Panglabing-isa na Pahina

4 5 0
                                    

Page 11

January 8, 20**

Dear diary,

Nakakahiya man aminin ngunit nahimatay ulit ako. Nawalan ako ng lakas na loob at labanan ang sakit lalo na sa lahat ng aking nalaman. Madaming tanong ang iniisip ko kahit ngayong nagsusulat ako

Ano ang nangyayari? Ano ang nangyari sa akin? Ano ba talaga ang totoong nangyari? Nasaan ang mga magulang ko? O...delusyon lang ba ang lahat?

Pero diary, naalis ang lahat ng pagmulat ko nakita ko ulit sya. Ang labi nya na may ngiti dati, ay nanginginig habang sa akin nakatitig. Bakit? Ano ang dahilan?

Kumirot ang aking dibdib. Gusto kong magsalita ngunit tila may pumipigil sa akin para sabihin ang katagang gusto ko masabi sa kanya. Nang makita nya akong bukas na ang mata, nanlaki pa ang mata nya. Naisip ko na,

Ano ito? Ito ba ang tinatawag nilang 'kasiyahan'?

Wala akong ideya kung masama ba ang nararamdaman ko o dulot lang ng sakit sa ulo ko pero, masaya ako. I'm happy that I see that face once again. Pinaupo nya ako, gaya ng dati, madami syang sinabi na hindi ko maintindihan. Nagrarap siguro sya

Kusang bumukas ang bibig ko, diary. Kusa ito at hindi pilit. I ask, "Sino kaba talaga?"

Halata nagulat sya, doon ako kinabahan. Hindi nya ba nagustuhan ang tanong ko? Bakit ko 'to nararamdaman? Kaba, takot? Para saan?

Nakita ko ulit ang ngiti nya, mas masilaw pa kesa sa dati. "Ako ang pupuna ng kakulangan sa iyong tabi." Mangahulugan nyang sagot. Wala akong naintindihan, o sadyang, wala talaga akong alam

Nagagalit ako diary, hindi sa kanya o sa ibang tao, kundi sa sarili ko. Akala ko alam ko na. Akala ko tama ako. Akala ko masaya ako. Pati din ba ang pagiging isang mabuting anak, isang akala lang?

Hindi ito masasagot hangga't hindi ko matatanong ang mga magulang ko pero...paano? Paano at ngayong...patay na sila. Wala na sila sa aking tabi

Nakita ko ulit ang matatandang lalaki, may ngiti sa kanyang labi at may sinabi sa katabi ko. Wala akong maintindihan, palagi naman, pero hindi ako tanga. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang mga susunod na mangyayari

I see the hesitation at that person eyes. I suddenly feel the warm, it's tingling. Masaya ako. May bagong emosyon syang itinuro sa akin

Lumapit sya sa akin at bumuka ang bibig nito. Nabasa ko, nabasa ko na kinasaya ko. "I'm sorry." Bago mawalan ako ng malay

Nagmamahal,
Ilies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now