Special Chapter-Zahira

Start from the beginning
                                    

Muli kong kinargahan ang baso ko ng alak at nilagok iyon ng minsanan lang. Sobrang pait ng lasa pero kung ikukumpara iyon sa nararamdaman ko ay walang-wala iyon.




I feel so empty right now. Hindi ko na rin magawang umiyak—o sadyang pinipigilan ko lang. Nagpapakabusy ako para lang hindi umiyak, para lang hindi makita ng lahat kung gaano ako kamiserable ngayon.





"Akin na lang siya—"




"Shut up, Piper," agad na putol ko sa kaniya at tinignan ko siya nang masama na ikinahalakhak niya lang nang malakas.




"Chill." She raised her hands, "kahit ano namang gawin ko sa 'yo lang 'yon uuwi at kakalampag." Tuloy niya at muli ring kinargahan ang baso niya ng alak at tipid na ngumiti. "You're so lucky to have her. Since grade school, up until now ikaw pa rin ang mahal niya. Kaya don't be afraid and don't think that she'll not come back because she will."




"I know," mahinang saad ko.




"And she's so lucky to have you. You have reasons to leave her pero hindi mo ginawa. Kahit nahihirapan ka na you're still there waiting for her."



I swallowed hard. Pilit kong pinipigilan ang luhang gustong kumawala mula sa mga mata ko.




It's been a year since she left. Hindi ko alam kung paano ko kinaya iyong isang taon na wala siya. Siguro dahil sa mga taong nasa paligid ko... dahil sa pamilya namin ni September, sa mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin.



"That's because I love her... so much. I love her so much that I can wait no matter how long." I said weakly.




Piper nodded, "I know. Kaya hinayaan ko na kayo." Sambit niya at makaraan ang ilang segundo ay narinig ko na ang malakas niyang hagulgol. "Tangina niyo! Sana all na lang! When kaya? Eh, kung magmadre na lang kaya ako? What do you think?"




"Hindi mo bagay." I simply said as I caressed her back.




"Fuck you! Then what do you want me to do?"




"Wait until someone will come into your life—"




"Ayaw ko, tangina nila. Si September sana—"





"Fuck you!" I said cutting her off as I rolled my eyes at bahagya ko siyang tinulak.










Dumaan pa ang mga araw without her, without September. Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo lang nadadagdagan ang pagkamiss ko sa kaniya. I miss her so much at gusto ko na siyang puntahan sa Italy pero pinipigilan ko ang sarili ko because I know she's not yet healed. She's still healing herself at ayaw kong maging dahilan ako nang pagkaudlot ng pagpapagaling niya.





"Ate Zahi, isasakal na ako ni Vanessa sa October 7. Ayaw ko pa sana kasi wala pa si September pero nagmamadali na kasi si Van. Baka raw kasi agawin pa ako ng iba—"




"Epal, Swed. Ikaw itong nagmakaawa sa parents ko na pakasalan na kita."




Napailing-iling na lang ako dahil kila Van at Sweden sa tapat ko. I closed my laptop as I faced them.




"Sana makapunta siya," biglang lumungkot ang boses ni Sweden kaya napalunok ako.




"Message her." Vanessa suggested.




"I already messaged her, babe." He let out a deep sigh.




Gusto ko na ring umuwi si September but I can wait until she's ready to come back. Kung sakali mang hindi siya makakauwi sa kasal ng kaibigan niya ay maiintindihan ko.




Secretly Married To My Professor [GL]Where stories live. Discover now