N/a:So yun nga guys medyo napahaba ang chapter na to kasi dito na magaganap ang kidnapping di ko na pinutol para di kayo medyo bitin hihi
Basta enjoy reading!
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Anji POV
Ilang araw na ang lumipas simula nong first day of school at sa ilang araw na iyon nalaman ko na hindi naman bully ang mga ka batch ko dahil hindi sila gaya ng mga high school na kung umasta ay isip bata
College na kami kaya naman matured na mag isip ang mga ka batch ko akala ko nga magiging bully sila sa gaya ko na mahirap lang at sa mga nerd but I'm wrong, actually meron pa ako naging kaibigan na anak mayaman ng business men akala ko nga matapubre pero mali na naman ako ika nga nila don't judge a book by it's cover
Compared sa mga high school, yeah kino-compared ko talaga sa high school life kasi naman that time na high school pa lang ako halos lahat ng classmates ko bully hindi gaya ko tahimik lang sa tabi tabi buti na lang di nila ako na try binully kung hindi nako nako madadala talaga kami sa guidance ng wala sa oras ayoko pa naman mag ka record ulit
kasi nung first time kong maguidance muntik na kong ma drop out dahil sa sinipa ko beklog ng classmate kong adik tas sinampal ko pa ng kaliwa't kanan, yon bakat, lakas pa naman non naiyak pa nga siya sa subrang sakit daw ng beklog niya, kapag daw siya nabaog babalikan niya ko at babalian ng buto
Eh?! Olol siya!! ako pa bumali sa buto niya e hmp
NANdito na kami ngayon sa Club at kasalukuyan akong nag se-serve ng order sa customer
Pagkatapos maibigay ang kanilang order umalis na din ako doon
At lumapit pa sa ibang customer ganun lang ginagawa ko sa buong magdamag
Sakto lang ang customer ngayon compared tuwing sabado't linggo kasi nga weekend tapos karamihan pa teenager ang customer
3 na ng madaling araw at wala ng customer naglilinis na lang kami ngayon
At sa tagal ng paglilinis namin natapos na din kami sa wakas
Nag unat unat pa ako ng katawan ko dahil sa ngalay kakapunas kanina sa mga lamesa
Aghh, bewang ko
"Ji palit ka na uwi na tayo" aniya ni jen
"Ah, sige sandali lang" sagot ko
Pumunta na ako sa locker ng staff at nagbihis na don
Pagkalipas ng ilang minuto
"Tagal mo ah" napataas naman ang kilay ko sa bungad sakin ni Rodcel paglabas ko ng Club dahil dito na nila ako hinintay sa labas, napahikab pa ito ng bahagya
Imbes na sagutin siya ng pabara di na lang ako nagsalita
Parang ngayon nagsisisi na ako, kung hindi dahil sa kahibangan ko hindi nila mararanasan to kung hindi dahil sa kagustuhan kong makapangasawa ng Mafia boss ngayong oras na to mahimbing na kaming natutulog at sigurado akong humihilik na si rodcel non, kasalanan ko to
'yan ji ang hilig mo kasi mangarap ng gising kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga at ang pinangarap mo pa talaga ay makapangasawa ng Mafia boss ede sana ginhawa ang nararamdaman niyo ngayon' pagsesermon ko sa sarili ko
Kaya naman napabuga na lang ako ng marahas
"Uh, uh, anyare sa mukha mo? Hm?"taas kilay na tanong ni rodcel
Kaya naman napatingin ako sakanya
"Haytts, alam ko na yang nasa isip mo, ano kaba wag ka mag alala samin, ok na ok lang kami dapat nga ang alalahanin mo ang sarili mo alalahanin mo kung ano ang pinunta mo dito, nandito lang kami kasama mo para suportahan ka dahil mahal ka namin, remember? Trio tayo na hindi pwedeng paghiwalayin ji kaibigan mo kami kasama mo sa lahat ng kalokohan"aniya ng may ngiti sa labi kaya hindi ko maiwasan mag init ang aking mata hanggang sa naging luha
