Chapter 11:

6 0 0
                                    

Pababa na kami sa mahaba niyang hagdan na animo'y pang royal family

Ede sanaol

Nasa likod niya lang ako kasi mahahaba ang biyas ng paa niya di ako makasabay

Matangkad ako ah mahaba din biyas ko ang kaso mas matangkad siya

Sa tansiya ko siguro mga 6'5 ang height niya

Magandang lahian to hihihi

Napahinto ito ganun din ako

Bigla na lang namula ang mukha ko

Huminto siya dahil narinig niya ang paghagikgik ko

Nakakahiya buti na lang talaga hindi biniyayaan ang tao na makarinig ng iniisip hayyy

"Tsk,stop being silly, hurry up"nakakunot noo nitong sabi at nauna nang maglakad pababa

Ha? May nagawa ba akong mali?

Ano yon

Bakit ganun yon biglang nagbago ugali

Parang ewan kanina lang nag aalala ngayon haytts

Hinayaan ko na lang baka kasi may regla

Habang naglalakad kung saan saan dumadako ang mata ko

syempre sinong hindi, ikaw ba naman mabigyan ng pagkakataon makapasok sa bahay na parang pang royal family

Pansin ko lang ang daming base at mukhang mamahalin maganda ibenta nakawin ko kaya isa nito tas pwede na ko sumibat hihi pero syempre hindi ako tanga para gawin ang bagay na yon hindi pa ako handang mamatay ng maaga

Tsaka yong chandelier nila Wow ang laki ngayon lang ako nakakita nito sa buong buhay ko sa tv ko lang nakikita ang ganto kalaking chandelier

May nakita pa ako ng ibat ibang painting na nakasabit sa wall

Grabe iba talaga pag mayaman

Ako, kailan kaya ako yayaman?

Sana ganto din ang bahay ko ay mali, hindi bahay ang maitatawag dito Mansion pwede ding palace hihi

Siguro kung nakasuot lang ako ng yellow gown ngayon iisipin ko talaga na may naghihintay na halimaw sakin sa baba hihi

Sa kakulitan ng mata at isip ko hindi ko namalayan na nasa baba na pala ako

Buti walang halimaw, Kidding

Bigla akong napahinto nang makita ang mga men in black nakakalat sila dito sa baba

My ghad!

Dahil sa pagkabigla agad akong nagtago sa isang malaking base

At sa hindi inaasahang pangyayari

Aksidenteng kong natulak ito dahil sa taranta (⁠*⁠_⁠*⁠)

I'm doomed

Nagtakbuhan ang mga men in black kung nasaan nanggaling ang ingay syempre dito sakin yon

Patay talaga ako nito

Bigla ako napaluhod dahil sa panlalambot ng tuhod ko dahil sa takot na maagang pumanaw pinagdikit ko ang dalawang palad ko at pumikit dahil ayokong makita na bigla na lang nila akong putakan ng baril

Putukan?

Hehe

Dirty minded

Ang galing nagawa pa umisip ng kalukuhan sa bingit ng kamatayan

Hindi ba dapat ang gawin ko magdrama, magmakaawa na wag ako patayin pero ito ako ngayon tsk tsk tsk

Nahawa na talaga ako sa dalawang bruha na yon

Haytts ito na nga

Ok 3 2 1 action

"Waaaaahhh hindi ko po sinasadya patawarin niyo ko wag niyo ako papatayain huhuhu hindi pa ako handang mamatay" sabi ko na habang pinipilit umiiyak at pinagkikiskis ang dalawang palad

Tsk bakit ko nga ulit ginagawa to?

Para akong tanga

Kung nandito lang si rodcel makakarinig na naman ako ng OA galing sa kaniya

Di bali na para sa ikahahaba ng buhay ko lahat gagawin ko kahit magmukha pa akong tanga, pero wag naman palagi hehe

"stop being silly woman" isang malamig na boses ang nagpahinto sa akin

_______________________________________________

To be Continued!

Mafia Boss #1 Mafia's wife  (On-going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant