Chapter 12:

2 0 0
                                    

"stop being silly woman" isang malamig na boses ang nagpahinto sa akin

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko habang natatakot na tumingin sa lalaking nasa harap ko

Malamig ang tingin nito sa akin, na mas malamig pa sa yelo

*Gulp*

'shit ano ba 'tong pinasok ko'

Animo'y ang paligid na hinahangaan ko kanina lang ay biglang naging tahimik ang paligid 

Tahimik na nakakabingi

Hindi mo gugustohin gumawa ng anumang ingay, dahil maling galaw mo lang maaari kang mapahamak

Naging sunod sunod ang pag lunok ko
pakiramdam ko isa pang lunok mauubusan na ko ng laway

Napatingin ako sa mata ng lalaking nasa harap ko biglang isang imahe ang pumasok sa isip ko hindi ito malinaw ngunit mabilis ring nawala

"Get up" maowtoridad na utos nito

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod

"What do you think your doing" malamig na sabi nito habang matalim na nakatingin sa akin

"Uh"

"did I allow you to speak?" bigla naman ako napatakip sa bibig ko sa sinabi nito

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba shit hindi ako pwede magbiro ngayon tindig pa lang ng lalaking nasa harap ko delikado na

Hindi ko dapat nararamdaman to, matapang akong babae, palaban hindi ako pwede masindak ng sino man, pero kakaiba siya

"Follow me" maowtoridad na utos nito wala naman akong nagawa kundi ang sumunod, dahil kung hindi ako sumunod maaaring katapusan ko na

Bigla naman bumalik sa pwesto ang mga men in black yung iba naman sumunod sa likuran naman

Nakarating kami sa isang malaking gintong pinto na binuksan ng dalawang men in black

Pagbukas bumungad sakin ang malaking dining table na puno ng palamuting ginto pati ang upuan nito

Shit yayamanin, mukhang aabutin ako ng ilang taon maafford lang ang ganito kalaking dining area, yung area lang ng dining di keri magkaron ng ganto kalaking dining area singlaki lang siya ng bahay namin

Yung plato nilang ginto hinding hindi ko maaafford

Ilang minuto ako napalibot ng tingin sa buong kwarto ng dining area hanggang sa sinenyasan ako ng isang men in black na umupo, itinulak naman niya ang upuan para sa akin

Nakita ko naman ang lalaki na maitim ang aura na naiinip na

Bigla naman pumasok ang sandamakmak na katulong at naghain ng masasarap na putahe ng pagkain

Biglang akong naglaway dahil amoy pa lang masarap na shit mukhang mapaparami ako ng kain

Pero nahihiya ako sa lalaking kanina pa nakatitig sa akin

Kanina ko pa siya napapansin na ganyan simula ng pagpasok dito sa dining area

*Pout*

May mali ba sa itsura ko

Shit! Oo nga pala hindi ako naghilamos nong nagising ako o nagtoothbrush man lang shit shit shit nakakahiya

Sana naman hindi ako mukhang bruha diba?

Napasulyap naman ako sa glass wine sa harap ko na sobrang kintab doon ko nasilayan ang mukha ko na maayos

Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala naman mali sa mukha ko

Hindi ko na lang pinansin ang pagtitig niya sa akin

Nagsimula na siyang kumain kaya kumain na rin ako kanina pa kaya kumukulo tiyan ko, naalala ko hindi pa ako kumakain simula kagabi dahil sa pag kidnapped sa akin

Naalala ko yung lalaking nakausap ko kaninang adonis, nakakapagtaka bat bigla na lang siya nawala akala ko siya makakasabay ko kumain itong singlamig ng yelo pala

Inaamin kung lamang ang kagwapuhan niya sa naunang lalaki na nakausap ko kanina ang pinagkaiba masama ugali niya yong kanina medyo ok pa

Sabihan ba naman ako ng 'did I allow you to speak?' neknek mo nakakainis kang lalaki ka pogi ka lang at mayaman pero sino ka para sabihan ako ng ganon? Arghhhh

Sa inis ko pinanggigilan ko ang karneng nasa plato ko, bigla ko naman napansin ang masamang titig ng demonyo—i mean ni mr. Dangerous

*Peace sign* at ngumiti ng peke





FAST FORWARD

NAndito na ulit ako sa kwarto kung saan ako galing kanina dinala ako pabalik ng men in black dito kanina after kumain

Naiinip ako wala naman akong ibang magawa kasi wala yong cellphone ko kaya hindi ko rin macocontact yung mga bestie kong haliparot

Habang nagmumuni muni sa kabuoan ng kwarto bigla na lang may pumasok na katulong at may dalang mamahaling kasuotan

"Pinaguutos po ng master na suotin mo raw po itong dress madame para sa party mamayang gabi" saad ng mukhang head ng katulong na nga 50 plus na ang edad

"Party?" Takang tanong ko "Para saan naman ang party at bakit kailangan kung dumalo doon?" Tanong ko sa head ng katulong

"Ipinaguutos po ito ng master madame" master? tinutukoy ba niyang master, yong nakasabay kong sa dining area kanina?

"Bakit naman ako pupunta sa ganoong party? Hindi ako nababagay doon malamang party lang yon ng mamayan, isa lang akong may scholarship na college student ibig sabihin mahirap." May pakabitter na huling sabi ko

"Ngunit utos po ito, kami po ang malalagot kapag tumanggi po kayong dumalo kasama siya sa party" may pangambang saad nito

Bigla naman ako natauhan sa sinabi nito, right! makapangyarihan ang lalaking yun at isa pa delikado siya
kaya posibleng isang utos lang niya sa men in black niya na parusahan ang mga kawawang katulong na to, hindi kakayanin ng konsensya ko


—————————————

To be Continued!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mafia Boss #1 Mafia's wife  (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon