ko, ang dating wala pa sya na nagpagulo nito. I will lie if I say, everything is alright. I don't like lying because of my parents.

Kailangang maging isang mabuti padin akong anak.

Speaking of them, bumalik na talaga sa dati ang lahat. Pinagsasalitaan na ulit ako nila mama at papa, ang mga kaibigan kong lagi kong kasama, at ang bonding namin lahat. Pinakapaborito na ata nila ang larong nagawa ko eh.

Mas higit na pinagtataka ko, hindi nila kilala ang taong laging lumalapit sakin. Wala silang nabanggit tungkol sa kanya at tuwing tatanungin ko sila tungkol doon, isang nakakabinging katahimikan lang ang kanilang isasagot.

Nagsisimula na akong magduda. Ano ang nangyayari? Bakit wala akong alam na parang may nangyayari na? Kinutuban ako ng maalala ko ang tingin ng taong iyon sa bahay namin, diary. I sense something will coming.

Hindi nga ako nagkamali dahil may kumatok ulit sa aming pintuan. Pagbukas ko, isa itong matandang lalaking nakangiti.

Naalala ko dito ang taong lumalapit sakin na may isang malapad na ngiti pero agad ko itong binura dahil sa taong nasa harapan ko 'non.

Nagtanong sya. "Pwede ba makuha ang kaunti mong oras?"

Sumulyap ako ng oras na iyon sa likuran ko, hindi ko kasi nilakihan ang pagbukas ng pinto. Ayaw ko na may mangyari sa mga magulang at kaibigan ko na walang kaalam-alam.

Nabigla ako nang makitang ilang hibla lang ang mukha ko sa mukha ni mama.

Sumakit ang ulo ko. Nakaramdam ako ng kirot. Diary, bakit? B-Bakit hindi ko makita ang mukha ni mama? A-Ang...mukha nilang lahat na lagi kong...kasama? Bakit?

Nagmamahal,
Ilies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now