Chapter 8

5 3 0
                                    

Nang makauwi ako ay agad akong nag diretso sa kusina ng aming bahay. Naabutan ko pa si mama na nagluluto.

“Nakabalik kana pala, Lei. Kumusta ang lakad mo?”

“Okay lang po, mama. Nakuha ko na po itong book.” Sabay pakita ko kay mama ng Two Worlds book. Ngumiti na lang ito at tinanguhan ako ni mama.

Agad naman ako kumuha ng bowl at kumuha ng maraming chips. Binuksan ko ang mga ito at isinalin ko sa bowl. Masarap kasi kumain habang nagbabasa. 

Kumuha na rin ako ng aking maiinom. Nagready ako ng tumbler at nilagyan ko ito ng yelo at isinalin ko na ang soft drinks. Naeexcite na talaga akong magbasa.

Nilagay ko ang bowl of junk foods and tumbler na may laman soft drinks sa isang tray. 

Nang maayos na ang lahat ay nagpaalam na ako kay mama na aakyat na muna ako dala ko na rin ang mga snacks.

Pinagalitan pa nga ako ni mama dahil sobrang hilig ko raw sa mga junk foods and salty foods. Ngumiti na lang ako at nagmadali na sa pag-akyat.

Nang makapasok ako sa aking kwarto ay nilock ko ito. Ayaw ko kasi munang magpaistorbo hanggang hindi ko pa natatapos basahin ang libro. Sanay naman sila mama na kapag naglock ako ng pinto, ibigsabihin ay ayaw kong magpaistorbo sa aking ginagawa.

Nilapag ko na ang tray sa aking kama at agad naman akong sumalampak sa kama. Agad kong nilabas ang libro na nakalagay sa aking bag.

Kilig na kilig ko pa na niyakap ang libro. Sana maganda ang bago nilang labas na volume kung hindi ay hindi ko na susuportahan pa ang mga susunod nila na ilalabas na volume.

Napagdesisyunan ko naman na mag-palit muna ng damit para maayos akong makakilos. Nagmamadali ako nagbihis ng simpleng shirt at maong shorts.

Nang makabalik na ako sa aking kama ay tinitigan ko ang libro, napakaganda ng pabalat nito. Book cover pa lang sigurado na akong maganda ang bago nilang update.

Nagsimula ko ng buksan ang libro at nagsimula na ako itong basahin. Kumakain na rin ako ng chips habang nag-eenjoy sa aking pagbabasa.

Unang mga pahina pa lang ay sobra ng nakakakilig ang mg eksena sa Two Worlds. Sigurado ako sa susunod na volume ay ako na talaga ang mauuna. Kung pwede lang lumiban sa klase ay siguradong liliban ako para mauna lang sa pila.

Nakakalahati na ako ng nababasa at napansin ko naman na naubos ko na pala ang chips. Uminom ako ng soft drinks at tumigil muna ako sa pagbabasa.

Balak ko kasi na kumuha ulit ng chips. Inilapag ko muna ang libro at minarkahan kung saan ako tumigil ng pagbabasa.

Dahan-dahan pa nga akong lumabas kasi baka mapagalitan nanaman ako ni mama. I don't have extra time for that, I need to finished that book asap. Mabuti na lang at wala na si mama sa kusina, nagdiretso na ako sa lagayan namin ng mga chips at kumuha lang ako ng dalawang bag.

Paborito ko kasi ang nachos chips. Dahan-dahan din ako sa pag-akyat. Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay agad ko itong isinara. Mabuti na lang at hindi ako nakita ni mama kundi siguradong masesermonan nanaman ako.

Umupo na agad ako sa aking kama, binuksan ako ang bag of chips and sinalin ito sa bowl. May drinks pa naman ako kung kaya't 'di na ako nag-abala pang kumuha.

Mabuti na lang talaga at nakapamili na si mama at may imbak na kaming mga chips. Medyo may kalayuan kasi ang mga tindahan dito sa amin.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagbabasa at pagkain. Napapangiti na lang ako sa mga kaganapan aa aking binabasa. Kinikilig kasi ako sa mga eksena. Mabuti na lang at mabait ang unang nakakuha ng bagong volume na ito at ibinigay na ito agad sa akin. Kadalasan kasi ay tatlong araw o higit pa ang hihintayin kapag may iba ng nakapag rent ng books.

Diretso lang ako sa pagbasa at pagkain. Ilang oras pa ang nakalipas ay narinig ko na ang pagtawag ni mama sa akin upang mag tanghalian.

“Lei, kakain na. Bababa kana ba o pagtitirahan na lang kita ng pagkain?”

“Ma, mauna na po kayo. Tirahan niyo na lang po ako ng ulam.”

“Okay. Bumaba kana agad diyan kapag natapos mo na ang ginagawa mo. Huwag ka masiyadong magtagal diyan,” saad ni mama at narinig ko na ang mga yabag ng paa nito papalayo.

Balik nanaman ang focus ko sa aking binabasa.  Ilang pahina na lang ay matatapos na ang volume na ito. Naubos ko na ulit ang chips at itinuon na lang ang aking atensyon sa binabasa.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa mga sumunod na pangyayari sa libro na ito. Nakakainis naman hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

Nasa huling pahina na ako ng Volume ng Two World. Galit ko naman ito ibinato ng matapos ko na itong basahin. Napakawalang saysay ng ending ng volume na ito. Nakakapang-init ng ulo ang update nila.

Naiinis ko naman pinulot pa rin ang libro at nilagay sa bag. Naiinis man ay kailangan ko pa rin ito ibalik sa shop.

Nag message naman ako kay Elisse na daanan niya na lang dito ang libro. Mabilis naman itong nag reply. Naeexcite na nga raw siyang basahin ito. Ayoko naman sabihin ang nangyari sa volume na ito dahil masisira ang excitement niya.

Nakakainis isa pa naman sa mga paborito naming character ang pinatay ng author. Nakakabanas naman talaga. Nawalan na tuloy ako ng gana na kumain.

Iniligpit ko na lang ang mga pinagkainan ko at inilapag na muna ito sa aking study table.

Napahiga na lang ako sa kama. Nakakawalang gana ang kumilos, bakit naman kasi pinatay po si Riujin. Inlove na inlove na ako sa character niya.

Paano ko na lang babasahin ang sunod na volume ng Two Worlds na ngayon wala na si Riujin. Sobrang nakakalungkot naman ito. Mag-iiwan talaga ako ng comment sa official website ng Two Worlds.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at sinimulan hanapin ang official website ng Two Worlds.

Nakita ko na marami nga ang nagreklamo sa bagong labas na volume ng Two World. Meron pa nga isang user na ang pangalan ay IamRiu ang nagpahayag ng inis sa pagkamatay ni Riujin sa kwento.

Nakasimangot lang ako at binabasa ang mga comment ng iba na ayos lang naman na mawala raw si Riu. Agad akong nagtipa sa aking cellphone at ni-replyan ang ibang mga comments na dapat na raw alisin si Riu sa kwento, ipinaliwanag ko sa kanila kung gaano ka importante ang role ni Riu sa kwento. Nag-iwan na rin ako ng comment na puno ng hinanakit.

Nang mapagod na ako sa pag comment ay pinatay ko na lang ang aking cellphone.

Sinira ng author ang araw ko. Hindi ko tuloy alam kung susubaybayan ko pa ang kwento na ito.


















Itutuloy...

-Artasia_Aquila💓

Age GapWhere stories live. Discover now