Habang nakatingin si Franklin sa kalsada wala pa rin tigil ang luha sa kanyang mga mata.

"Belle, you are alive… Gustong-gusto na kitang mayakap."

After five hours from a long drive. Nakarating ng madaling araw si Franklin. Hinanap niya ang pottery na sinabi ni Manong Boyet hanggang sa matapat siya sa saradong shop. Hindi siya makatulog kaya naman hinintay niya na ang pagsikat ng araw.

Bagong araw at panibagong pagbabalat buto na naman ang kakaharapin ni Belle. Patong-patong ang kanyang damit dahil sa sobrang lamig lalo na't magpapasko na rin.

"Hay, namimiss ko na ang dalawang makulit," bulong ni Belle hanggang sa makalabas siya ng bahay. Bitbit niya ang kahoy na tungkod habang naglalakad hanggang sa makarating ng pottery. Binuksan niya ang tindahan kasama si Ate Sita hanggang sa maupo siya sa pwesto.

"Belle, kukuha lang ako ng pagkain! May mga namimigay sa barangay, maiwan muna kita ha?"

"Opo!"

Nagsimula si Belle na tapakan ang makina upang ituloy ang kanyang hinuhulma. Pakanta-kanta pa siya habang inaalala ang magagandang nangyari sa buhay niya.

Mabilis ang tibok ng puso ni Franklin nang makita niyang bukas na ang tindahan. Nakuha rin pala niyang makatulog kaya naman heto at nagmadali siyang bumaba.  Panay ang inom niya ng tubig hanggang sa makapasok sa loob ng pottery. Tumunog ang chime na nakasabit sa bubong dahil tumama ito sa ulo ni Franklin, kaya naman napatigil si Belle sa paghuhulma at kaagad nilinisan ang kamay.

Dahan-dahan na tumayo si Belle hanggang sa makita siya ni Franklin.

"B—B…"

"Magandang umaga po!" bati ni Belle at kinuha ang tungkod.

Nagtataka naman si Franklin hanggang sa makita niyang kinakapa ni Belle ang paligid. 

"Ano po ang sa inyo? Pwede po kayong mamili sa kaliwa at nandoon ang nga bagong gawa na paso," wika ni Belle.

Tinakpan ni Franklin ang bibig hanggang sa umatras nang umatras upang bumalik sa loob ng sasakyan.

He saw her scars, her lonely eyes until he finally knew that she's blind. 

"Belle…" he whispered while looking  at her. Biglang nakaramdam ng takot si Franklin habang pinagmamasdan pa rin ang kilos ni Belle na mukhang hinahanap siya.

Panay ang buntong-hininga ni Franklin hanggang sa bumalik siya sa tindahan. 

"Ano po iyon sir?" Tanong ni Sita kaya napaharap si Franklin.

Para namang nakakita ng multo ang babae kaya halos mabitiwan nito ang isang basket kaya kinuha ito ni Franklin upang tulungan si Sita.

"Are you okay?" Si Franklin.

Papalit-palit ang tingin ni Sita kay Belle at kay Franklin na kanyang kaharap. 

"Ate Sita? Patulong naman po, may customer kasi. Hindi ko alam kung bibili ba o hindi," wika ni Belle.

Umiling si Franklin at binalik kay Sita ang basket. 

"Hindi raw, Belle."

Tumango naman si Belle pagkatapos ay bumalik sa loob. Akmang aalis si Franklin ngunit hinatak ni Sita ang kanyang kamay.

"Ikaw ba ang jowa ni Belle?"

Napalunok si Franklin pagkatapos ay hindi makatingin ng diretso.

"Sabi na eh! Ikaw iyong nakita ko sa pitaka niya!"

"Quiet! Please, don't tell her."

"Bakit? Hindi ka ba naaawa sa jowa mo? Ilang taon na siyang bulag. Ikaw mukha kang mayaman, bakit hindi mo siya ipagamot para naman maalagaan niyo ang anak niyo!"

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon