"Putangina! Kayang kong linisin ang sarili kong kwarto! Sana 'di kana lang nakialam at nanahimik kana lang dito sa sala!!!" Mukang lalo itong nagalit sa 'kin base sa tono ng boses niya. "Tsk. Tara at kumain, bago pa ako mawalan ng gana dahil sa pinag-gagawa mo!"



Wala akong nagawa kaya sumunod na ako sa kanya sa may kusina, dahil ayokong magalit pa ito sa 'kin lalo. Umupo ako sa upuan at pinanuod ko siyang kumukuha ng pagkain, napa tingin ito sa gawi ko at pinanlakihan ako ng mata. Kaya kumuha ako ng plato kahit nanginginig ang mga kamay ko, pipilitin ko nalang kumain kahit kumain na ako kanina at busog pa naman ako kahit papapo dahil medyo marami rami ang nakain ko kanina habang tulog ito. Pinilit kong isinubo at kainin ang nasa plato habang siya ay masaya at masiglang kumakain ng mga ni luto pagkain ko para sa kanya.





Matapos kaming kumain ay naligo na si Ashton habang ako ay nag liligpit at naghuhuga ng pinag kainan namin. Nag iisip nadin ako ng pwedeng lutuin para mamayang tanghali, tatanungin ko nalang ito kung anong gusto niyang ulamin.



Pag katapos kung mag hugas ay tapos na pala itong makigo at nanunuod na sa tv ng basketball. Kaya tumabi na ako sa kanya upang manuod na din kahit wala akong alam sa basketball, kahit dati nung bata ako wala akong kahilig hilig dito. Umiiyak pa nga ako at nag susumbong kay mama kapag tinuturuan at nag lalaro kami ni papa ng basketball.




Hindi talaga ako marunong lalo na mag shoot! Hindi ako shooter and ayoko din maging shooter!




Tutok na tutok siya sa pinapanuod niya pinilit kong manuod pero lumilipad parin ang aking isip sa picture na nakita ko sa kanyang kwarto kanina. Hindi ko mapigilan lang isipin 'yon, kahit na anong pilit kong ituon ang isip ko sa ibang bagay ay du'on lang nauiwi. Madaming nabubuong katanungan sa isip ko na kailangan ko ng kasagutan, kung hindi parang sasabog ang utak ko.




Ngunit hindi ko alam kung paano ko kukunin ang kanyang atensiyon. Baka magalit nanaman ito pag nag tanong pa ako, baka lalong masira nag araw niya dahil sa 'kin at ayaw kung mangyari iyon. Ngunit kailangan ko talagang malaman bahala na kung magalit ito sa 'kin basta matangal lang ang mga bumabagabag sa utak ko.



"Hmm, Ashton! May itatanong sana ako sayo," Kinakabahan kung sabi sa kanya, paano ko ba ito sasabihin.



"Sure, ask anything and I will answer that." Nakatingin na sabi nito na lalo tuloy akong kinabahan.




"H-habang nag lilinis kasi ako kanina, nakita ko yung pictures niyo ni Adrianna. Matagal na ba kayong mag-kakilala?" Sabi ko sa kanya at narinig ko ang pag buntong hininga niya.




"Yeah, since college days. Same school kami nag aaral nung nasa California pa ako. Yung kaibigan niya at kaibigan ko ay mag kasintahan kaya lagi kaming mag kakasamang apat. Kaya naging magkaibigan kaming dalawa," mahabang paliwanag nito kaya tumango tango lang ako sa pag ku-kwento nito. "Bumalik ako dito sa Pilipinas nung naka graduate na kaya, hindi na kami nag kikita at wala narin communication simula nuon. Kaya nagulat ako ng nakita kung mag pinsan pala kayo nung graduation mo duon ko nalang ulit siya nakita."



"Ganun ba. Sobrang close niyo siguro no! Ang saya niyo kasi sa picture eh."



"Yeah before but may mga sarili na kaming mga buhay ngayon. Hindi na namin mababalik ang nakaraan pa." Seryosong sabi niya




"Kung papipiliin ka mabalik ang dati, pipiliin mo ba iyon?" Seryoso kung tanong.




"Oo, mas pipiliin kung bumalik sa nakaraan." Walang pag dadalawang isip na sagot niya. "Mas pipilitin kung bumalik sa dati, kesa ngayon!"


Nasaktan ako sa mga sinabi niya pero ako naman ang nag tanong niyon, kaya dapat hinda kona ang sarili ko sa mga sagot niya. Ginusto ko ito eh pero kailangan kong maitanong lahat ng katanungan ko.



"Mas masaya kaba nuon? Kesa sa ngayon, Ashton?" Sabi ko dito nakita ko ang pagka lito sa mga mata niya. "Pwede mo naman hindi sagutin. Nasasayo parin ang disesyon."



"Yes definitely yes! Sobrang saya ko nuon kesa ngayon. I was genuinely happy that time, yung nararamdaman kong saya nuon ay totoo... totoong totoo!" Nakangiti niyang saad kaya alam ko na totoong masaya siya nu'on.



Sobrang sakit ang naramdaman ko, sana hindi ko nalang pala tinanong ito kung ganto lang din ang magiging resulta. Dapat sinarili ko nalang ang mga tanong sa utak ko edi sana masaya ako at hindi ganto ang nararamdaman ko.




Mukang sa aming dalawa ako ata nag nasira ang araw. Parang gusto ko nalang mag kulong sa kwarto at iiyak itong nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa dahil nanjaan si Ashton, habang masayang nanunuod.



Gusto ko pa sanang mag tanong ngumit baka hindi kona kayanin ang mga isasagot niya, baka tuluyan na akong bumigay at umiyak sa harapan niya. Baka ang sagot niya ang maging dahilan nag pag ka durog ng puso ko at maging sanhi ng pakasira at pagkawasak ng mundo kong binuo kasama siya.





Naging masaya ka 'din ba sa 'kin? Yung totoong saya katulad ng saya na nararamdaman mo nuon? Yung saya na gusto mong balikan at pilit mong pipiliin!

RS1: My Runaway Omega (MPREG)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz