16

774 57 5
                                    



Ilang linggo na akong hindi makilos ng maayos dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Halos lahat ng kainin ko ay sinusuka ko lang. Hindi ko na alam kung anonv ng yayari sa katawan ko, ayoko naman mag pa checkup dahil natatakot ako sa pwedeng maging reaulta. Baka hindi ko kayanin, kaya kahit medyo masakit na din ang tiyan ko ay kakayanin ko. Gagaling panaman to! Ipapahinga ko lang ito at mawawala na.

Hindi pa ako tapos sa kinakain ko ay dali dali akong nag punta sa lababa mo at dumuwal iyon. Halos na ilabas ko din lahat ng kinain ko, maiyak iyak na ako dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa katawan ko. Pati ako kinakabahan na din.

Umupo muna ako sa sofa dahil nahihilo ako, sinabi ko na din ito kala Trix at Cole. Sa kanila ko muna ito sinabi dahil ayoko naman na mag alala si Tita at Nanay sa kalagayan ko. Ayoko silamg ma stress dahil lamg sa 'kin hayaan mo na wala silang alam sa nararamdaman at iniida ko ngayon.

Pupunta daw ang dalawa mamayang hapon at dito nila napag disisyon na matulog, dahil sobrang tagal na daw simula ning na nakapag bonding kaming tatlo. Dahil kaming dalawa ni Trix ay nabisi sa graduation at pag hahanap ng trabaho. Si cole naman ay busy sa kanyang work, hindi niya ito maiwan dahil importante ngunit ngayon lang nag kasabay-sabay ang mga free time namin.

Ano ba 'itong ng yayari sa 'kin, hindi kona maintindihan. Ilang lingo na akong nag titiis sa sakit na ito, parang tinutusok ang tyan ko ng karayom.

Humiga ako sa kama ko at baka mawala ang sakit pag na tulog ako at inaatok na din naman ako. Dahil kunting kilos ko lang ay napapagod at sumasakit na ang tagiliran ko.

Nagising ako ng wala na palang araw, napa haba ata ang tulog ko. Kaya tumayo na ako kahit nahihirapan at pumunta sa kusin para maka pag luto na, baka mamaya dumating na yung dalawa at wala pa akong iniluluto.

Lulutuin kona sana ang ulam kaso may kumatok na sa pintuan kaya, pumunta na agad ako at pinagbuksan ko ito. Bumungad sa 'kin ang dalawa na may mga bagpack pa sa kanilang mga likod.

Pumasok na sila at nilapag ang kanilang mga dalang gamit sa sala, ako naman ay dumiret'so sa kusina upang ipag patuloy ang aking pag-luluto. Naramdaman ko na pumunta din sa lusina si Cole.

''Sorry, ngayon lang ako mag lulto ng pag-kain natin. Napa haba kasi yung tulog ko, hindi ko namalayan yung oras.''

''What!! Bakit mag luluto ka? Diba sabi mo may sakit ka, kaya nga kami pumunta dito para bantayan ka!'' Saad ni Trix na kararating lang sa kusina.

''Kaya ko panaman.''

''Umupo kana dito, Yoshi. Bumili na kami ng pag-kain natin bago kami pumunta dito. Kaya hindi muna kailangan mag luto pa.'' Sabi ni Cole habang inaayos ang binili  nilang pagkain sa mesa.

umupo na kaming tatlo sa mesa at pinag saluhan ang binili nila, sobra naman akong natakam dahil meron silang biniling sisig. kahapon kopa gustong kainin  to kaso nga lang ay hindi ako maka alis sa bahay. Ito agad ang kinuha ko at nilagay sa plato ko, tumayo naman ako at kumuha ng asukal at nilayan ang sisig ko. Ewan koba sa trip ko ngayon gusto ko ng sisig na matamis, napa tingin naman sa akin yung dalawa at kala-unan ay tinuloy na din ang pag kain niala.

Ang sarap talaga ng sisig na may asukal, sobrang tamis ganito yung gusto kong sisig eh. Sobrang saya ko ngayon dahil naka tikim ng sisig buti nalang bumili sila, Trix at Cole. Hindi ko napansin na sobrang dami ko kumain, dahil sa ulam ko maya-maya ay bigla nanaman bumaliktad ang sikmura ko. Kaya agad akong tumayo at tumakbo sa cr upang dumuwal.

Hindi ko alam na sumunod pala ang dalawa sa 'kin. Hinihimas ni Trix ang likod ko habang naduduwal parin ako.

"Okay kapa ba, Yoshi? Nag aalala na kami sayo." Kinakabahan ma sabi ni Cole sa 'kin, habang hindi ko parin mapigilang maduwal.

RS1: My Runaway Omega (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon