Wala akong nagawa kundi humarap sakanilang lahat at dahan-dahan na naglakad papunta sa aking silya pero sa'di inaasahan--  bigla nalang nagtagpo ang mga mata namin ni Abby.

Si Abby...

Kahit na masakit ang mga sinabi niya sa 'kin kahapon, pilit pa rin akong ngumiti sakanya pero--

hindi niya ako pinansin.

Kaagad nawala ang ngiti sa aking labi at nakaramdam nalang ng kirot sa aking dibdib.

Ang sakit...

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napaupo agad sa aking upuan. Kinuha ko nalang ang papel ko sa aking bag saka at nagsulat ng kung ano-ano dito para lang may magawa.

Owkard kasi ang katahimikan nila eh...

SAAN BA KASI 'YUNG MGA TIMANG NA LALAKING KAKLASE NAMIN?!

Pati rin si Levi wala dito eh maaga naman 'yun!

May samting...

Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin dumadating ang mga lalaking kaklase namin. Malapit nang maubos ang papel ko sa kakasulat ng ano-ano kaya wala na akong magagawa.

Saan kaya nagpunta si Noel? Sabay naman kaming pumunta sa school ah pero bigla nalang siyang nawala.

May teleportation pawers ata siya...

Tsaka ngayon ko lang din napansin na wala rin pala 'yung mga tagapag-ayos ng buhok nila Irene at mga masahista nila Jenny.

Mukhang day-off nila ah.

Tahimik lang talaga kaming lahat sa loob at walang ni isa sakanila ang nagsasalita kaya-

PARA NA AKONG MABIBINGI SA KATAHIMIKAN!

Pero mas mabuti ngang tahimik sila kesa sa magbabangayan silang lahat.

Parang sasabog ata tenga ko pag magbabangayan sila, lalong lalo't na nandito sila Jenny at Abby.

Ano kaya hitsura nila pag mag-aaway silang dalawa 'no? Para kasi silang kambal eh, parehas ng ugali, parehas ng kinikilos, at parehas ding mga matataray.

Pero sana naman na walang gulo ang mangyayari ngayon. Titiisin ko ang lahat ket para na akong mabibingi sa katahimikan basta wag lang sila mag-aaway.

Sana...

Naubos na 'yung papel ko at hindi parin sila dumadating. Kaya naman ay napag-isipan kong silipin muna si Abby sa tabi ko upang alamin sana kung ano ang ginagawa niya pero sandali akong natigilan nang makita siyang nakatingin sa likod.

L-likod? S-sino tinitignan niya?

Kaagad kong sinundan ang tingin niya at nakita kong nakatingin pala siya kay Jenny na nakatingin din,

Sakanya?

Teka- ngayong ko lang napansin na nagpapatayan na pala ng tingin ang dalawa.

Naku naku naku... parang may dadarating na delubyo ah...

'Yang tinginan nila Jenny at Abby? Mukhang alam ko na kung saan mapupunta 'yan...

"To be honest, I hate the way you look at me Jenny."

AYAN NA!

AYAN NA MGA KAIBIGAN!

NAGSISIMULA NA SILA!

Sa tono palang ng boses ni Abby, alam kong naiinis na ito!

"Hating me doesn't make you pretty, Abbitch." mataray na sabat naman ni Jenny.

Rikion HighWhere stories live. Discover now