"Aaa, group hug" sigaw ni jenny kaya naman nag group hug kaming tatlo
*Sob* patuloy ko sa pagiyak
"Wag na iyak baby ji namin, sige ka di ka na maganda tulad ko"pabirong saad ni jen kaya naman nahampas siya ni rodcel hanggang sa napunta sa tawanan ang kadramahan ko
Sumakay na rin kami ng jeep para makauwi at maya maya lang nakarating na kami kaya naman binaba na kami ng mamang driver sa kanto
"Nagugutom ako"saad ni jen
"Uhm ako din"dugtong naman ni rodcel
Pero naalala ko na wala kaming stock sa apartment
"Ah, bibili lang ako sa convenience store
ng noodles tipid tipid na muna tayo hihi,sige mauna na kayo susunod ako" saad ko sa dalawaNapatango naman sila dahil sa pagod na din naman sila
Kaya naman dumiretso nako sa malapit na convenience store
Nang malapit nako binilisan ko ang lakad ko at agad na pumasok
Naghanap hanap na ako ng noodles ng makita naalala ko na gusto ko nga pala ng maanghang kaya ayon ang binili ko bumili din ako ng hindi maanghang hindi kasi mahilig si jen sa maanghang kami lang kasi dalawa ni rodcel kumakain nito
Bumili na din ako ng maiinom oh sandali hindi alak wag kayo
Yogurt ang binili ko nag-c-crave kasi ako
Nang matapos magbayad sa cashier
Lumabas na din ako
Habang naglalakad naisipan kong uminom ng yogurt at maya maya lang napadaan ako sa madilim na iskinita
Medyo kinilabutan pa ako kasi sa dilim
Minsan dito tumatambay yung mga adik pero ngayon walang katao tao
'syempre malamang tulog na sila nagiisip kaba alaskwatro na noh, tanga kaba?' aba't gagong utak to
Imbes na mainis sa sarili kong utak nagpatuloy na lang ako mag lakad
Maya maya lang merong van sa likod ko kaya naman nakampante ako dahil may makakasabay nako........pero.........mukhang hindi ako pwedeng makampante ngayon
*gulp*
Dahil kanina lang sakto lang ang pagpapatakbo nila p-pero ngayon sa likod ko......oo sa likod ko mismo, bumagal ang takbo ng van na yun at alam ko na hindi tama ang nangyayari
Nagsimula na akong kabahan at the same time nagsisimula na din akong manginig dahil sa exciting charot......
Ay si gaga nagawa pang magbiro mamamatay na lang
Nang mapansin kong tumigil ang van na yun naisipan ko ng tumakbo p-pero huli na ko dahil bago pa man ako makatakbo hindi ko napansin na nasa likod ko na pala ang mga kidnapper
Waaahhh! MAMA!! AYOKO PANG MAMATAY SAYANG BEAUTY KO HINDI KO PA NAHAHANAP MAFIA HUSBAND KO
(ᗒᗩᗕ)"WUUYYY BITIWAN NIYO KO BAD GUYS KAYO!"
Pilit akong nagupumiglas pero kahit na anong gawin ko hindi ako makawala dahil sa malalaki ang mga katawan nila
hindi sila nakamaskara o ano mang pwedeng ipagtakip sa mukha pero kahit na ganun hindi ko pa din makita ang mukha nila dala na rin na nasa madilim kaming parte ng iskinita
Maya maya lang may inilagay silang panyo sa bibig ko pilit kong tinanggal iyon pero idiniin lang nila lalo pinilit kung hindi huminga upang hindi malanghap yun pero sadyang mahina ako sa ganyan kaya naman natigil ang pagpupumiglas ko at nakaramdam ako bigla ng antok
Gusto ko yun labanan pero wala na akong nagawa and everything went black-
______________________________________________
To be Continued!
![](https://img.wattpad.com/cover/322739097-288-k881029.jpg)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Mafia Boss #1 Mafia's wife (On-going)
AksiyonIsang babae na mahilig magbasa ng mga Mafia story sa wattpad na hinangad maging asawa ng isang Mafia boss kaya naman pumunta siya ng Manila kasama ang kanyang dalawang kaibigan at nagtrabaho sa Isang sikat na Bar Club Nagbabakasakaling makatagpo...