02

1.8K 78 4
                                    


First day ko bilang intern sa isa sa mga mamalaki at kilalang kompanya. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. First time ko lang mag trabaho sa mga gantong kompanya.

"Hello, Interns! Welcome to C. De Galleria Group of Company. I'm Angelie Santos, secretary of the president Caliber!" Pag papakilala nito sa amin habang hinihintay dumating ang President and head ng aming department.

Nakaupo kaming sampo na inter dito sa conference room. Tigdala-dalawa kada department. Mag orientation muna bago kami pumunta sa mga assigned department namin.

Buti nalang natangap din si Trix, kaya may kilala ako dito. Swerte pala ang binili naming lucky charm sa quiapo, bago kami nag apply. Kaya ayun pasok ang mga bakla!

Biglang may mga pumasok na limang taong mga seryoso ang mga muka. Scary! Parang nangangain ng buhay ang nga muka nila. Hindi mo manlamg makikitaan ng saya sa mga mata nila. Ito ba yung magiging head department namin! Parang gusto kong mag back out!

Napatingin kaming lahat huling pumasok ng room, na parang almighty king! Ang gwapo at ang linis niya tingna parang lahat ng mga babae ay, mag lalaway sa kanya. lalo ng ngumiti siya mas maputi pa sa kulay puti ang ngipin niya!

Napatingin ito sa isa mga intern na babae, na maganda din ang itsura at sexy! Nagulat ako ng kumindat ito sa babae, namula naman ang pisngi ng babae at umiwas ng tingin.

Tsk! Babaero!

Napairap ako ng tingin sa lalaking parang, Greek God! Okay na sana, kaso halatang babaero.

I hate! Casanova, they always hurt other people's feelings. They toy with by not picking one to love. Casanova is clever yet worthless and gutless.

Halos lahat ng lalaki ngayon babaero na, bilang nalang sa daliri ang totoo at loyal. Buti nalang at wala na akong boyfriend! Sakit lang sila sa ulo at wala akong balak pang umibig at mag ka boyfriend.

I'm very contented, satisfied, and happy with my life. My life is full of meaning. Despite of my past!

May mga tao pala talagang dadating sa buhay mo. Para mag bigay ng inspirasyon at lesson sa buhay mo. Because life is like a wave, you can choose to ride it or get crushed by it.


"Hello again Interns. This is the president of the company!" Saad ng secretary niya, kaya napatingin kami sa babaerong lalaki sa gitna.

"Oh, hello Interns! Welcome to my company... Welcome to C. De Galleria. I'm Ashton Caliber Adler, the president of this company!" Nakangiti ito samin kaya yung mga babaeng intern ay mga nakatulala kay Mr. Adler! "We have welcoming dinner tonight, for the intern."

Lumabas na kami ng conference room at patungo na sa aming department. Kasama namin ang aming department head na si Miss Regz!

Bumukas na ang pintuan ng elevator. Kinakabahan ako at alam kong kabado din si Trix dahil kanina pa ito tahimik at pinag papawisan kahit nalamig naman sa kompanya.

Nanginginig ang mga kamay ko dahil unang beses ko palang nakapasok sa ganito kalaking kompanya. Dito pa ako napasok sa pinaka sikat at high end company. Isang advantage to para agad kang makuha apply momg trabaho, kaya sobrang saya ko kasi isa ako sa napili sa dami-daming nag apply.

Pumasok kasi sa isang glass door at nag si tingnan ang mga tao duon, napa yuko ako ng aking ulo. Nahihiya ako dahil nakatingin silang lahat samin ni Trix. Hindi ako sanay na pinag titinginan ng ibang tao!

RS1: My Runaway Omega (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon