Kabanata 1

111K 3.3K 3K
                                    

***








Lahat ng atensyon ay nakafocus lang sa nagsasalita sa harap. Walang ibang ginagawa kundi nakikinig at nagsusulat ng mga sinasabi ng prof namin. Either they want to learn and they don't want to fail o dahil ayaw lang nilang mapagalitan at masita ni ma'am Zahira. Dahil once na nasita ka niya, ikaw na ang magkusang lumabas o hihintayin mo pang pagalitan ka niya at siya mismo ang kakaladkad sa 'yo palabas—kidding.



I can't deny that Zahira is good. Magaling siyang magturo at kahit sobrang terror at sungit niya ay nagagawa niyang ipaintindi sa lahat iyong tinuturo niya. Madalas ay may pre and post quiz kami sa kaniya, meron pang recitation at nakakainis iyon pero kung iisipin that's just her way para malaman kung naintindihan ba talaga namin ang mga tinuturo niya o hindi.



Hindi siya boring magturo. Mukha ngang mas naboboring pa siya turuan kami dahil sa mukha niya. Parang ang basic lang sa kaniya ang lahat ng topics kasi kayang-kaya niya iyong ipaintindi sa amin.




Zahira graduated magna cum laude, she even topped the board exam. Bukod sa CPA na siya ay may MBA degree na rin. Maraming opportunities na ang lumapit at lumalapit sa kaniya at kung tutuusin ay mas mataas pa sana ang sahod niya kung ig-grab niya iyon pero mas pinili niyang magturo rito sa university namin. Siguro ay passion niya rin ang pagtuturo.



After the discussion agad siyang nagpaquiz sa amin. Lahat naman ay laging pasado, minsan may ilan lang sa amin ang bumabagsak. Sa recitation naman ay madalas naiintimidate ang karamihan kaya hindi sila nakakasagot.



Siguro kung hindi ko lang siya asawa—no, siguro kung hindi ko lang siya nakakasama sa bahay ay matatakot din ako sa kaniya pero nasanay na ako.



"Ma'am Zahi, tulungan na po kita sa gamit mo."



Habang nag-aayos ng gamit ay napasulyap ako sa harap nang marinig ko iyon. Isa sa mga lalaki kong kaklase ang lumapit kay Zahira at nag-iinsist tulungan siya sa mga gamit niya.



"No, thank you," malamig at tipid na sagot ni Zahira at umalis na dala ang mga gamit niya.



Kantyawan at tawanan ng mga kaklase ko ang nakuha ni Fernan dahil sa pagreject sa kaniya ni Zahira. Pang-ilang beses na niyang ginawa iyon at ilang beses na rin siyang nireject ni Zahira pero hindi pa rin siya natitinag.




"Move on, Fernan. Masyado kasing mataas iyong gusto mo. Isa pa ay may asawa na si ma'am Zahi baka sapakin ka pa ng asawa niya."




Napairap ako. Ano ako? Maton? 'Tsaka anong paki ko?




"Balita ko malaki raw katawan ng asawa ni ma'am, baka hindi ka na magising kapag iyong kamao niya sumagi sa mukha mo," mas lumakas ang tawanan dahil doon sa sinabi ni Dario.




At saan naman nila nakalap ang chismis na iyon?





"Mga gago! Kapag kayo narinig ni ma'am!" Sita ng isa.




"Sus, crush mo rin naman si ma'am, Lando. Sino itong nagbigay ng flowers at chocolates kay ma'am noong 1st sem natin?" Hindi pa sila tumigil at nag-asaran pa sila tungkol sa pagkagusto nila sa prof namin.



"Move on na ako! Malay ko bang may asawa pala iyong si ma'am." Tila pikon na sumbat ni Lando.



Napailing-iling na lang ako dahil sa asaran ng mga boys namin. Hindi ko sila masisisi kung patay na patay sila kay Zahira. She's almost perfect, matalino, maganda, sexy, matangkad—mga katangian na gusto ng karamihan, lalo na ng mga kalalakihan.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon