Pangatlong Pahina

9 6 0
                                    

Page 3

Dec 19, 20**

Dear Diary,

Hindi. Hindi umayon ang lahat sa plano. May mga nangyaring wala sa plano, may mga nangyaring wala sa plano, madami, sobrang dami.

Masama ba ako? Gusto ko lang ng kaibigan, maayos na pamilya at masayang pamumuhay. Mahirap ba 'yon? Hindi naman pero mas lalong naghihirap dahil sa mga humahadlang dito.

May kumausap sakin, tinanong ako ng mga tanong na hindi ko maintindihan. Wala akong ideya, wala akong alam. Hindi ko alam, hindi ako nakinig.

Nanatili lang akong nakatulala at nakatingin sa malayo, tinatanaw ang mga ibong balang araw ay maliligo sa sarili nitong dugo.

Kusa na nga lang ako napangiti 'non at nang tanungin ako ng kumakausap sakin, kung ano ang dahilan ng pagngiti ko, simple lang akong ngumiti at sinabing,

"Mamatay 'rin naman tayong lahat."

Hindi ko na inabalahan pang tignan ang reaksyon ng kumausap sakin. Wala naman akong interest sa mga sinasabi nya. Wala akong naiintindihan at wala akong iintindihin dito.

Hindi ko sya kilala at kusa nalang nakipagusap sakin basta-basta. May magagawa sana ako sa kanya kaso madami sila. Madami silang nakatitig sakin, tila pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Nakakakilabot pero nasa tabi ko ang mga kaibigan ko. Diary, sabi ko sayo, masaya ang may kaibigan. Nandito lang ang mga ito kung kailangan. Handa silang tumulong....sa gitna ng kagipitan o problema.

Dahil sa kanila, pilit kong kinalimutan ang pinagsasabi ng kumausap sakin kanina. Nakita ko pa nga ang ekspresyon nila mama at papa habang kaharap ko ito, ang kanilang mukha na–

Ang saya ko. Nakita ko ulit ang ibang reaksyon nila na nagpasaya sa akin. Isa na talaga akong mabuting anak para sa kanila. Kung ipagpapatuloy ko ito siguro, mas lalong sasaya at liligaya ang mga magulang ko.

Makakasama ko 'rin ang mga kaibigan ko at hindi na sila muli magiisa. Pero handa naman ulit akong magdadag ng isa pa nilang mga kaibigan. Ganoon ko sila....kamahal!

Nagmamahal,
  Ilies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now