Chapter 9

6 3 0
                                    

Buong araw akong wala sa mood. Dumaan kanina si Elisse dito sa bahay para kuhanin ang book. Sandali lang naman ito, and nagmamadali rin itong umalis.

Excited nga nitong niyakap pa ang libro, kung alam niya lang sana ang mangyayari.

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa labas nv bintana. Malalim na ang gabi at ang maraming bituin sa langit. Bahagya naman akong napangiti, napakaganda at makinang ng mga bituin sa langit.

Umakto naman ako na parang maabot ko ang mga bituin.

Nanatili lang ako sa ganoong pwesto ng bigla akong makaramdam ng gutom. Napahawak na lang ako sa aking tiyan at napasimangot. Anong oras na rin kasi at nakakaramdam pa rin ako ng gutom.

Bumaba naman ako at wala naman ng tao sa ibaba, sigurado na mahimbing ng ang mga tulog ng kasama ko sa bahay. Tulog na sila habang ako ito naghahanap ng makakain.

Parang gusto ko kumain ng instant noodles.

Nagtungo muna ako sa kusina upang maghanap ng instant noodles. Hanap lang ako nang hanap kaya lang ay wala na talaga ata kaming stock.

Umakyat muna ako sa kwarto at kinuha ang aking wallet. Mabuti na lang ay may malapit na convenience store dito sa aming lugar.

Dahan-dahan pa ako lumabas para hindi magising sila mama at sinigurado ko na nakalock ang front door namin  kung kaya't nagdala na lang ako ng susi ng aming bahay.

Nakasuot naman na ako ng pantulog, hindi naman ako nahihiya lumabas ng ganito kasi wala naman ng masiyadong tao.

Lakad lang ako nang lakad and nakarating naman ako agad sa convenience store. Bubuksan ko na sana ito ng bigla akong may nakasabay na magbukas nito. Hindi tuloy maiwasan na nagdikit ang aming mga kamay.

Bahagya akong nakaramdam ng kuryente at bigla kong inilayo ang aking kamay.

“Hey, it's you!” saad nito. Napalingon naman ako dito at nakita ko kung sino ang nagsalita.

Nanlaki naman ang mata ko ng makumpira ko kung sino ito. It's Finn and hindi siya nakasuot ngayon ng salamin. Noong una nga ay hindi ko pa ito nakilala, nakakapanibago kasi na wala siyang salamin.

“Finn?”tanong ko. Medyo nagulat din kasi ako.

“Yes, hindi mo siguro ako agad nakilala kasi hindi ako nakasalamin.” Napakamot na lang siya sa kaniyang batok.

Napatitig na lang ako sa kaniya, mas guwapo pala ito kapag hindi nakasalamin. Kitang-kita ko ang nangungusap na mata nito. Ilang minuto rin ata akong nakatitig lang sa mga mata nito.

“Hey, are you alright?”

“Yes!” Nagmamadali naman ako na nag-iwas ng tingin.

Binuksan na nito ang pinto at pinauna na ako nitong pumasok. Nagkuwentuhan lang kami nito sandali at bibili rin pala ito ng instant noodles dahil nagutom daw ito bigla habang nag-aaral.

Ang sipag naman pala nito na mag-aral, samantalang ako ay nagpupuyat lang sa walang katuturam na bagay. Hindi kasi ako agad makatulog dahil sa naging ending ng binabasa ko na libro.

Alam ko naman na kasi na linggo bukas kung kaya't hindi ako nag-alala. Kahit naman kasi maaga ako matulog ay tanghali pa rin akong nagigising.

Hindi katulad nitong si Finn sabado pa lang ay nag-aaral ng notes and aralin. Siguro ay top students ito kung kaya't ganito na lang ito kasipag. Gano'n siguro rin talaga kapag nasa kolehiyo kana.

Napaisip ako kung ganito rin ba ako kapag tumuntong na ako sa Senior High at kolehiyo.

Napailing-iling na lang ako at kumuha na lang ng instant noodles na aking pakay. Nakita ko naman na ang pinili ni Finn na noodles ay yung hindi masarap na brand. Natikman ko na kasi ito at kadiri ang lasa.

Nagmamadali ko siyang nilapitan bago pa siya makapunta sa counter para magbayad.

“Finn, sandali lang!” Hinila ko pa ang damit nito sa likuran. Agad naman itong napatigil. Nang mapagtanto ko na nahihiklat na ang damit niya ay agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang damit.

Napatawa naman kaming dalawa dahil sa nangyari.

“Pasensiya na, Finn. Hindi kasi masarap 'yan noodles na hawak mo.” Nahihiya 'man ay inagaw ko sa kamay niya ang noodles at pinalit ang hawak ko na noodles. Inilapag ko na lang din ang isa noodles na hindi naman masarap.

Iniwan ko naman muna sandali si Finn at kumuha ulit ng paborito kong brand ng noodles.

Nang bumalik ako ay hinihintay pa rin pala ako ni Finn. Nakatingin lang ito sa noodles na binigay ko. Hindi pa nito napapansin na papalapit na ako. Nakita ko naman ang bahagya itong napangiti, napangiti na lang din ako.

Lumapit na ako at bahagya pa nga itong nagulat.

“Ngayon lang kasi ako bumili ng instant noodles, hindi ko alam na magkakaiba pala sila ng lasa.” Pagpapaliwanag ni Finn, hindi ko tuloy napigilan ang mapatawa. Mukha naman nahiya si Finn dahil sa pagtawa ko, mabuti na lang at kami lang ang customer ngayon ng store.

“Halika na nga magbayad na tayo.”

Nauna na akong magpunta sa counter inilagay ko na ang mga pinamili ko. Bumili lang ako ng isang noodles, drinks and egg. Babayaran ko na sana ang mga pinamili ko ng bigla na lang sumulpot si Finn sa harapan ko at nag abot ng pera sa cashier. Isinabay niya na rin ang kaniyang mga binili.

"I'm going to pay for it." Nginitian na lang ako nito kaya hindi na ako nakapag reklamo pa, sayang din kasi minsan lang makalibre.

Nagrequest na rin ako ng cup para sa noodles namin at niyaya ko na si Finn na sabay na kami kumain. Nagpunta kami sa part na kung saan pwede kumuha ng hot water.

Tinulungan pa nga ako nitong buhatin ang noodles dahil mainit daw at baka mapaso pa raw ako. Napak gentleman talaga nito ni Finn.

Binuhat ko na lang ang drinks namin at nauna na akong maghanap ng mauupuan namin sa labas ng store. Ang cute talaga nitong si Finn lalo na kapag ngumingiti.

Hindi ko napigilan na mapangiti ang cute kasi nito habang hawak ang dalawang cup ng noodles at dahan-dahan pa itong naglalakad na para hindi matapon ang hawak niyang noodles.

Ipinaghila ko na lang siya ng mauupuan. Anong akala niyo lalaki lang ang pwede maging gentleman.

Umupo na ko sa tapat ni Finn. Pagkaupo ko pa lang ay sinimulan ko ng haluin ang noodles. Bago pa lumamig ang noodles ay nilagay ko na ang itlog.

Sumubo na ako at ng dahil sa katakawan ko ay  napaso ang dila ko, para tuloy akong aso na nakalabas ang dila dahil sa init. Tinignan ko naman si Finn na ngayon ay namumula na dahil sa pagpipigil ng tawa.

"You look like a puppy, you look kind of cute.”

Naitikom ko na lang ang bibig ko. Akalain mo 'yon bigla na lang akong nakaramdam ng kilig sa simpleng papuri niya sa akin.

Natameme na lang ako.

Age GapWhere stories live. Discover now