19

885 64 22
                                    

Isang linggo na ang naka lipas ng malaman ko ang balita na kinadurog ng puso ko. Gabi gabi akong umiiyak at tinatanong ang sarili ko kung pano nila yun nagawa sa 'kin.

Kung paano ako lokohin ang taong nasa paligid ko... kung pano ako lokohin ng taong mga mahal ko at pinagkakatiwaan ko!

I feel betrayed... I feel pain! Everyone around me lied to me, including the person I love the most.

Pinipilit kong maging malakas para sa batang nasa sinapupunan ko ngayon, ayokong maging mahina at baka mawala nanaman siya sa 'kin. Pinilit kong maging normal ang lahat, pero hindi pala siya madali na kahit anong gawin ko bumabalik yung sakit at alala na masaya kaming dalawa.

Kasi nasanay na ako na lagi siyang anjaan, na lagi siyang nasa tabi ko. Umikot na ang mundo ko sa kanya at nalimutan kong mag tira para sa sarili. Pero hindi ako titigil, kailangan niyang malaman na mag kaka-anak kami, baka sakaling maniwala siya at hindi matuloy ang kanilang kasal...baka sakaling piliin niya kami ng anak niya.

Habang nasa tiyan ko ang baby namin may pag-asa pa para sa 'aming dalawa.

Sana nga may pag-asa pa para sa aming dalawa...

Lagi naman pumupunta ang tatlo dito sa bahay pagyari ng kanilang trabaho. Kala mo dito na din sila nakatira, laging nag aalala na baka daw may magyari sa 'kin pag wala sila. Laking pasasalamt ko na dumating sila sa buhay ko, dinagdagan pa ni Austin na akala mo ay kapatid ako na hindi kayang mawala sa kanyang tabi.

Nag deactivate ako lahat ng social media ko, ayoko munang gamitin ito dahil sa bawat makikita ko ay nasasaktan pang ako. Ni hindi ko nga 'rin mahawakan ang aking phone dahil pinipigilan ko ang aking sarili, dahil kung magawakan ko ito hindi ko mapipigilan tingnan ang mga nangyayari kay, Ashton.

Kailangan kong mga libang upang sa iba mabaling ang attention ko. Maaga akong umalis sa aming bahay dahil may check-up ako ngayon sa aking obgyne.

Hindi ko maiwasan malungkot dahil kung alam lang ni Ashton na mag kakaanak kami ay sasamahan niya siguro akong mag pa check-up ngayon, siguro mas tuwang-tuwa pa ito kesa sa 'kin. Hindi siguro ako mag isa ngayon at lumalaban para sa baby namin.

Nakarating ako sa Hospital at nag tungo na ako sa aking obgyne, hindi ko na hinintay si Austin dapat siya ang sasama sa'kin ngayon. Pero nauna na ako dahil sa sobrang excited ko makita ang baby ko, halos hindi nga ako makatulog kagabi dahil sa sobrang excite.

''Hello po, Doc.'' Bati ko rito pag pasok ko at upo muna ako sa tabi.

''Hi, Mr./Ms. Yoshi. How was your feeling?'' Bungad na saad sa'kin nito, napangiti naman ako sa kanya.

''Okay naman po ako,Doc. Minsan po sumasakit ang likod pero nawawala din po.''

"It's normal Mr. Yoshi... because you're pregnant." Tumango tango nalang ako sa kanya, pinatayo ako nito at pinahiga sa parang kama na maliit. Nagulat ako ng may pinahid ito sa akin na parang gel na malamig sa aking tiyan. Maya-maya ay may kung ano device ang pinatong sa aking tiyan at inusog-usog niya ito at habang pina tingin ako sa ultrasound machine. Hanggang sa nakita ko ang isang maliit emahe ng bata na kulay putik sa ultrasound, alam kong kahit malliit pa siya ay gwapo to or maganda dahil dito palang ay cute na siya.

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, baka siguro masaya lang ako or kaya dahil nalulungkot ako dahil yung mga ganitong importanteng bagay ay hindi nakita ni Ashton.

"Your baby is safe and healthy, Mr. Hale. Pero double ingat parin para kay baby at para na 'rin sa inyo. Itong vitamins na ito ay kailangan niyong inomin kasabay ng healthy food, para maging malakas kayo ni baby." Tumango tango ako at pinigay naman nito ang reseta ng gamot at kasabay 'din niyang inabot ang isamg envelop kunv saan nag lalaman ang ultrasound ko.

RS1: My Runaway Omega (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon