Chapter 5

14 3 0
                                    

Nagstay muna kami sandali ni Elisse sa shop ni Kuya Ed. Pinagalitan pa nga  kami nito dahil sa nangyari kanina. Naiintindihan naman namin ito dahil naging istorbo naman talaga kami kanina.

Nang naka receive si Elisse ng message ay agad na rin kaming nagpaalan kay kuya Ed.

“Kuya Ed, aalis na kami. Sa susunod kuya Ed ireserved mo na kami ng Two worlds ha.” Demand naman nitong si Elisse. Napailing-iling na lang si Kuya Ed at isinenyas na umalis na kaming dalawa.

Tumango at yumuko na lang ako kay Kuya Ed para magpaalam.

Nang makalabas na kami ng shop ni Elisse ay napagdesisyunan na lang namin na maglakad pag-uwi.

Napabili na rin kami ice cream at parehong ube flavor ang aming napili. We both love ube flavor. Every foods na may ube ay mapapabili talaga kaming dalawa.

Naalala ko pa nga noong may bagong bukas na bakery malapit sa school ay agad namin itong dinayo ni Elisse. Nabalitaan kasi namin na nagtitinda ang bakery na ito ng ube bread and cake.

Kapag nakakakain kami ay mas tumataas ang energy naming dalawa. Tulad na lang ngayon, patalon-talon pa itong si Elisse habang naglalakad.

Pinagtitinginan na  nga kami ng iba dahil sa ginagawa ni Elisse. Hindi ko na lang  ito sinaway pa, naka focus lang kasi ako sa kinakain kong ice cream.

Ilang sandali lang din ay naghiwalay na kami ng daan ni Elisse. Nagpaalam lang kami sa isa't-isa bago kami naghiwalay ng landas.

Ilang minuto pa bago ako nakarating sa aming bahay. Nang makapasok ako sa bahay ay agad kong nakita si mama na nagluluto sa kusina.

“Hello, ma. Anong niluluto mo?”

“Andito kana pala, Lei. Nagluto lang ako ng sinigang na paborito mo.” Malapad niya akong nginitian at mabilis din naman niya intinuon ang paningin niya sa kaniyang niluluto.

Napangiti na lang ako at nagmamadaling umakyat patungo sa aking kwarto. Pabagsak kong inilapag sa aking kama ang aking bag. Nagmamadali akong naghanap sa aking closet ng damit na aking isusuot.

Kumuha lang ako ng isang simpleng terno at nagtungo na sa bathroom sa loob ng aking kwarto. Sandali lang akong naglinis ng aking katawan at nagbihis.

Nang makalabas na ako ng bathroom ay agad ko rin iniligpit ang aking gamit sa paaralan. Inilagay ko ang aking bag sa isang bakanteng cabinet.

Napagpasiyahan ko na hindi muna agad bumaba. Sigurado kasi ako na hindi pa tapos magluto si mama. Inihagis ko ang aking katawan sa aking kama, nararamdaman ko naman ang lambot nito sa aking likuran.

Mabuti na lang at walang mga assignment na iniwan ang aming mga guro. Makakapagpahinga ako the whole weekend at excited na akong mabasa ang Two Worlds.

Sisiguraduhin ko sa susunod na labas ng update nila ay mauuna na akong makakapunta sa shop ni Kuya Ed.

Nakatingala lang ako sa kisame nang maalala ko ang binigay na papel ng lalaki kanina. Napabalikwas ako ng tayo at nagmamadaling pumasok sa aking bathroom.

Agad kong hinanap ang papel sa bulsa ng aking skirt. Napangiti na lang ako ng makita ang maliit na papel na may nakasulat na address.

Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto ko na nakalimutan ko palang itanong ang pangalan noong lalaki kanina.

Nagmamadali akong lumabas at agad kong kinuha ang aking cellphone. Agad kong tinawagan si Elisse, mabilis din naman nitong sinagot ang tawag.

“Hello, friend. Nakalimutan ko atang itanong ang pangalan ni kuya stranger,” sabi ko sa aking kaibigan na nasa kabilang linya.

“Napatawag ka dahil doon? Jusko! Alam mo ba friend na natutulog na ako! Ayos lang 'yan. nasaiyo naman yung address ng bahay! Sige na bye na.” Binaba na nito ang tawag at hindi na ako hinayaang na makapagsalita pa.

Napairap na lang ako at inilapag na lang  sa lamesa ang aking cellphone. Napanguso na lang ako na itinabi ang maliit na papel at bumalik na sa pagkakahiga.

Dahil sa pagkakainip ay hindi ko na napansin na nakaidlip na pala ako sandali.

Napadilat naman ako ng marinig ko ang pagtawag ni mama sa pangalan ko. Napabangon na lang din ako at nag-inat.

“Lei, dinner's all set. Bumaba kana para makakain na tayo.”

Napangiti na lang din ako at nagmamadali na rin sa pagbaba. Nakita ko naman na kumpleto na sila na nakaupo. Nagkatinginan pa kami ng bunso kong kapatid, hindi naman namin maiwasan ang mag-asaran. Napailing na lang si mama sa inakto naming dalawa.

Bago ako maupo ay nagmano muna ako kay papa na busy pa rin na nakatingin sa kaniyang cellphone. Ang trabaho kasi ni papa ay sa insurance kaya madalas itong may kausap na clients kahit nasa bahay na ito.

Ang bunso ko naman na kapatid na si Blaze ay 13 years old pa lamang, madalas kaming hindi magkasundo nito. Sobrang kulit kasi nito at malakas mang-asar. Madalas talagang uminit ang ulo ko sa kaniya. Nakakapagtaka nga na mas close pa silang dalawa ni Elisse kaysa sa akin na kapatid niya.

“Hoy, panget.” Pang-aasar nanaman nito sa akin.

“Watch your mouth, Blaze!” Pagsaway naman ni mama dito sa kapatid kong sutil. Napasimangot naman itong si Blaze at tinignan ako ng masama. Pinalakihan ko lang siya ng mata at itinuro na kumain na lang siya.

Nang magsimula na kaming magdasal bago kumain ay tumigil na rin si Blaze sa pangungulit, isinantabi na rin ni papa ang kaniyang cellphone. Nang matapos na ang kinagawian na pagdadasal namin bago kumain ay excited naman akong sumandok ng maraming kanin at agad kong sinalinan ng maraming sabaw ng sigang ang aking plato.

Naisip ko na para na nga itong sabaw na may konting kanin. Napangiti na lang ako sa aking naisip. Tahimik lang akong kumain. Ninanamnam ko kasi ang sarap ng niluto na sigang ni mama. Ito talaga ang comfort food ko.

Nakatatlong balik nga ata ako ng sandok ng kanin. Natatawa na nga lang si mama sa tuwing sumasandok ako ulit ng kanin. Hindi niyo naman ako masisisi dahil sobrang sarap talaga ng sigang.

Nakangiwi naman akong tinitignan ni Blaze. Inirapan ko na lang ito at hindi na pinansin pa. Nauna naman matapos sa pagkain si papa at nagtungo na agad sa sala at nagpatuloy na ulit sa pagtatrabaho.

Nang matapos naman na kumain si Blaze ay nagtungo na rin ito sa sala at nanood ng tv. Naiwan naman kaming dalawa ni mama sa hapagkainan.

Tinulungan ko si mama na magligpit ng mga pinggan na pinagkainan namin. Nagdecide na rin ako na ang maghugas ng marumi naming mga pinagkainan. Hindi naman na tumanggi si mama at nagpatuloy naman ito sa ibang mga gawaing bahay.

Pakanta-kanta pa nga ako habang naghuhugas ng hugasin. Right now, I'm in a good mood.

Nang matapos ko ang paghuhugas ng pinggan ay nagpaalam na rin ako kay mama na babalik na ako sa aking kwarto. Tumango na lang ito at magpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Nakabalik na ako sa aking kwarto at agad kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa aking table. I look to see if Elisse has sent me any messages. Pinatay ko na lang ulit ang aking phone ng makita ko na wala naman akong natanggap na message.

Napabuntong hininga na lang ako at muli na lang napahiga sa aking kama. Nakatingin lang ako sa kisame at wala akong ibang magawa, hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Age GapWhere stories live. Discover now