“Ha ano?”

“Ah wala… hindi ka ba nag-aasam na makakita pang muli?” tanong ni Franklin.

“Syempre gusto ko. Gusto kong makita ang mga anak ko… pero mahirap ang operasyon ko. Mahirap makakuha ng donor lalo na’t salat kami.”

“Gusto mo bang tulungan kita?”

Umiling si Belle. “Naku, huwag na. Sa katunayan nag-iipon ako pang opera. Pero isinantabi ko rin dahil kailangan mag-aral ng mga anak ko. Tsaka hindi na rin importante na makapagtapos ako, ang importante marunong akong magbasa at magsulat.”

Mas lalong kumirot ang dibdib ni Franklin at tuluyang tinungga ang kape. Nilibot niya ang paligid hanggang sa makita ang garapon ng tubig. “Tubig ba iyon?” tanong niya.

“Ang nasa kaliwang parte?” umiling si Belle. “Lambanog iyon, bigay nu’ng kaibigan ko sa Barangay. Dahil lamigin daw ako, kailangan ko iyan para uminit ang katawan,” tumawa naman si Belle.

“Ganoon ba? Parati ka sanang mag medyas. Tsaka hindi mabuti ang palaging alak.”

“Gusto mo bang tikman? Masarap ‘yan!” masayang sinabi ni Belle pagkatapos tumayo ito upang kunin. Hindi rin nakatanggi si Franklin dahil lamig na lamig na rin ang kanyang katawan.

Unang lagok ng alak, napangiwi si Franklin dahil sa sobrang init nito na umagos sa kanyang lalamunan.

“Ngayon lang ulit ako nakainom,” panimula ni Franklin.

“Talaga? Magugustohan mo ito. Hindi bale at kapag nakapunta ako ng Barangay, baka bigyan nila ako at ibibigay ko na lang sa iyo.”

Nagdaan ang ilang minuto na kanilang pag-uusap nakaramdam sila ng parehong tama ng alak. Biglang yumuko si Franklin dahil pakiramdam niya’y umiikot ang mundo niya. Habang si Belle na pilit tumayo pero napaupo rin ito dahil sa labis na pagkakahilo.

“Belle! You are drunk,” wika ni Franklin.

Umiling si Belle. “Umalis ka… labas na.”

“Halika, bubuhatin na muna kita,” pilit ni binuhat ni Franklin si Belle hanggang sa maihiga niya ito sa kama.  

Patawa-tawa si Belle dahil para bang nananaginip siya habang pinakikinggan ang boses ng nagsasalita. Pakiramdam niya’y bumabalik siya sa nakaraan at si Franklin ang nasa harapan niya.

“Matulog ka na,” bulong ni Franklin pagkatapos ay tumayo upang kumutan si Belle. Ngunit agresibo si Belle at hinatak ang kamay ni Franklin. 

He was about to kiss her pero pilit niyang pinipigilan ang sarili. “I miss you…” mahinang bulong ni Belle habang lumuluha ang mga mata. “Hugo… kumusta ka na kaya?”

Kahit umiikot ang paningin ni Franklin. Narinig niya ang mga sinasabi ni Belle. Kitang-kita niya na umiiyak ito.

“Matulog ka na,” huling salita ni Franklin bago siya tuluyang hatakin ni Belle para yakapin. 

Alam niyang mas lasing si Belle sa kanya pero ayaw niyang gawing pagkakataon ito para nakawan ng isang sandali ang dating nobya.

“What if ibang tao ako. Baka ano na ang nangyari sa kanya?” bulong ni Franklin.

Mas lalong nag-init ang tainga ni Franklin dahil kinapa ni Belle ang batok niya papunta sa leeg hanggang sa mahawakan nito ang labi niya. She slowly kissed him kaya hindi rin kumawala si Franklin. 

Agresibo ang bawat halik na tinapon ni Franklin kay Belle kaya parang mababaliw si Belle sa kanyang nararamdaman. Gumapang din ang akamay ni Franklin papunta sa hita niya hanggang sa matuklasan ang underwear nito.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now