Dahan dahan kong binawi ang kamay ko kay Hunter pagka-alis ni Ericatrina. Hindi niya 'yon ininda, hinayaan niya lang ako.

"Ayos ka lang?" marahang tanong niya sa akin.

Hinarap ko siya. "Ayos lang ako, Hundson," seryosong sagot ko sa kanya.

"Don't call me that."

"What?" iritadong tanong ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay bahagya pa siyang napanguso. Nanahimik na lang siya at hindi na nagsalita pa.

"Sabay ulit tayong umuwi. I'll wait for you...o ako hihintayin mo?" tanong niya sa akin.

"Hindi," tipid na sagot ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Inabala ko ang sarili ko sa revisions na kailangan naming gawin para sa restoration. Nagsisimula na ang construction, may ilang kailangan na lang i-finished.

Abala na din si Engr. Fontillian sa pagsisimula ng new building ng Villaver. Pero kahit ganoon ay hindi naman siya nagkulang para sa project namin.

"Maglunch tayo, it's on me. Na miss kita," nakangising sabi niya sa akin.

Abala ako sa documents, habang presko siyang naka-upo sa table ko.

Ilang beses kong tinapik ang binti niya para paalisin siya doon pero tinatawanan niya lang ako.

"Masungit pa din," puna niya sa akin.

"Upuan ba 'yan?" masungit na tanong ko sa kanya.

Tumawa ulit siya, tuwang tuwa dahil sa pagsusungit ko sa kanya.

Nasa ganoong position kaming dalawa ng madaanan kami ng grupo nina Hunter. Nakatingin silang lahat sa amin na para bang kailangan nilang gawin 'yon. Pero mas visible ang inis sa mukha ni Hunter. Ano nanamang problema ng isang 'to?

"Engr. Fontillian...lunch?" yaya sa kanya ng mga kakilala niya mula sa grupo na 'yon.

Marahan siyang umiling.

"May lunch date," makahulugang sabi niya at itinuro pa ako kaya naman sinundot ko siya ng hawak kong ballpen sa tagiliran.

Tumawa siya at tuluyan nang napatayo dahil sa ginawa ko, akala mo talaga may kiliti siya kaya naging ganoon ang reaksyon niya.

"Huling huli mo talaga kiliti ko," nakangiting sabi niya sa akin kaya naman sinmangutan ko siya.

Narinig namin ang bulungan mula sa grupo nina Hunter, nagkayayaan na silang umalis pero hindi ang isa sa kanila. May ipinaglalaban.

"Hindi ka kakain?" seryosong tanong ni Hunter sa akin.

Ni hindi niya binigyang pansin ang kasama ko.

"Engr. Jimenez, kakain kami sa labas..." sagot ni Engr. Fonatillian sa kanya.

Tamad niyang nilingon ang nagsalita, sa klase ng tingin niya ay hindi na niya kailangan pang magsalita. Nagtaas ng kilay si Engr. Fontillian at nanahimik na lamang.

"M-may tinatapos pa ako. At kakain din ako...kami ni Engr. Fontillian," sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may kasamang kaba ang pagsagot ko, hindi ko din naman kailangang magpaliwanag kay Hunter.

Nanatili ang tingin niya sa akin hanggang sa sumuko siya.

"Hihintayin kita mamaya pag-uwi. Enjoy your lunch," sabi niya bago kami tinalikuran.

Sandali kong pinagmasdan ang paglakad palayo ni Hunter bago ko ibinalik sa ginagawa ko ang aking buong atensyon.

"May napapansin na ako kay Engr. Jimenez," pagbasag ni Engr. Fontillian ng katahimikan.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon