Chapter 2

30 10 0
                                    

Nang matapos na ang klase namin ay nagdiretso na kami sa locker ni Elisse upang makuha na ang extra skirt nito.

Marami nga ang napapatingin sa amin, nagtataka siguro sila kung bakit nakabalandra ang suot kong short. May ilan pa nga nagbubulungan, hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang nang nakangiti.

“Bilisan mo naman, Lei. Mauubos ang time ng break natin. Alam mo naman na nangako ka na sasamahan ako sa college building.” Nagmamadali niya akong hinila  patungo sa locker area.

Hinihingal pa ako ng narating na namin ang locker area. Halos lakad at takbo kasi ang ginawa namin dalawa. Mabuti na lang at magkasing katawan lang kami ni Elisse kung kaya't sumakto lang ang skirt nito sa akin.

Biniro ko pa nga ito na hindi ko na ito ibabalik sa kaniya, hindi naman ako nito inintindi at nagmamadaling mag-ayos ng sarili. Nagpulbo pa ito at naglagay ng tint sa kaniyang labi.

Napairap na lang ako at hinintay na lang siya na matapos sa kaniyang ginagawa. Napaka-arte ng babaeng 'to, sigurado naman na hindi siya papansinin ng crush niya na college.

Naalala ko pa noong nakagusto siya sa Senior High students ay hindi rin pinansin ang ganda niya. Hindi ata tumatalab ang ganda niya sa mas nakakatanda sa kaniya.

Marami naman ang nagkakagusto kay Elisse na kasing edad o minsan ay mas bata ng kaunti. Isa man sa mga manliligaw niya ay hindi niya pinapansin. Gusto niya ata talagang nabroken hearted siya sa mga lalaking imposibleng magkagusto sa kaniya.

Mabuti pa ako, tamang self love lang muna, hindi pa ako ready for commitment. May mga sumusubok din na manligaw, ngunit hindi ako nag-eentertain. Minsan pa nga may hindi ako pinansin na lalaki ay ginawan pa ako nito ng kwento. Ipinagkalat kasi nito na hindi daw lalaki ang gusto ko kundi babae. Marami naman ang naniwala at dahil doon mas nabully nanaman ako. Ipinagpipilitan pa nila na may relationship daw kami ni Elisse. Mabuti naman at natapos na ang issue na iyon ng may nagustuhan si Elisse na Senior High student.

Hindi ako against sa LGBT community, but alam ko sa sarili ko na lalaki ang gusto ko. Hindi pa nga lang ako handa ngayon na pumasok sa isang relasyon. Napakabata ko pa para magmadali, dadating naman ito sa tamang panahon.

Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga ganoon na issue, alam ko naman kasi sa sarili ko kung anong totoo.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa tagal kumilos ni Elisse. Nang matapos naman siya sa ginagawa niya ay muli nanaman ako nitong hinatak palabas ng locker area.

Hindi na napagod itong si Elisse kakahatak sa akin, feeling ko tuloy parang makakalas na ang braso ko. Bakit ba kasi kailangan niya pa akong hatakin, kaya ko naman ng maglakad mag-isa.

Hinayaan ko na lang na tangayin ako nito sa building ng mga college level. Naging maingat kami at parang mga tanga na nagtatago pa sa mga halaman. Iniiwasan kasi namin na makita kami ng guard na nagbabantay sa building. Ang mga guard pa naman namin ay sobrang masusungit.

“Sigurado ka bang hindi tayoo mahuhuli nito?” pabulong kong tanong dito. Seryosong-seryoso naman ang mukha nito, halatang nag-iisip ng way kung paano namin malalampasan ang guard at makapasok sa building.

“Huwag kang magulo, Lei. Nakikita mo naman na nag-iisip pa ako.”

Napairap na lang ako “Okay, sabi mo e.”.

Kinakabahan naman ako ngayon, dahil first time ko itong gagawin. Itong si Elisse ay halatang wala na itong nararamdaman na kaba. Nasanay na nga ata ito dahil lagi naman siya nahuhuli at nabibigyan ng penalty.

Para kaming tanga na naka squat pa habang naglalakad. Mabuti na lang ay walang tao sa gawing ito.  Napangiwi na lang ako, para kasi kaming spy sa ginagawa namin.

