Sa pagpikit ni Belle, halos lumabas ang puso niya dahil may na aninag siyang liwanag sa mga mata. Kinusot niya pa ito hanggang sa maging itim at bumalik sa liwanag.

"Frank!" Tawag niya.

"What?"

"Frank! I saw light!" Sigaw ni Belle kaya napatakbo si Franklin.

"Nakikita mo ba ako?!" Tanong ni Franklin.

Panay pa pa rin ang pikit ni Belle hanggang sa magdilim muli ang mga mata. "Wala na! Wala na! Hindi ko na kayo makita ulit!" She cried.

"Ssh, tahan na. Gagawa ako nang paraan para lang makakita kang muli."

Niyakap ng tatlong lalaki si Belle kaya pakiramdam niya'y hindi na siya nag-iisa.

Ang luha sa mga mata niya ay napalitan ng matamis na ngiti. Binuhat siya ni Franklin at sinakay sa likuran. Habang ang dalawang bata na hinahabol sila pagkatapos ay paikot-ikot sila sa apoy.

Madaling araw na't hindi pa rin pumapasok ng bahay si Belle at Franklin. Nanatili silang nasa labas ng bahay.

"Frank."

"I said hubby."

"Hindi pa naman ha?"

"Belle naman."

"Edi hubby kasi! Pumasok na tayo! Ang lamig!"

"You know... I am excited. Dahil sa lahat ng buwan na magcecelebrate ako ng birthday ko, ito na 'yung nandito ka at may anak na tayo."

Ngumiti si Belle pagkatapos ay kinurot ang tagiliran ni Franklin. "Cheesy ka na naman. Feeling mo bata ka pa?"

"Oh eh ano? Hindi na nga ako masungit."

"You changed. Naninibago ako. Pero never akong nanibago sa boses mo. May nalalaman pang mukha ka raw kapre sabi ni Ate Sita!"

"Tsk, sa gwapo kong ito? And besides, addict ka kasi sa akin saka alam mong may kasalanan ka."

"Sus! Saka saan mo pala galing ang Juan?"

"Sa bote ng mani."

Tumawa si Belle pagkatapos ay siniksik ang sarili sa katawan ni Franklin.

"Paano ka aalis sa simbahan?"

"Madali lang iyon. Kilala ako roon."

"Na labas pasok sa simbahan?" Malokong sinabi ni Belle.

"Yes, and it's fine kasi nga para maikasal na tayo."

"Kailan? Hindi pa ako nakakakita."

"After our wedding, pupunta tayo sa ibang bansa para operahan ka."

"Bakit doon pa?"

"Of course. I want the best cornea for you. Hindi ko na patatagalin pa. Tatapusin lang natin ang bagong taon, pupunta na tayo sa ibang bansa."

"Salamat, Frank. Hindi mo ako sinusukuan."

"Dahil hindi mo ako sinukuan. You met me at my worse, yet you still held my hand."

Yumakap pa lalo nang mahigpit si Belle hanggang sa maramdaman niya na inangat ni Franklin ang isa niyang binti.

"Frank. Nasa labas tayo."

"Belle, ilang taon akong nangulila sa iyo. Pagbigyan mo naman ako," he pleaded.

Bumangon si Franklin para patayin ang ilaw at manatiling madilim. Bumalik siya sa pagkakahiga at kinumutan si Belle.

"Ang lamig na. Giniginaw na ako."

"May baga pa naman ang kahoy."

"Frank, maginaw. Doon na tayo sa loob."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now