Chapter 10

3 3 0
                                    

It's Monday again.

Maaga akong nagising at naghanda na para pumasok sa aming school. Monday na monday ay nakakaramdam ako ng tamad. Buong araw ko kahapon ay nag-usap lang kami ni Elisse sa hinanakit namin sa pagkawala ni Riujin.

Agad niya nga naibalik sa shop ang libro dahil sa kaniyang inis at nagdiretso siyang pumunta rito sa aming bahay. Gabi na rin ito nakauwi sa kanilang bahay, kung hindi pa siya tinawagan ni tita ay hindi pa ito uuwi.

Nanood lang kami ng movies kaya lang hindi namin maiwasan na pag-usapan ang Two Worlds kaya tumigil na lang din kami na manood.

Nagbihis na agad ako ng school uniform tapos kong makaligo. Naabutan ko pa nga si mama na gumagawa ng sandwich para sa aking baon.

Wala naman ako sa mood magbaon, siguradong si Elisse lang ang kakain ng sandwich na gawa ni mama.

Agad ko naman nilagay sa tupperware ang sandwich na gawa ni mama. Maaga pa naman at siguradong hindi naman ako mahuhuli sa klase. Hindi ko nga lang alam bakit ako ngayon ay sobrang nagmamadali.

Nagpaalam muna ako kay mama at humalik ako sa noo nito bago ako tuluyang umalis.

“Mag-ingat ka anak.” Inayos pa nito ang suot ko na uniform. “Mag-text ka kapag pauwi kana.”

Tumango na lang ako at dinampot ang sandwich. Nagmamadali na rin na akong lumabas ng bahay. Isinuksok ko na rin ang sandwich sa loob ng aking bag.

Sandali akong tumigil at kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa. Agad ako nagtype ng message for Elisse.

“Elisse, papunta ka na ba ng school?” pang-uusisa ko sa aking kaibigan.

Ilang minuto lang ay bigla na lang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang mensahe ni Elisse. Napairap na lang ako sa aking mga nabasa.

“Ang aga pa kaya Lei syempre kakagising ko pa lang.”

Hindi ko na siya sinagot pa at itinago na lang muli sa aking bulsa ang aking cellphone.

Dahil maaga pa naman ay napagdesisyunan ko na lang ang mag lakad. Exercise na rin 'yun at makakatipid pa ako.

Nagsimula na  akong maglakad-lakad. Ang boring naman kapag mag-isa lang naglalakad. Nakakainis naman kasi si Elisse sana magkasabay kami ngayon na maagang papasok.

Lakad lang ako nang lakad ng bigla kong maalala ang nangyari noong nakaraan gabi sa convenience store.

Bigla na lang kasi nagka-abnormal heartbeat itong puso ko dahil lang sa mga simpleng salita na sinabi ni Finn. Halos hindi nga ako nakatulog ng maayos noong araw na iyon.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga nangyari. Mabuti na lang at malapit na ako makarating sa school.

Nanlaki naman ang mata ko ng bigla na lang may tumapik sa aking balikat. Nahampas ko pa nga ang taong nang gulat sa akin.

Nagulat ako ng makilala kung sino ito...

And that was Finn. 

Sumabay ito sa paglalakad at umakto pa ito na parang nasaktan sa hampas ko. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya at agad humingi ng paumanhin.

“Sorry talaga Finn, hindi ko naman sinasadiya. Ikaw kasi e!” Paninisi ko pa dito. Napatawa na lang kaming dalawa.

Akalain mo 'yon makakasabay ko pala siya ngayon, kanina lang ay iniisip ko lang siya. Napaka-aga naman pala rin nito na pumasok.

“Ang aga mo palang pumapasok,” he said.

Napailing naman ako at tumawa nang tumawa. Ngayon lang kasi ako napaaga ng pasok. Palagi kaya kaming late ni Elisse, madalas din kasi kaming maghintayan nito. Nakakainis din kasing makisama sa mga kaklase namin mga kulang sa bakuna.

“Ngayon lang 'to! Bigla na lang kasi ako maaga nagising, kaya maaga na rin akong pumasok.” I smiled again and continue to walk. “Baka destiny na makasabay kita,” hirit ko pa.

Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi kong iyon. Palihim ko naman kinagat ang aking labi, napagtanto ko na ang corny pala ng sinabi ko.

Naiilang na lang akong napangiti na parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.

“I'm glad na nakasabay kita ngayon. See you again, Lei,” saad nito. 

Nasa tapat na pala kami ng gate at hindi ko man lang ito napansin. Puro kalokohan kasi ang laman nitong utak ko. 

I just smiled and wave my hand. Umalis na rin ito at nagtungo na sa kanilang building. Sobrang bait talaga nitong si Finn, napaka-friendly niya talaga.

Ito nanaman yung abnormal heartbeat ng puso ko, may sakit na nga ata talaga ako.

Nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad patungo naman sa aming building. Unti-unti na rin bumalik sa normal ang bilis ng puso ko kaya napakalma ko na rin ang aking sarili.

Hindi ko na lang pinansin pa ang abnormal heartbeat at nagtungo na sa aming classroom.

Nang makapasok ako ay may iilan ng tao ang nasa loob ng aming classroom. Nagtungo na ako agad sa aking upuan.

Pabalagbag kong inilapag ang aking bag at pabagsak akong umupo. Nakakainis nakakapagod pala ang maglakad, parang bigla tuloy ako nakaramdam ng antok.

Inihimlay ko muna ang ulo ko sa lamesa ng aking upuan. Ang tagal naman dumating ni Elisse. 

Kinuha ko naman ang phone ko at tinignan  ang website ng Two Worlds. Marami pa rin ang mga nagcomment tungkol sa pagkawala ng paborito namin na character.

Napukaw nanaman ang atensiyon ko ng user na may username na IAmRiu dahil sa mga hateful comments nito sa naging ending ng bagong volume ng Two Worlds.

Napangiti na lang ako sa mga comments nito. Naisip ko na hanapin ito sa ibang mga social media platform. Nagsimula ako maghanap sa Instagram, akalain mo may lumabas na ganoong username. Nasiguro ko naman na ito rin yung nagpopost ng comments dahil sa profile picture nito.

Para nga itong pamilyar kaya lang hindi ako sigurado dahil nakasuot kasi ito ng facemask and hoodie.


Pinindot ko muna ang follow button at iexplore ko na sana ang account nito ng bigla na lang may sumagi sa upuan ko kung kaya't nahulog ang hawak kong phone. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang kapirasong basag sa screen ng phone ko.

Natataranta kong pinulot ang aking phone at hinarap kung sino man ang sumanggi sa aking upuan.

Sa lakas ng pagkakasanggi nito ay halata na sinandiya ito.


Napasimangot na lang ako ng makita ang nakakainis na mukha ni Stella. Namumutok pa ang nguso nito dahil sa sobrang pula ng lipstick nito.

Nakakasawang tignan ang malditang mukha nito. Nakataas pa ang kilay nito habang nakatingin sa akin habang nasa likod niya ang dalawa niyang alipores.

Hindi ko na lang siya pinansin pa at naupo na lang ulit sa aking upuan. Ayoko na lang siyang patulan, ayaw ko naman na masira pa ang araw ko dahil lang sa kalokohan nitong si Stella.

Itinago ko na lang sa bag ko ang aking cellphone, mabuti naman at maliit lang ang basag at mabuti na lang at may screen protector.

Kung nabasag talaga ay baka basagin ko rin ang mukha ni Stella.

Hindi pa tumigil si Stella at sinipa ang  upuan ko bago magtungo sa kaniyang upuan. Sinamaan pa nga ako nito ng tingin na parang mas nang aasar.

Mas nagulat pa ako ng makigaya sa kaniya ang mga alipores niya sa pagsipa sa aking upuan. Napapikit na lang ako sa inis.

Halos ma-alog ang utak ko dahil sa trip nila. Nang tumingin ang mga alipores ni Stella ay pinanlakihan ko ang mga ito ng aking mata at umakto pa ako na may sinusuntok sa hangin.




Nagmamadali naman silang nag-iwas ng tingin at nagpunta na sa kanilang mga upuan.

Gandang bungad talaga ni Stella sa umaga.

Age Gapजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें