Pang-anim na Pahina

8 6 0
                                    

Page 6

Dec 27, 20**

Dear Diary,

Masaya kaming kumain ng mga magulang ko at mga kaibigan ko. Hanggang ngayon hindi parin ubos ang pagkain kahit dalawang araw na ang nakakalipas ng pasko.

Tama nga ako, dahil nagenjoy silang lahat sa larong inihanda ko para sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil kilalang-kilala ko sila at ganon nalang ang sayang naramdaman nila ng sama-sama namin itong nilaro.

Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang saya habang nagsusulat ako, diary. Pero may iba 'ring nangyari, kailangan ko parin itong isulat kahit hindi ko nagustuhan.

Pagkatapos kasi ng pasko, may pumunta sa labas ng bahay namin. Nagku-kwentuhan parin kaming lahat kahit kakatapos lang ng pasko, sama-sama kaming lahat. Sumama agad ang pakiramdam ko ng makita ang mukha ng nakaraang kumausap sakin.

Ang nakangiti nitong labi ang sumalubong sakin pagkabukas ko pero ito ay tila naglaho ng masilayan nya ako. Bakit nawala ang ngiti nya? Sabi ko na nga, ayaw ko dito. Hindi ko sya nagugustuhan.

Madami syang sinabi na hindi ko narinig at naintindihan dahil kausap ko 'rin ang mga magulang kong nasa tabi ko. Lubos ang pagtataka ko ng hindi nito kinausap sila mama at papa, sakin lang ito nakatinggin.

Doon ako nagalit, hindi nya ginagalang si mama at papa. Wala itong respeto ngunit hindi ko nalang ito pinansin sapagkat walang reaksyon ang mga magulang ko.

Susunod lang ako sa kanila kung ano ang gusto nila, kaya nanahimik nalang ako kahit sobrang sama ng pakiramdam ko dito. Hindi pa ito tapos magsalita nang bigla ko nalang sinara ang pinto sa mukha nito.

Kusang gumalaw ang katawan ko, diary. Kaya ganon nalang ang takot ko na makita ang itsura ng mga magulang ko, nakita ko naman silang nakangiti sa akin at may tumutulong luha sa mukha nila. Masaya sila! Kaya masaya nadin ulit ako.

Nagmamahal,
Ilies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now