Nanlaki naman ang mata ko ng nagmamadaling tumakbo si Elisse patungo sa main entrance ng building. Napagtanto ko na may kausap sa cellphone niya ang guard habang nakatalikod ito.

Nakapasok naman na si Elisse at ako naman ay sinenyasan niya na pumasok na rin. Patakbo na sana ako ng bigla na lang natapos na ang phone call noong guard at pabalik na sa kaniyang pwesto. Nagmamadali naman na nagtago muna si Elisse.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko ng makareceived ako ng text from Elisse.

'Pumunta ka sa likod ng building, bubuksan ko ang fire exit at doon ka na lang pumasok. Bilisan mo ha, malapit na matapos ang break.'

Napairap na lang ako at nagtungo na nga sa likod building. Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago bubuksan ang pinto. Nataranta naman ako ng bigla na lang bumukas ang pinto at hindi si Elisse ang iniluwa nito.

Nanlaki ang mata ko ng makira ko na hindi si Elisse ang nagbukas ng pinto kundi isang college student na lalaki. Kinakabahan na napatakbo ako kaya lang hindi ko inaasahan na matatapilok ako.

Hindi naman agad ako nakatayo, naramdaman ko rin ang paghapdi ng aking tuhod. Naramdaman ko naman na pumunta sa harapan ko ang lalaki at nang lingonin ko ito ay nakangiti lang ito na inialok ang kamay niya upang tulungan akong tumayo.

Nahihiya man ay tinanggap ko ang tulong niya, medyo masakit kasi talaga ang tuhod ko. Ang tanga-tanga kasi ng bato paharang-harang sa dinadaanan ko.

“Are you okay?” saad nito nang tuluyan na akong makatayo.

Napatango na lang ako nahihiya kasi ako sa nangyari at the same time kinakabahan. Baka kasi mamaya ay isumbong kami nito ni Elisse.

Pero mukha naman itong mabait. Matangkad ito, may dimple at nakasalamin, mukha nga itong matalino na kadalasang minion ng mga teacher.

Ilang sandali lang din ay sumulpot na si Elisse sa pintuan. Nanlaki pa ang mata nito ng makita ang lalaki. Nagmamadali siyang lumapit sa akin at hinila ako palayo sa lalaki.

“Sino ka?” pangungusisa naman nitong si Elisse. Nakataas pa ang kilay nito. Napairap na lang ako sa inaarte nitong si Elisse. Dapat nga ay maging mabait siya dito para hindi kami isumbong ng lalaki.

“Huwag kang makikipag-away ha,” ibinulong ko dito kay Elisse. Napatangi-tango naman siya, pero hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha nito.

Napakamot na lang sa kaniyang batok ang lalaki. Mukhang nahihiya ito sa amin dalawa. Ang cute nga nitong mahiya, hindi nga ito tumitingin sa anin ng direkta. Samantalang ito si Elisse parang gustong manakit, kung ako rin naman ay siguradong ma intimidate ako sa presence nitong si Elisse.

Naawa naman tuloy ako kay kuyang nakasalamin.

“Lake Finn Salvador,” saad nito habang nakangiti.

Naging soft na rin ang expression ng mukha ni Elisse siguro ay nadala siya sa charm ni Finn.

Napatingin naman sa kaniyang watch si Elisse at nanlaki pa ang mata.

“Naku, Lei. Malapit na matapos ang break kailangan na natin hanapin si crush.”

Napatawa na lang ako ng bigla niya na akong hilahin papasok at naiwan naman si Finn na mag-isa. Kumaway pa ako dito para magpaalam at kumaway rin ito pabalik.

Sigurado naman ako na hindi kami isusumbong ni Finn. Mukha naman kasi itong mabait.

Sana ay magkaroon ng pagkakataon na magkita kami ulit. Gusto ko siyang mas makilala at maging kaibigan.

And ito naman kami ngayon ni Elisse naglilibot sa building at mabuti naman ay mabilis namin nahanap ang crush niya. Masasabi ko na gwapo nga ang lalaki at matangkad din, mukha nga lang itong mayabang.

Parang tanga naman itong si Elisse na pangiti-ngiti at palihim na kinukuhanan ng litrato ang kaniyang crush.


Age GapWhere stories live. Discover now