Chapter 11

4 3 0
                                    

“Foundation day”

Nakasulat sa aming blackboard, malapit na kasi ang foundation day ng school.

Excited na excited nga itong si Elisse, samantalang ako may problema dahil wala pa akong nasasalihan na club. Pinipilit nga ako ni Elisse na taekwondo club daw kami sumali dahil nandoon ang crush niya na college student.

Dahil nga foundation day ay magkakasama ang buong year level mapa-highschool 'man, senior highschool or college level. Ito nga halos ang hinihintay ng mga highschool students para makita ang mga crush nilang senior highschool or college students.

Ang cringe naman talaga, paano naman kaming mga walang crush. Tatlong araw na lang ay foundation day na, at ngayon araw ay wala kaming klase upang maghanap ng masasalihan na club. And, bukas naman ay preparations for designing different booths.

Hay naku, for sure may mga marriage booth nanaman. Napailing na lang ako, hindi ko talaga gusto ang mga ganitong celebration ng school.

Ngayon naglalakad kami ni Elisse para maghanap ng masasalihan, pero itong si Elisse ay desidido na ata taekwondo club na talaga siya sasali. Naku, goodluck na lang talaga sa kaniya. Ayoko nga sumali doon at baka mabalian pa ako ng buto.

“Ano ba Lei, wala ka pa rin bang napipili? Napapagod na ko paikot-ikot.” Pagmamaktol pa ni Elisse at tumigil na ito sa paglalakad.

Inirapan ko na lang siya at hinila pa ulit siya para makalibot na ulit kami. Bakit ba kasi ang boring at ang hihirap ng booth na naisip ng mga highschool students.

Hindi pa naman kami dumadalaw ni Elisse sa ibang mga club sa senior high and college building. Kanina pa nga ako niyaya nito ni Elisse at siguradong gusto lang makakita ng mga gwapong college boys.

“Halika na kasi, Lei. Punta na tayo sa college building,” parang bata ang naging arte nito ni Elisse. Pinagtitinginan tuloy kaming dalawa.

“Sige na nga ang kulit mo talaga.” Umarte akong kinurot ito sa kaniyang tagiliran.

“Yehey!”Sigaw pa nitong kaibigan ko na halatang excited na excited.

Wala na atang makakapagpabago pa ng isip nito na sumali sa taekwondo club. Wala naman akong choice kundi pumili ng ibang club na pasok sa taste ko at para kahit papaano ay mag-enjoy ako.

Sa sobrang excited nitong si Elisse ay halos kaladkarin na ako nito papunta sa College building.

Nang nasa building na kami ng college ay maraming mga highschool students ang nandito. Napailing na lang ako dahil mukhang lalangawin ang mga booth sa building namin.

Halos puro mga babae rin ang nandito, siguro ay hinahanap din ang kanilang mga crush na college students.

Nadaanan na namin ang taekwondo club, at itong si Elisse ay agad binitawan ang kamay ko at nagmamadali na pumila.

“Seriously, Elisse!” Napairap na lang ako at habang siya ay nginitian na lang ako na abot tenga.

Hinayaan ko na lang muna si Elisse na magparegister sa taekwondo club habang naglilibot naman ako. Sa unang floor ay wala akong nagustuhan na salihan.

Nagpunta na ako sa second floor at mas nagulat ako sa dami ng tao. Halos puro kababaihan nga ang nandito.

Nacurious naman ako bigla at nakipagsiksikan sa mga bulto ng studyante.

Nanlaki ang mata ko sa nakita na nakasulat sa lamesa. Ito na ata ang sasalihan ko na club.

It is a Comic Club.

“Hey, Lei.” pagtawag sa akin ng pamilyar na tinig.

Nang iangat ko ang aking tingin ay bigla nanaman bumilis itong tibok ng puso ko.

Abnormal na naman itong puso ko sa tuwing nakikita ang lalaking ito. Kusa na nga lang akong napangiti.

It was Finn.

Sinalubong niya rin ako ng ngiti at may hawak pa itong mga form para sa mga new members ng club.

Mukhang mag-eenjoy ako sa darating na foundation day.

“Are you interested in joining our club?” Tanong nito at hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.

Wala ulit itong suot na salamin. Aabutan na sana ako nito ng form ng biglang dumating ang kasama niya at tinawag siya dahil may kailangan daw itong gawin.

May isa naman na lumabas ulit at may hawak din na mga form at mamimigay sa mga students. Nawala naman ang ngiti ko ng makita kung sino ito.

Ito lang naman ang masungit na pinsan ni Finn. Hindi nga ito ngumingiti sa ibang tao.

Napatingin naman ako sa mga babaeng student na kinikilig pa kapag naabutan ng form nitong si Noah. Hindi naman ako makapaniwala, hindi nga sila nito nginingitian pero kinikilig na agad sila. Ang babaw ha!

Bumalik na lang ako sa dulo para pumila, pinagtutulakan na rin kasi ako kanina at masama na ang tingin sa akin ng ibang mga students.

Hindi naman ako sisingit no, nakikitingin lang naman ako kung ano ba ang club na ito. Mabuti na lang pala  at nagpunta kami dito ni Elisse.

Sakto na sakto kasi sa taste ko itong club. Akalain mo may ganitong club pala ang school, kung alam ko lang dumiretso na agad ako dito at hindi na napagod sa paglalakad.

Mabilis naman umuusad ang pila at ang ibang may mga form na ay agad din naman nilang sinasagutan. Narinig ko pa nga ang mga pinag-uusapan ng iba.

“Sumali lang naman ako dahil ang gwapo ni Noah.”

“Hinanap ko nga si Noah sa buong building ng SeniorHigh pero wala siya doon at dito ako tinuro ng mga kaklase niya.”

Marami pa lang fans itong si Noah. Halos lahat ata ng narinig ko dahil gusto nila makita si Noah, kung tutuusin mas gwapo naman si Finn.

“Ang gwapo talaga nila Noah and Lake.”

“Mas gwapo kaya si Lake at matalino pa.” komento naman ng isa.

Kaya pala maraming tao dito dahil gwapo ang mga members. Ano pa bang aasahan sa mga Icasiano students.

Mabuti na lang ako sasali sa club dahil mahilig talaga ako sa comics. Kahit may screening pa ito ay sigurado akong maipapasa ko ito. Syempre ako pa ba.

Napangiti na lang ako dahil malapit na ako sa harapan.

And then ito na ang moment nasa harapan na ako ni Noah at nakalahad na ang kamay. Nang tumingin ito sa akin ay nginitian ko na lang siya at wala naman reaction ito, naka poker face lang ito.

Unti-unti tuloy nawala ang ngiti ko. Napansin ko na wala na rin pala siyang hawak na form.

Hindi naman ako nito pinansin at tinalikuran na lang ako bigla.


“Hey, Noah. Wala na available form?”

Tinignan lang ako nito at umalis. Napanganga na lang ako dahil sa pagiging snobbish nitong si Noah. Mabuti na lang si Finn ay hindi kaugali ng kaniyang pinsan.

Age GapWhere stories live. Discover now