Panglabing-apat na Pahina

6 6 0
                                    

Page 14

January 11, 20**

Dear diary,

Isang araw na naman ang lumipas. Wala akong kain. Ni hindi ako nakainom ng tubig. Diary, mapakla akong natawa sa sitwasyon ko ngayon.

Ganito ba ang gusto nilang mangyari? Unti-unti akong papatayin ng buhay?

Kaya kahit nanginginig ang aking buong katawan, nagsulat ako. Nagsulat ako para sa karanasan na nangyayari ngayon. Hindi madali ngunit malalampasan, makakasama ko nadin naman sila mama at papa.

Diary, naalala ko ulit. Ang mga itsura ng mga magulang ko. Hindi nila ako pinapagalitan, hindi nila ako sinusuway, kundi binabalaan. Tinatama nila ang mga desisyon ko ngunit sarado ang aking isipan. Hindi ko sila maririnig dahil nga...wala na sila.

Ang lahat ng boses na naririnig ko, gawa lang ito ng aking isipan. Delusyon. Imahinasyon. O isang makatotohanang panaginip.

Hirap parin akong tanggapin pero sa tuwing iniisip ko ang paghihirap ng mga magulang at kaibigan ko, tinitiis ko ang sakit na nararamdaman ko.

Diary, ito na ata ang huling beses na susulat ako sayo. Dito sa librong ito, ito na ata ang huling pahinang magagawa ko.

Sana ay makatulong ito sa mga nagbabasa nito, na huwag padalos-dalos sa desisyon sa buhay. Isipang mabuti kung makabubuti ba ito sa nakakarami o sa sarili lamang.

Bumukas ang pinto. Hinila ako sa aking buhok ng matandang iyon. Nakangisi sya ngunit makikita ang galit sa mga mata nito. Buka ng buka ang bibig nito pero wala akong pinakinggan.

Alam kong masasakit na salita lang ang masasabi nito, lalo na tungkol sa mga magulang ko.

The old man brought me at the center of the forest. It's midnight and the quiet atmosphere makes me feel goosebumps. Hindi ako takot, hindi ako takot sa mangyayari.

Ang kinatatakot ko...na makita ako nito. Na makita ako ng lalaking iyon sa ganitong sitwasyon. He hold something special at my heart, pinaramdam nya ulit sakin ang maging tao, magkaroon ng emosyon sa matagal na panahong wala ako nito.

Tumatakbo sya. Tumatakbo ang lalaki papunta sa direksyon namin. Nakaupo lang ako sa damuhan, nasa harap ko nakatayo ang matandang lalaki na patuloy parin sa pagsasalita. Ngunit nasa likuran nito ang atensyon ko.

Ahh, ngayon ko lang nakita pero ang gwapo nya. Nakakaakit ang kanyang mga mata at bibig na patuloy ang pagsigaw papunta sa amin. Ang mga mata nyang puno ng pagaalala ang nagbibigay buhay sakin.

Naramdaman ko ang malakas na simoy ng hangin. Tumingin ako sa aking likuran...at nandoon sila. Ang mga magulang at kaibigan ko.

Sa wakas, tuluyan ko na nakita ang mga itsura nila. Ito pala ang mga ekspresyon nila at hindi ko mapigilang mapangiti.

Ang mga mata nilang nakatitig sakin. Pagaalala at awa. Walang galit o inis akong nasilayan, may mga ngiti sa kanilang labi....nakakahawa. Sumilay ang isang totoong ngiti saking labi.

Nakita ko ang pagpigil ng lalaki sa matanda. Nagalit ang matanda at sumigaw, "Clark! Tumabi ka!" Sumagot 'rin ang lalaki ng kung ano-ano pero tila bell na nagring sa isip at pandinig ko ang pangalan nya.

"Clark..? Clark..."

Narinig nila ang sinabi ko kaya dali-daling kumilos ang matanda at tinutok sakin ang baril na pinag-aagawan nilang dalawa.

Bumuka ang bibig ko, "Clark, ako nga pala si Ilies."

Isang nakakabinging tunog ang umilangaw-ngaw sa tahimik na kagubatan. Wala akong naramdaman. Ito na ba ang katapusan ko? Umiikot ang paningin ko, nanlalamig ang katawan ko.

Ito na nga...malapit ko na makasama sila mama at papa, diary.

Pero hanggang sa huling sandali, naalala ko ang sinabi ni Clark sa una at huli naming pagkikita. Rinig na rinig ko iyon kahit hindi ko sya pinapansin noon.

"Magiging kaibigan mo ako kung gusto mo!"

"Ako ang pupuna ng kakulangan sa 'yong tabi."

I get it. I finally get what he said. Nalaman nya ang kalungkutan ko. My loneliness and he want to be by my side. May isang luhang tumulo saking mata, masaya...masaya akong mawawala sa mundong ibabaw, diary.

"Ilies!"

Nagmamahal,
Ilies


****

A/N: Ignore the fact kung paano nya nasulat 'to (⁠T⁠T⁠)

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now