22

1.1K 66 16
                                    

Nag mamadali akong pumunta sa Starbucks at pag pasok ko duon nakita ko sa pinaka dulong upuan si Cole at ang mga bata na masayang umiinom ng drinks.

Lumapit agad ako sa kanila, hindi ako napansin ng dalawa dahil busy sa pakikipag kulitan.

"Oh, Yoshi anjaan kana pala." Nakangiting saad ni Cole

"Dada." Masayang sigaw ni Asher at bumaba pa inu-upuan nito at tumakbo papalapit sa akin.

Nasaya akong kumuhod upang pumantay sa liit niya. Niyakap ko ito ng nahigpit at binuhat ko ito, at pinag hahalikan sa pisngi at leeg.

Umiiwas ito at tawa ng tawa dahil nakikiliti ito sa akin pag halik.

"Namiss ba ng baby ko si Dada?" Masyang tanong ko sa kanya, tumango tango naman ito.

Binaba ko ito sa upaan niya kanina at tumabi sa kanya. Napatingin ako dito ng bigla niya akong alukin ng kanyang iniinom. Agad ko itong tinikman, para hindi siya nag tampo.

"Dada, ang shaya po tanina nag raro po kami ni tito Cole pati po ni Caliya sa time zhone." Masayang kwento nito sa 'kin.

"Nag enjoy ba ang baby boy ko?" Sabi ko dito habang hinahawi ko ang buhok niya pataas.

"Opo dada masayo po, dada sa shusunod tayo naman po laro at gala po."

"Opo naman basta para kay, Asher gagala kami basta pag hindi busy si Dada sa trabaho." Sabi ko dito at pumapalak pak naman nito sa tuwa.

"Dada bili po ako Tito Cole, lawruan a big dino po." Sabi nito at pinapakita kung gaano kalaki ito gamit ang kanyang kamay.

Napatingin ako kay Cole at ngumiti naman ito sa 'kin ng pilit. Ilang ulit kona kasing sinasabi sa kanila na wag nasyadong bilhan ng kung ano-ano si Asher at baka masanay at maging spoil. Pero mukang walang ipekto ang mga sinabi ko sa kanila, dahil kada mag gagala sila ay pag uwi may bago nanaman laruan or kaya damit at sapatos.

"Cole di'ba sabi ko wag i-spoil si Asher sa kung ano-ano." Seryoso kong saad sa kanya.

"Sorry na Yoshi, minsan ko lang mabilhan si Asher saka ang cute niya kaya at mabait pa kaya kailangan niya ng reward." Nakangiti ito habang naka tingin kay Asher na masayang umiinom ng pink drink.

"Anong madalas kabibili mo palang sa kanya last month.. Remember?"

"Last month pa 'yun, Yoshi! Wag kang nega." Sabi nito, napa bunting hininga nalang ako kasi wala na akong nagagawa dahil nabili n'ya na ito.

Tumayo si Cole at may kinuha sa counter at pag balik nito ay may hawak na siyang croissant at isang kape at binigay sa akin. Nag pasalamat ako sa kanya at sinimulan kona itong kainin, dahil natatakam ako sa it'sura ng tinapay.

Hindi ko namanalayan ang oras dahil napa sarap ang kwentu-han namin ni Cole. Napatingin ako sa mga bata na medyo inaantok na dahil siguro sa pagod kakalaro buong araw.

Naisipan na namin umuwi dahil inabot na rin kami bg gabi sa mall. Kakaunti na lang ang tao dito dahil ilang oras na lang ay mag sasara na ito.

Ihahatid pa sana kami ni Cole ng hindi ako pumayag nag pupumilit pa ito, pero tinanggihan ko. Anong oras na 'din at mukang pagod siya kakaalaga at bantay sa dalawang makukulit na bata. Kailangan niya narin mag pa hinga dahil alam kong pagod siya, dahil hindi ganun kadali ang mag alaga ng bata. Lalo't dalawa ang kanyang inaalagaan, kailangan lagi kang naka subay-bay sa gagawin nila at kailangan hindi ka malilibgat.

Pumara ako ng taxi dahil nakatulog na si Asher sa balikat ko habang nakayap naman ang mga kamay niya sa aking leeg. Pabigat na ng pabigat ang baby boy ko na ito, baka sa susunod ay hindi ko na kayang buhatin ito.

RS1: My Runaway Omega (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon