Napangiti ako habang nag pupunas ng picture frame na nasa righ side table niya dahil, ang gwapo at cute ni Ashton nung bata pa ito. Ang cute niya pala nung bata pa siya kitang kita sa pictures niya, sana hindi nalang siya lumaki. Kuha ang litrato na ito habang naliligo siya sa swimming pool nasa may hagdan ito at nakaupo habang suot suot ang isang swimming trunks at may life vest at arm floater sa dalawang kamy habang naka peace-sign pa ito. Halatang takot na takot siyang malunod dahil sa sobra niyang gamit na salbabida. Ako nga halos malunod na nung bata ako dahil tumatalon ako sa pool at hihintayin na sapuhin ni papa.



Lalo akong napa ngiti dahil sa isa niya pang picture, na naka naka tayo at naka suot ng Spiderman habang hawak niya ang isang Spiderman na laroan habang naka pose niya na ala Spiderman. Kitang kita mo ang saya sa mga mata niya dito, pati ang ngiti niya ay umabot na hanggang tenga kahit bungi pa ang ngipin nito.



Matapos kung punasan yun ay lumipat na ako sa kabilang side table upang ito naman ang aking punasan. Inuna ko muna ang minimalist na lampshade niya pati narin ang bible, wala itong masyadong nakapatong dito hindi katulad ng isang table na may mga baby pictures niya dito naman ay wala.




Habang nag lalampaso ako ng table ay may nahulog na kung anong papel sa lapag kaya pinulot ko ito at tiningnan kung ano iyon. Laking gulat ko ng makita ko ito, isang picture ni Ashton at ng isang babae masaya silang nakangiti sa picture habang mag kadikit ang kanilang mga pisngi ng babae.




Hindi ako pwedeng mag kamili sa nakita ko at kilalang kilala ko ang babae sa picture. Walang iba kundi ang pinsan ko si Adrianna, litong-lito ako mag kalila naba sila dati palang? Paano sila nag kakilalang dalawa? Bakit parang hindi sila nag uusap at parang hindi nila kilala ang isa't-isa? Bakit nila ito na ikwento sa akin? Ano nga bang meron sa kanilang dalawa na hindi ko alam?



Nalilito ang utak ko kaya binalik kona lang ang picture sa ibabaw ng lamesa at bigla may pumukaw ng tingin isang pula na box at naka nasa ilalim nung ang isa pang picture nilang dalawa na naka tayo at naka hawak sa bewang ni Adrianna si Ashton, bahang naka tuxedo ito at naka gown naman si Adrianna at naka ngiti silang pareho sa camera. Kinuha ko ang maliit na box at binuksan ko iyon. Upang makita ko kung anong laman niyon, isang sing-sing ang ganda nito tingnan with diamonds stone sa gitna na lalong nagpa ganda dito lalo. Bakit meron si Ashton nito? Para kanino naman kaya ito?




Para sa akin ba ito?




"Mi amore!" Sigaw ni Ashton sa labas mukang gising na siya, kaya agad kong sinara ang box at binalik sa pwesto nito at lumabas na nang kwarto niya dahil tapos nadin naman ako mag linis. Buti nalang tapos na ako nung magising siya, para hindi ako naiilang galawin ang mga gamit niya dahil wala naman siya.




"Kumain kana nag luto ako ng almusal kanina habang tulog ka." Saad ko dito may tinitingnan sa cellphone ng makita ako niyo ay agad itong tumayo at lumapit sa akin.



"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Sabi nito nito habang nakayakap ako at naka sandal ang ulo ko sa matipuno niyang dib-dib.



"Nag linis ako ng bahay, pati kwarto mo nilinis kuna din kasi sabi mo kagabi madumi duon." Agad niya akong binitawan sa pag kakayakap at tumungin sa akin ng diretso.



"Bakit ka pusmok duon! Binigyan ba kita ng permiso na pumasok sa loob ng kwarto ko, Yoshi!!" Galit na sabi nito sa akin kaya natakot akong tumingin sa mga mata niya. "Tangina naman!"



"P-pero sabi mo marumi ang kwarto kaya nilinis kuna, saka w-wala din akong magawa kanina." Takot kong sabi sa kanya at rinig ko ang pag buntong hininga niya.



RS1: My Runaway Omega (MPREG)Where stories live. Discover now