Chapter 13

3 3 0
                                    

Preparation for Foundation Day

Ayon na nga naging part na rin si Elisse ng aming club pati na rin ang kasama niyang si Spencer. Blessing in disguise nga sila dahil hindi na kami mahihirapan pa maghanap ng bagong member na dedicated talaga sa comics.

Noong una nga ay akala ko ay hindi sila matatanggap dahil sa big entrance nilang dalawa. Mabuti talaga ay mabait itong mga officer ng aming club bukod kay masungit na Noah.

Naikuwento na nga ni Elisse kung bakit hindi siya tumuloy sa pagsali sa taekwondo club. Ipinakilala niya na rin sa akin si Spencer na grade 11 student. 

Mabait itong si Spencer at siguradong mahilig talaga ito sa comics books. Halos nasasagot kasi nito ang mga tinanong ko tungkol sa comics.

Siguradong makakasundo ko rin ang isang ito. Medyo napansin ko nga lang na panay ang tingin nito kay Elisse. Mukhang may someting fishy dito kay Spencer.

Natatawa pa rin ako dahil sa mga suot nila nang sila ay dumating. Bagay pala kay Elisse ang ganitong outfit.

Kwento pa niya sa akin na nagawa niya lahat ng stunt at umayaw siya ng malaman na may girlfriend na ang crush niya na college students. Bigla na lang daw kasing dumating ang girlfriend nito habang pumipili ng members ang nobyo nito.

Inis na inis nga si Elisse dahil naghalikan pa ito sa kaniyang harap. Halos masuka nga raw ang bruha kong kaibigan.

Mabuti na nga lang daw at nakilala niya itong si Spencer na nag audition din sa club. Sakto nga raw ang message ko at nagdecide na siyang hindi tumuloy sa taekwondo club and sumama na rin sa kaniya si Spencer dahil mahilig ito sa comics.

At ayon na nga ang daming naganap kahapon and then ngayon araw naman ay preparation para sa booth ng club namin.

Magkasama nga kami ni Elisse na nagpunta sa main hall ng school doon kasi itatayo ang iba't-ibang booth.

Provided naman ng school ang mga tent and ibang pang mga gamit na gagamitin for design ng booth. Napag-usapan namin kahapon na ang main theme namin ay parang coffee shop and syempre di mawawala ang comics style.

Nakasuot daw ang mga girls ng maid costume at butler naman para sa boys. Medyo awkward nga lang dahil medyo may kaiklian ang skirt na pili ng officer.

Mabuti na nga lang at sa preparation ako na-assign at hindi ako haharap sa ibang students. Si Elisse naman ay sa counter na assign kasama nito si Spencer.

Hindi ko pa alam kung sino ang makakasama ko sa preparation. Undecided pa kasi last time noong nagmeeting kami.

Dumating na kami ni Elisse sa mismomg tent namin. Nasimulan na pala ng mga boys ang pagtayo ng mga tents.

“Good morning, guys!” Bati namin dalawa ni Elisse sa mga kasamahan namin sa club.

Napatingin naman ako kay Fin at ngumiti naman si Finn na busy nagtatayo ng mga tent. Pawisan na nga ito dahil sa kanilang ginagawa.

“Pres. magpahinga ka naman muna, kanina kapa diyan at hindi ka pa kumakain.”saad ni Kristine na isa sa mga officer ng club.

Bigla naman ako naawa kay Finn, halata na rin kasi sa mukha nito ang pagod.

“Okay lang ako.” sagot naman ni Finn at patuloy pa rin sa pag ngiti at sa kaniyang ginagawa.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpaalam muna kay Elisse. Nagpunta muna ako sa cafeteria at kumuha ng pagkain para sa buong club.

Libre kasi ang foods ngayon hanggamg sumapit ang foundation day. Mukha kasing hindi pa kumakain  ang lahat dahil sa busy sa kanilang mga ginagawa.

Syempre mas maganda na may laman ang tiyan habang nagtatrabaho. Kumuha lang ako ng egg sandwich at water.

Buhat buhat ko ang mga kinuha kong foods at nakangiting bumalik sa aming pwesto.

Medyo may kabigatan din ito dahil 20 pieces of water and sandwich ito. Okay lang naman sa akin dahil sanay naman akong magbuhat ng mabigat tuwing namamalengke kami ni mama.

Tanaw ko na ang tent namin, kitang-kita ko ang sipag ng bawat members ng aming club. Lahat kasi sila ay kumikilos na at gumagawa ng props para sa ikagaganda ng aming booth.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila at inalapag sa table ang pagkain at drinks.

“Wow, mabuti na lang talaga at kumuha ka ng foods Lei.” saad ni Kristine.

Iniabot ko naman sa kanila ang sandwich at water. Tuwang-tuwa nga sila dahil muntik na raw nilang malimutan ang kumain.

Super thankful nga sila at naisipan kong kumuha ng pagkain para sa buong team.

“The best ka talaga friend!” bulong naman sa akin ni Elisse.

Tumigil muna sila sandali at nagsimula ng kumain. Sunod ko naman na inabutan si Noah na busy din sa pagtatayo ng tent.

“Hey, Noah. Break time muna.”  Nginitian ko ito at inabot ang sandwich at water.

“Thanks.” Tipid na saad nito at kinuha sa kamay ko ang pagkain. Umupo na rin ito at nagpahinga.

Nilapitan ko na rin si Finn na walang tigil pa rin sa kaniyang ginagawa. Napailing na lang ako at inaya na ito na tumigil muna kahit sandali.

Nabigyan ko naman na lahat at dalawang sandwich at water na lang ang natira which is para kay Finn and sa'kin.

“Pres. Magpahinga ka muna. Sumabay ka na sa amin kumain.”

Napalingon ito sa akin at muli nanaman ngumiti. Tinanggal niya naman ang kaniyang salamin at kitang-kita ko ang pagtulo ng kaniyang pawis patungo sa kaniyang pisngi. Bakit ang hot niya naman tignan kahit pawisan.

Napailing na lang ako sa aking naisip. Lumapit na siya sa akin at kinuha ang kaniyang parte.

“Thank you, Lei.”

“No worries, Pres.”

Tumawa naman ito, “Huwag mo na akong tawigin na Pres. naiilang ako.” Pag-amin naman nito.

Umupo naman ito sa sahig at nagsimula ng kumain. Umupo na lang din ako sa tabi nito at nagsimula na rin kumain. Paminsan-minsan ay nag-uusap kami ni Finn na halos kadalasan ay tungkol sa club.

Tahimik nga lang akong nakikinig sa kaniya at mas nakikilala ko pa siya lalo.

Super dedicated siya sa kaniyang ginagawa and super talino rin pala nitong si Finn.

Nang matapos na ito sa pagkain ay nagpaalam na ito na muli ng babalik sa kaniyang ginagawa.

Naiwan naman akong mag-isa at napahawak na lang ako sa aking dibdib. Bumibilis nanaman kasi itong tibok ng abnormal kong puso.

Age GapWhere stories live. Discover now