Chapter 22

15 4 0
                                    

Warning: This chapter contains very harsh and offensive words. Read at your own risk.

Chapter 22: Groupmate

Krystal's Point Of View

Bigla nalang nawala si Noel sa paningin ko kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa room.

Mukhang nagmamadali siya ah...

Habang tahimik lang naglalakad rito sa hallway, napapansin ko naman na tingin ng tingin ang mga estudyante sa akin.

Loh. Tingin tingin niyo diyan?

May dumi ba sa mukha ko o ano?

Hindi ko nalang sila masyadong pinansin at pinagpagtuloy lang ang paglalakad.

Baka naman kasi nagagandahan sila sa 'kin hehehe.

Hashtag self-love is goods and amazings.

Nang nasa tapat na 'ko ng room namin, huminga muna ako ng malalim at hinanda amg sarili. Hinawakan ko na ang busol ng pinto pagkatapos ay binuksan ito at-

PAKTAY...

Bigla nalang nanigas ang aking buong katawan at hindi nalang nakagalaw sa aking kinatatayuan nang makita kong puro mga babae lang ang nasa loob ng room.

Ang 5QS, ITE5 at si,

Abby...

K-kompleto silang lahat mga babae.

Kaagad akong binalot ng matinding takot at kaba. Wala akong nakikitang ni-isang lalaking kaklase namin sa loob, kahit na si Levi wala siya rito.

Kundi kami lang...

K-kami lang mga babae...

Tahimik at seryoso lang silang lahat nakaupo sakanilang mga sariling silya. Kahit na walang nagsasalita sakanila, nararamdaman ko pa rin ang kanilang nakakapanindig balahibong awra.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko dito sa loob...

Parang magkakamuscles ako bigla.

Pero ilang saglit lang, mas lalo pa akong hindi nanigas nang sabay silang lahat napatingin sa akin.

P A K T A Y!

Kaagad akong napalunok ako ng laway at mas lalo pang kinakabahan sa mga titig nila. Parang mga apoy ang kanilang mga mata na sinusunog ang buong katawan ko, lalong lalo't na kay Jenny, Irene, at Abby na grabe makatingin sa akin na para bang binabasa pati kaluluwa ko.

T-T-TULONG!

Sa sobrang takot ko, kaagad akong napayuko at tumalikod sakanila. Hinding-hindi ko sila kayang tignan sa mga mata lalong lalo't na 'yung tatlo.

J-JUSMEH! MAY NARARAMDAMAN AKONG SAMTING!

PARANG BUBOGBOGIN NILA AKONG LAHAT!

Aalis nalang sana ako rito sa room ngunit naalala ko naman na tingin nga pala ng tingin ang mga estudyante sa akin sa labas.

Kagaya lang dito sa loob.

Kung makatitig, parang alam lahat mga kasalanan ko.

Napapikit nalang ako ng mga mata at huminga ng malalim.

Mukhang wala akong choice ah...

Basta itikom ko lang talaga ang bunganga ko, malalagpasan ko 'tong pagsubok ko sa buhay!

Rikion HighWhere stories live. Discover now